chapter 1

143 6 2
                                    

" mahal kita " sabi niya sa akin habang hawak ang aking pisngi.

" mahal din kita " sagot ko sa kanya. Unti2x niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at dahil dun naipikit ko ang aking mga mata nang biglang

K R I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I N G

" ay palaka, panirang moment naman tong relo ko oh. Nandun na yon oh. Mahahalikan na sana ako ni papa Kurt ko. Sayang naman oh " nanaginip na naman ako kay Kurt. 

Ako nga pala si ZHAIYA VALENCIANO. 16 years na naninirahan dito sa planetang earth.Isang estudyante sa Class f. Maganda, sexy , mayaman de joke lang, hindi kami mayaman pero hindi naman mahirap nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. May trabaho naman papa ko isa siyang chef sa maliit namin restaurant , pero wala na ang mama ko namatay siya dahil sa sakit sa puso . 

" makaligo na nga, monday pa naman ngayon. Baka pagalitan nanaman ako ni maam"

At pagkatapos kong maligo, kumain na ako at nagpaalam sa papa ko. Maglalakad lang ako papuntang school dahil malapit lang ang aming bahay dito.Pagdating ko sa tapat ng gate maliit nalang ang mga estudyante, baka nisigpasukan na sa kanilang mga klase.

Pagtingin ko sa gilid ng gate may isang magarang sasakyan at may isang lalaki ang bumaba.  Grabeh ang sikat niya ha, lahat ng mga tao ay umalis at pumunta sa may gilid para lang maka-daan ng maayos.

"Hi Gio" sabi ng isang magandang babae.

dineadma lang sya ng lalake , kawawa naman yung babae oh, ang saman naman ng lalakeng yun.. 

"zhaiya" tinawag ako ni Kurt.

"Hi Kurt" sabi ko sa kanya

Magkakilala kami ni Kurt dahil sabay kami lumaki. Magkaibigan kasi ang mga tatay namin.Simula bata palang kami gusto ko na siya, sino kaya ang hindi magkaka gusto kay Kurt? Gwapo,mabait, matalino at napaka gentleman. 

" Ito pala sa Gio, Gio ito naman si Ciarra" sabi ni kurt

" Hi Gio" sabi ko,

Dineadma niya lang ako, at tsaka umalis. Ang sama talaga ng ugali oh.

" pasensyahan mo na yun, ganun tlaga kasi yu eh " KURT

" ok lang yun" sabi ko

" sige punta na ako sa klase ko baka malate ako at ikaw rin baka pagalitan ka nanaman nga teacher mo" KURT

" hahahaaha, sana hindi, sige bye " sabi ko sa kanya

"sige, kita nalang tayo mamaya " at umalis na siya. At ako naman papunta na sa klase ko

Pagpasok ko, wala pa si Maam.Nilapitan ko ang bestfriend ko.

"ang swerte ko naman oh" sabi ko sa bestfriend ko.

" pasalamat ka wala pa si maam, at baka papagalitan ka nanaman nun" sabi ni Yuki

Si Yuki Bautista pala ang bestfriend ko. Simula 1st year highschool kami magkaklase. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, pareho kaming certified KPOPER. ^^

At ng time na ng recess. Pumunta na kami ni Yuki sa canteen.Dala-dala na namin ni Yuki ang ine-order namin, ng biglang natapakan ko ang isang balat ng saging kaya na nadapa ako at yung pagkain ko napunta sa isang lalake at pagtingin ko

"patay" bulong ko sa sarili ko

Si Gio lang naman yung lalake. Lagot ako nito.

" what da f*** " sigaw niya 

"sorry,sorry hindi ko sinasadya" lilinisin ko sana ang polo niya pero bigla siyang umalis. Ang sama talaga ng ugali oh.

" ok ka lang ba Zhaiya?" tanong sakin ng bestfriend ko.

" ok lang ako, sino naman kaya ang nagtapon dito ng balat ng saging, hindi niya ba alam saan ang basurahan

" alika ka na nga" hinila na ako ni Yuki

pasenya na kung hindi maganda ang chapter 1, bago pa kasi ako :)) pero i will do my best na maging maganda ang mga susunod na chapters :)

Love Story ni ZhaiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon