BBF (1) : Secretly Loving You

4 0 0
                                    

-Boy Best Friend : Secretly Loving You-

(Series 1)

_______

~ "Ash, can I ask you something?" Noah asked me, I nodded for an answer. He clears his throat before speaking. "Can you be..."~

Krinnggg... Krinnggg...

Gosh! That startled me!

It's my freaking alarm clock who woke me up!

Ba't sa pinaka-importanteng part pa ako nagising?! Ano kaya ang sasabihin ni Noah sa akin?! Ahh! I hate it!

Bumangon na ako galing sa kama at nagmadaling lumabas. May pasok kasi kami ngayon atsaka, Noah and I are going to school... Together!

Yap! Tama kayo nang hinihinala! May crush nga ako kay Noah, happened to be my boy best friend! Damn! 3 years na nga kaming magkaibigan pero hindi pa rin ako umaamin sa kanya, ayoko ko kasing masira ang  FRIENDSHIP namin, atsaka may pagka-manhid din yan hindi nang kacrush-back, ewan ko nga kung bakit hindi pa niya nahahalata, siguro sa tingin niya, hanggang friends lang kami. Aroouucchhh! Sakit nun ah!

Nagmadali akong nagbihis at nag-toothbrush, you know na, makikipag-chit-chat na naman ako kay Noah mamaya so kailangang malinis at mabango ako, at syempre dapat maganda din.

Ayy! Oo nga pala, hindi pa ako nakapag-pakilala sa inyo ng maayos...

Ehem ehem...

Ako nga pala si Ashley Heffner, 16 years of age, 'fil-am' ehem ehem! Filipino si Mama at Amerikano naman si Dada kaya ayun. 5'4 ang height, medyo payat, at syempre mas maganda pa sa maganda. 3 years girl best friend ni Noah Franklin. Isa ding fil-am si Noah, dun nga kami sa States nagkakilala eh!

So, back to reality muna tayo!

Eto na nga ako, naghihintay kay Noah sa labas ng gate namin, magkapit-bahay lang kami kaya hindi naman ako mapapagod sa kakahintay, tsaka sanay na akong maghintay eh! Naks naman! Ano namang klaseng harot yun?!

Nako! Baka malate na kami ni Noah neto ah! Quarter-to-8 na! Habang tumitingin ako sa aking relo ay may narinig akong papalapit na yabag sa akin. Agad kong inaangat ang aking paningin. At dun nga, nadatnan ko ang gwapo kong boy best friend!

He waved hello to me as soon as he reached me. Huminto siya sa aking harapan at ngumiti.

"Hi!" He greeted with an ear-to-ear wide smile. I smiled back, "Hi!" . Naks naman! Matutunaw nako neto! Noah naman, parang awa mo na! Huhuhu...

"Tara na." Sambit ko, tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad patungong bus stop.

"Did you already finished making your report?" Noah asked me, he's talking about our report at History. Pinagawa kasi kami ni Prof para daw sa performance tasks namin, binigyan niya lang kami ng 1 week para gumawa.

"Tapos na, ikaw?" Sabi ko, habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Tapos na din." He stated.

Nang makarating kami sa bus stop agad ako pumwesto sa aking paboritong spot, sa window side. Natatanaw ko kasi ang magandang town ng Maynila.. Tumabi naman sa akin si Noah. Napansin kong parati siyang humihikab.

"Hindi ka ba natulog kagabi, parang puyat na puyat ka ata." Tanong ko. Napansin ko din ang eyebags niya, ano kaya ang pinagagawa ng lalaking 'to?

"Huh? Pagod kasi ako sa paggawa ng report. Halata ba?" Sambit niya habang tinuturo ang mga eyebags niya. Umiling na lang ako, I put my ipods and played my favorite song, What am I by Why don't We.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang may bumagsak na matigas na bagay sa aking balikat, tiningnan ko ang aking katabi at nakita ko ang tulog na si Noah sa balikat ko. Omo! My heart is beating like crazy!

Boy Best Friend : The SeriesWhere stories live. Discover now