Chapter 2: "Gutom lang"

163 1 1
                                    

"H-huh?!" Pagulat na reaksyon ni Dennis sa natamo.

May nakapatong sa kanyang babaeng hubo na tanging kumot lang ang humaharang sa kanyang mata may maala-caramel na buhok katulad ng kanyang aso, at nangangamoy buto ng manok.

"Ako 'to Dennis! Si Melody!" Sinabi ng babae.

Hindi sigurado si Dennis kung papaniwalaan ba niya ang dilag, kaya nagisip siya ng paraan para mapatunayan ang inaasam ng babae. Dahan-dahang ipinuwesto ni Dennis ang kamay niya sa batok ng babae, at sinimulan itong kamutin. Napapikit ang babae at sinabing: "Hay... Wag kang titigil Dennis!"

Si Melody nga ito, dahil gusto ng aso niya na kinakamot sa may bandang batok. Pero nagtataka pa rin si Dennis kung paano ito nangyari.

"Pano nangyari 'to?" sambit ni Dennis.

"Hindi ako sigurado... Nung una, may nakita akong liwanag sa may bintana..." tinuro niya ang bintana na, para kay dennis, kataka-takang nakabukas.

"Tapos sumunod dun, bigla nalang akong nangatawang tao!" Tumayo siya sa kama at nahulog ang saplot niyang kumot. Agad na ibinaba ni Dennis ang kanyang ulo sa hiya.

"Takpan mo sarili mo!" sigaw niya

"Bakit naman?"

"Kasi may katawan ka na ng babae!"

"Tapos?" Patakang tanong ng babae

"Lalake ako... Babae ka... Wala kang damit..." Unti unting namumula si Dennis sa mga pinagsasabi niya.

"Ano meron?" Patuloy ng tanong ng babae

"Lagi mo naman akong nakikitang nakahubad eh... anong pinagkaiba ngayon?" Idinagdag ng babae na nakasagad sa bewang ang kamao.

"A BASTA!" Sigaw ng lalaki

"Mahirap ba para sayong intindihin! Kumuha ka ng damit ni nanay doon sa kwarto niya at suotin mo!" Iniutos ni Dennis

"Hay... sige na nga..." Malungkot na sambit ng dilag at umalis na sa kwarto

Muntik nang himarayin si Dennis dahil sa kakulitan ni Melody. Iniisip niya na hindi na nga siya marunong makipag usap sa babae, naging ganon pa ang aso niya. Bakit nga ba raw nangyayari sa kanya yon? Sadya nga raw ba siyang pinaglalaruan ng tadhana?

Ang kanyang utak ay napupuno ng mga katanungang wala namang sapat na kasagutan. At bago pa ito madagdagan, tumunog ang alarm ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito para patayin, pero nagulat nalang siya dahil late nang nag alarm ang cellphone niya.

"LETSE! LATE NA AKO!" sigaw niya habang agad ba bumangon at naghanda na para pumasok. Halos limang minuto lang siya naligo, at nagbihis na agad kahit basang basa pa ang katawan niya. Muntikan na nga siyang mahulog sa hagdan dahil sa sobrang pagmamadali.

Aalis na dapat siya sa bahay, ngunit napahinto siya nang lumagpas siya sa kusina. Naka-amoy siya ng malinam-nam na agahan, na umuusok sa sarap. Sumilip siya sa loob at nakita niya ang isang babaeng may pagkaliit at payat na nakasuot ng puting t-shirt na may print na "I heart N.Y." sa harap at jogging pants sa ilalim ng kanyang apron.

"Oh! Andito ka na pala! Tara na at kumain na tayo!" Pangiti niyang niyaya si Dennis, na tumutulo pa rin ang katawan.

"Pano ka natutong magluto?" tanong ni Dennis na napapanganga sa sarap at gutom.

"Hindi ko alam eh. Nakarating lang ako sa kusina, bigla nalang akong nagkaroon ng kagustuhang magluto!"

"Tikman mo nga kung masarap." Dagdag ng babae habang kumuha ng tinidor para kumuha ng piraso ng bacon.
Nang makarating ito sa dila ni Dennis ay napuno ang utak niya ng tuwa at sigla, na parang mas ginanahan siya sa buhay. Nahalata ni Melody sa mukha ni Dennis na nagustuhan niya kaya ngumiti siya sa tuwa.

My Bitch Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon