Unang araw na ng pasukan sa Serdin High, ang eskwelahan na kinilala dahil sa magaganda nitong facilities at magagaling na guro. Exclusive school ito para sa mga babae noong nakaraang taon pero ginawa na itong co-ed. Maraming estudyante (karamihan ay lalaki) ang sabik na sabik nang pumasok. Pero hindi isa sa kanila si Dennis, dahil mas gugustuhin niyang maiwan nalang sa bahay at mag self-study. Hindi kasi siya marunong makihalubilo sa mga babae (mostly ka-edad niya), at meron din siyang masamang nakaraan sa kanila. Wala siyang kapatid, at ang nanay niya naman, bilang single-parent, ay nagtatrabaho sa abroad para makapag aral si Dennis. Dahil madalas wala ang nanay niya ay natuto na rin siya sa mga gawaing-bahay. Kaya hindi nagaalala sa kanya ang nanay niya. Ang nag-iisang kasama niya sa bahay ay si Melody, ang kanyang aso. Noong nasa elementary palang si Dennis, nakakita siya ng box sa tapat ng bahay niya kung saan may nakita siyang tuta sa loob. Dahil naawa siya sa tuta ay inalagaan niya ito at pinakain. Naattach siya sa tuta at naisip niyang ampunin nalang niya ito at ituring na pamilya. Para sa kanya, si Melody ay parang kapatid at naging kasabwat niya ito sa buhay niya. Madalas niyang iniiwang magisa si Melody sa bahay tuwing papasok siya, pero ayaw din niya siyang iwanan dahil napakalapit ng puso niya sa kanya.
Tumunog na ang unang bell at pumasok na si Dennis sa classroom niya. Tulad nang kinakatakutan niya, lamang na lamang ang dami ng babae. Out of thirty-seven, lima lang ang lalaki. Pero nasiyahan siya nang onti dahil kaklase niya ang matalik niyang kaibigan na si Xavier. Nagkakilala sila noong elementarya at sa kanya siya laging lumalapit tuwing may problema siya. Alam ni Xavier ang nakaraan ni Dennis at tinutulungan niya siya sa mga problemang may kinalaman sa babae dahil magaling siya sa mga bagay na ganun.
"Good Morning 10 - Fortitude. Ako po si Ms. Villa, ang magsisilbing adviser niyo. Sana ay magkaroon tayo ng isang magandang taon. Maari po bang isa-isa kayong magpakilala sa harap? Simulan niyo po iha."
Tahimik na naghinhintay si Dennis hanggang tawagin siyang magpakilala. Pero hindi mawala sa isip niya si Melody. "Ano kaya ginagawa niya ngayon?", "Alam ba niya kung saan yung pagkain niya?", "Namimiss na ba niya ako?", ito ang mga madalas na pumapasok sa isip niya tuwing wala siya sa bahay. At habang iniisip niya si Melody, hindi niya namalayang siya na pala ang magpapakilala. Ilang beses na siyang tinatawag ni Ms. Villa, at kung hindi siya kinalabit ni Xavier, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Agad siyang humingi ng pasensya at pumunta sa harapan.
"Um, Madam, ano po sasabihin ko?" sinabi niya na may halong kaba.
"Sabihin mo lang yung Full Name mo, kung saan ka nag-aral noon at kung ano ang pwede mong sabihin tungkol sa sarili mo."
"S-sige po, Ako po si Dennis Santos, ako po ay nag-graduate sa Sacred Heart Middle School. Marunong po ako sa mga gawaing bahay at mahilig po ako sa mga aso."
"Maraming Salamat Mr. Santos, pwede ka nang maupo. Yung susunod naman po."
"Magandang Umaga! Ako si Xavier Regenar, nag-graduate din ako sa Sacred Heart Middle School. Ako po ay mahilig sa sports, lalo na ang Basketball."
"Thank you Mr. Regenar. Yung susunod po."
Pagkatapos magpakilala si Xavier ay maraming babae ang napapalingon sa kanya, at nagsimulang ngumiti at tumawa. Kaya pumasok sa isip ni Dennis na mukhang magiging popular si Xavier sa school na 'to tulad noon sa Sacred Heart. Isa nalang ang natitira para magpakilala, at nakuha niya ang atensyon ni Dennis. Siya ay maganda at may itsura ng isang chinita, ang tipo na gusto ni Dennis, kaya naman ay na-"Love at first sight" siya sa kanya.
"Good Morning, Ako po si Franchesca Velasco at nag-aral po ako noon sa Sacred Heart Middle School."
Pagkarinig dito ni Dennis ay kinabahan siya. Dahil masama ang reputasyon sa mga babae sa Sacred Heart Academy dahil tinuturi siyang "Anti-Social" at "Weirdo" ng mga kalalakihan noong middle school. Kaya maraming babae ang nangdededma, lumalayo at Nadidiri sa kanya. Kinakabahan siya ngayon dahil baka kasama si Franchesca sa kanila. Pero nagtataka rin siya kung bakit parang ngayon lang din niya siya nakilala kung magkapareho sila ng pinasukan noon.
Tapos na ang pagpapakilala ng mga estudyante sa 10 - Fortitude. Tumunog nanaman ang bell kaya pinababa na sila ng guro nila para kumain. Sabay na kumain sila Dennis at Xavier, tulad noong middle school.
"Dennis, may nagustuhan ka sa klase 'no?"
"Huh? Ako? May nagustuhan?"
"Oo, nahalata ko nung nagpakilala si Franchesca, napatulala ka. Kaya naisip ko na gusto mo siya. Kilala naman kita eh."
"Eh, anong meron kung may gusto ako sa kanya? Ikaw nga, maraming nagkakagusto sayo sa klase natin eh."
"Siyempre! Ako pa! Hahaha, Joke. Gusto mo tulungan kitang kausapin si Franchesca? Alam ko naman na nahihirapan ka sa mga bagay na ganyan."
"Um, sige, pero bukas nalang, hindi pa ako handa eh."
Pagkatapos ng Recess ay pinatawag lahat ng estudyante sa loob ng Auditorium para sa isang Orientation. Mostly tungkol sa pagiging co-ed ng school. Dahil alternate ang seating arrangement nila sa Audi, naisipan nalang ni Dennis na manahimik nalang siya sa buong orientation. Pero dahil sa paglalaro ng tadhana. Naging katabi niya si Franchesca. Hindi niya kayang magisip ng tuwid dahil kinakabahan siya nab aka may mangyari. Matagal na siyang hindi tumabi sa isang babae, lalu na kung crush niya. Kaya namumula at pinapawisan siya sa buong orientation, kahit may air-con naman sa silid
Pinauwi na sila pagkatapos ng orientation dahil hanggang tanghali lang sila ngayon. Nagpaalam na siya kay Xavier at agad-agad na siyang umuwi. Hindi siya makapaghintay na makipaglaro kay Melody at ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina. Pagkadating niya sa bahay ay tinawag niya ang aso niya. Pero hindi siya lumapit. Kinabahan siya dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya, kaya hinanap niya siya. Pumunta siya sa kwarto ni pero wala siya doon. Wala rin siya sa Kusina, sala, cr, at hapagkainan. Kaya inisip niya nab aka nasa bakuran siya. Pagkapunta niya doon ay may nakita siyang kahon, agad siyang lumapit at binuksan ito. Nagulat siya nang bigla siyang talunan ng isang maliit na babaeng Finnish Spitz at sinimulang dilaan siya.
"Hi Melody! Namiss mo ako 'no? Kamusta na? Gusto mo maglaro tayo? Marami akong ikukwento sayo."
Nagtakbuhan silang dalawa sa bakuran at naglaro ng Frisbee. Kumain din sila habang kinukwento niya ang mga nanyari kanina. Ito ang kanyang araw-araw na buhay. Wala naman siyang reklamo dahil masaya naman siya. Tuloy-tuloy lang ang kanilang paglalaro hanggang dumating ang gabi. Kaya naligo na silang dalawa nang sabay at naghanda nang matulog. Pumuwesto na si Melody sa kama niya habang tumitingala sa langit si Dennis. At bigla siyang nakakita ng isang "Shooting star". Kaya naisipan niyang mag wish.
"Sana, matuto na akong makihalubilo sa mga babae, at sana hindi na ako mahiya tuwing may kasama ako na babae."
Hindi naman niya inaasahan matutupad ang hiniling niya pero kung mangyayari man yun, siguro magiging masaya siya. Nahiga na siya at natulog na nang mahimbing katabi si Melody. Dinilaan siya ni Melody at pumuwesto na sa tabi niya. Sumunod na araw ay panibago kay Dennis, dahil nararamdaman niya na parang may mabigat sa tabi niya. Inisip niya na baka si Melody lang iyon, at baka bumigat lang siya. Pagkabangon ni ay nagulat siya. May babae sa tabi niya, sa pwesto ni Melody. Ang pinagkaabalahan niya, wala rin si Melody.
"Melody! Melody! Asan ka?" sinigaw niya pero hindi niya nararamdaman na lumalapit si Melody
Biglang nagising ang babae at tinignan si Dennis nang nakangiti.
"Good Morning Dennis!" Banggit niya habang palapit ng palapit kay Dennis. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Dennis at dinilaan niya ang mga pisngi niya. Dahil dito, nagulat si Dennis at namula.
"T-t-teka! S-s-sino ka? Bakit mo ginawa iyon?" Sinabi niya habang sumasandal sa pader dahil sa takot.
"Hahahaha... Ano ka ba Dennis? Ako 'to, si Melody!"
BINABASA MO ANG
My Bitch Girlfriend (On-Going)
RomanceDennis is a socially awkward fellow. He cannot communicate with the opposite gender well, and tends to be misunderstood. What made matters worst is that he was admitted and given a scholarship at Serdin High, a high class school that was an all-girl...