Chapter 1-Meeting Him

104 10 4
                                    

Rick Llander Villacosta on the side lovers!
----------------------------------------------------------------------------------------------------->

3rd Person's POV

"Ma, alis na po ako. Wag nyo na po akong ihatid. Magcocommute nalang po ako papuntang school. Love you Ma."

Sya si Ashenea Claire Bermudes. Mabait, Magalang at magandang babae. Sikat sya sa pagiging model. 16 years old sya. Pumapasok sya ng 4th year highschool sa South Ridge High. President din sya ng student council.

"Ano mga Tol? Laro tayo ng basketball mamaya pagkatapos ng klase?"

Sya naman si Rick Llander Villacosta. Ang nagiisang heartthrob sa South Ridge High. Varsity at captain ng basketball. Mabait (medyo may pagka mahangin nga lang), gentleman at gwapo. 17 years old sya.

Ngayong kilala nyo na sila, simulan na natin ang kwento.

Ashenea's POV

"Ma alis na po ako" sabi ko kay Mama at nagkiss sa kanya sa cheeks.

"Oh sige Anak. Nakapagpaalam ka na ba sa Papa mo?" tanong ni Mama habang naghuhugas ng pinagkainan.namin.

"Uh. Hindi pa po Ma. Sige po. Punta na po ako kay Papa." I said.

Dumiretso ako sa salas kung saan naabutan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo.

"Pa, alis na po ako"

"Oh sige anak. Mag iingat ka ha!"

"Opo Papa!"

Agad akong tumakbo palabas ng bahay at pumunta sa may gate para mag abang ng taxi. Nasira kasi yung kotse ko tapos naka leave pa yung driver namin.

Few minutes past........

Haay! Salamat! Nakasakay na rin ng taxi.

"Iha, saan ang punta mo?" sabi ni Manong at tumingin pa sa front mirror.

"Sa South Ridge High po Manong." agad ko namang sagot

Kakatapos ko lang magbayad ng maalala ko si Ate Camille. Sabi nya sabay daw kaming umalis. Naku Lagotttttt!!!

"Andito na tayo Iha."

Bumaba na ako ng kotse at dumiretso sa loob ng campus. Habang naglalakad ako, maraming new students ang nakita ko. May parang jerks and bitches!

Maya-maya pa.....

*Blagggg*

Ouch! Sino ba yun? Ang sakit ng kamay ko! Agad agad kong pinulot ang mga librong hawak ko kanina na sya namang nalaglag ng magkabanggaan kami.

"I'm sorry Miss. Are you okay? Do you want me to take you to the clinic?" sabi ng mala angelic na lalaki dahil sa angelic nyang boses.

Tinignan ko sya.

"Ah. I'm okay. Okay lang ako." sabi ko pagkatapos kung tumayo.

"Are you sure?"

"Yah, yah I'm okay. Thank you."

"Okay! By the way Ms.-----?" he said.

"Uhnmm, Ashenea Claire. Ashenea nalang."

"Okay. Ashenea. I'm Rick Llander. You can call me Rick." sabi nya at inabot ang kamay nya for shakehands. Aabutin ko na sana kaso biglang......

*Ting-ting-ting*

Biglang nagbell. Hudyat na dapat ang lahat ng estudyante ay nasa rooms na. Agad naman akong nagsalita.

Rythym of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon