Chapter 3: "A Deity for a Principal?!"

53 0 0
                                    

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag, Dennis?" Tinanong sa kanya ng isang munting dilag.

Ang kanilang silid na kasing laki lamang ng isang kwartong pangtahan ay kung ano mang inaasahan mo sa isang kilala at magandang eskwelahan. Pag pasok pa lamang ay ramdam mo na agad ang lamig na galing sa AirCon. Ang bawat kabinet ay naglalaman ng mga tropeyo, medalya, certificate, at kung ano-ano pa. Sa kabilang parte ng silid nakapwesto ang lamesa, kung saan ay may nakapwestong dalaga na mukhang kasing edad lamang ni Dennis at isang nakatatandang babae na deretsyong nakatayo sa kanan niya. Sila Dennis at Melody naman ay nakaupo sa kabilang gilid ng mesa

"Um, sino kayo?" Patakang tanong ni Dennis.

"Ako si Misty, ang principal niyo, di ba halata?" Pabirong sambit ng dalaga.

Tinignan niya nang mabuti ni Dennis ang kaharap niya. Ayon kay Dennis, hindi naman kapanipaniwalang siya ang principal sa unang tingin pa lang. Kung ano man, mas mukha siyang estudyante. Ang buhok niya ay kasing puti ng pilak na deretsyong bumabagsak hanggang sa binti, at ang kanyang mga asul na matang nakatitig sa kanyang kaluluwa.

Tinignan siya nang masama ng babaeng may maala-businesswoman ang itsura. "Mawalang galang lang po Mr. Santos, pero ganyan po ba ang dapat na paraan para kausapin ang principal?"

"Hayaan mo na siya Veronica." Batid ng principal. "Mabuti pa, dalhin mo si Melody sa kabilang kwarto para sabihin ang pinagusapan natin kanina." Idinagdag niya.

Nais tumangi ni Veronica pero sinunod nalang niya ang utos at niyaya palabas si Melody. At sa segundo na nasara na ang pinto, naglabas ng buntong-hininga ang principal.

"Hay! Ganito pala kahirap maging principal! Dapat pala naging teacher nalang ako!" Tampo niya.

Hindi alam ni Dennis kung ano ang dapat niyang sabihin, o kung dapat ba siyang magsalita. Nakadikit ang baba ng babae sa lamesa niya habang siya ay nagmumukmok at iniwan si Dennis na nakatulala sa kaharap niyang upuan.

Biglaang pinitik ng principal ang kanyang mga daliri sa harap ng mukha ni Dennis, "Hoy, boy! Di mo pa sinasagot ang tanong ko!" Tawag niya, "Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?"

"Ah, eh, h-hindi po." Mahinang sagot ni Dennis. "Bakit nga po ba?"

Tumayo si Misty at lumipat sa upuan na kaharap ng lalake. "Tsk! Nako, boy! Wag ka na gumamit ng 'po' sa akin. Kaya nga ako nangatawang bata para maramdaman ko ulit ang kabataan eh!"

Hindi alam ni Dennis kung tama ba ang narinig niya. Nais niyang siguraduhin pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon.

"Hayaan na nga natin yun!" Matapos niyang magpakawala ng kakaunting tawa, binalik niya ang kanyang mga mata kay Dennis. "Kamusta na kayo ni Melody? Mukhang napaka-close niyo agad ah!" ngiti ng babae.

"P-please!" Mahinang sigaw ng lalake "Bago niyo po ako pagalitan, hayaan niyo muna akong magpa-!"

"Mukhang tama lang na ginawa ko siyang mas maliit sa iyo." Patuloy na batid ni Misty. "Iniimagine ko na dahil mas maliit siya sa iyo, magkakaroon siya ng 'Bunso-appeal' sa iyo. Napakauso ang mga ganun sa kasalukuyan di ba?"

"A-ano?" tanong ni Dennis na may halong panghihinayang. Pero patuloy pa rin siya sa pagdadaldal tungkol sa itsura ni Melody.

Ayaw pang patagalin pa ni Dennis ang sitwasyon kaya tinawag niya ang atensyon ni Misty. "Um, Misty? Pwede niyo bang ipaliwanag kung bakit niyo ako tinawag?"

"Gosh, Dennis. Dapat hindi mo pinapatigil ang babae kapag nagkukwento siya! Seryoso ka nga noong humiling ka sa akin."

Biglang nakuha ang atensyon ni Dennis. Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya. "Noong humiling?" Panigurado ni Dennis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bitch Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon