chapter 3

72 6 3
                                    

[ zhaiyas pov]

Naglalakad na ako papuntang school kaso parang blured yung paningin ko at parang wala ako sa sarili. Kayo ba naman ang matulog ng madaling araw at gigising ng maaga.

*peep! peep!

"ay kalabaw" di ko man lang namalayan na may sasakyan pala sa likuran ko. Natapon ko tuloy yung mga papel! waaaaaaaaaaaaaa! T____T

"ciarra tulungan na kita" biglang dumating si Kurt!! ayeeeeee!! Tinulungan niya akong kunin yung mga papel.

"salamat kurt ah"

"wala yun. tara! sabay na tayo"

Tumigil na ata sa pagtibok ang puso ko. Patay na ako! Patay na patay kay kurt!! OA masyado ha ! HAHAHA xD

Yun nga magkasabay kaming pumunta sa school kaso kung makatingin yung mga tao para yatang papatayin na ako! sikat kasi to si kurt dahil nga sa class A siya. 

"wag mo sila pansinin . ok lang yan"

 "oo nga"

yeey! hindi ako ikinikahiya ni kurt !! sorry nalang sa inyo mga girls. Sasabay na sana ako ni kurt pero sabi niya na siya nalang daw magbibigay kay Gio nung mga papers.

pagpasok ko sa room ko, sinalubong na ako agad ni bru Yuki. 

"anong nangyari sayo bru? bakit ang laylay ng mga eyebags mo?" sa tanong sakin ni yuki. umupo na ako sa upuan ko.

"yun kasing su Gio binigyan lang naman ako ng mga mala-bundok na mga papel para icheck ko daw" 

"bakit naman?"

"para daw makabawi ako sa kasalanan ko"

" ok lang yan bru, maganda ka parin" hulaan ko, bola-bola ang ulam nitong bruhang to. Binobola pa kasi ako eh.

Ng matapos na ang klase wala akong naintindihan sa mga leksyon dahil wala akong gana makinig sa mga teacher ko.

Nasa locker ako ngayon. Ilalagay ko muna dito ang mga libro ko.

"zhaiya"

"ay anak ka ng palaka" si Gio pala, nakakagulat naman tong taong to. Sumusulpot nalang ka agad.

" for your information hindi palaka ang parents ko by the way, salamat pala sa pagcheck ng mga papers" chaaaar nagpapasalamat siya sakin.

"kung alam mo lang dahil dun hindi ako nakatulog ng maayos" bulong ko sa sarili ko

"anong sabi mo? tanong niya.

"wala, sabi ko walang anuman" akala ko talaga narinig niya.

"aah ok" sabi niya. Umalis na agad siya.Papaalis na sana ako ng biglang may tumawag sakin.

"zhaiya" tinawag pala ako ni kurt.

"oh, hi kurt"

"busy kaba zhaiya?" tanong niya

"ah, hindi naman wala naman masyadong assignments"

"pwede mo ba ako samahan? magpapasama sana ako sayo sa Mall kung pwede ka"

Pwedeng pwede Kurt. kAHIT everyday sasamahan kita. hanggang sa kamatayan. OA masayado haa! sa mall lang nga magpapasama.

"sige game ako diyan! ano pala gagawin natin dun?"

Love Story ni ZhaiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon