BBF (2) : Comfort Zone

1 0 0
                                    

-Boy Best Friend : Comfort Zone-

(Series 2)

_______

"Cass, yung mga birthday hats nasan na?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Megan, busy kami ngayon sa pag-peprepare ng birthday party ni Perseus, boy best friend ko, it's his 18 birthday. Nandito kami ngayon sa hospital, naghahanda.

"Nanjan sa table, paki kuha na lang." Sambit ko habang busy naman ako sa pag-didikit ng mga pictures sa dingding ng room na kinaroroonan ni Perseus. Nasa labas pa sina Perseus kaya may time pa kaming maghanda, tsaka, alam naman ni Tita kaya sinabihan namin siya na ilabas si Perseus.

Nga pala! Hindi pa ako nagkapag-pakilala sa inyo, ako nga pala si Cassandra, but they call me Cass for short, 17 years old, 2nd year college student, atsaka ang magandang best friend ni Perseus Zamora.

"Cass, nandyan na sila, maghanda na tayo." Report ni Coleen samin, bigla kaming nagtago at sinara ang pinto sabay handa ng confetti namin. Naririnig namin mula sa labas ang boses ni Perseus, kaya mas naging alert kami ng mas papalapit ang boses.

"Thanks, Mo--"

"Surprise! Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday dear Perseus, happy birthday to you. Yey!" We cut him off with our warm birthday greetings. He looked shocked from what we did.

"Oh, blow your candles na, bilis!" Sabi ko sa kanya sabay alok ng birthday cake niya, tiningnan niya ito bago tumingin sa akin.

"Really?" He asked with a smile, tumango naman ako. Alam kong masaya siya ngayon kahit madami siyang pinagdadaanan.

"Yes, blow it. Come on."

Huminga muna siya ng malalim bago ipinikit ang mga singkit niyang mga mata at umaktong naghihiling. Nung matapos siyang mag-wish, isa-isa niya pinatay ang mga candles.

"Yehey! What was your wish, tell us." Sikmat ni Megan, tumawa naman kaming dalawa ni Coleen.

"My wish was, sana maging happy tayong lahat, and..." Aniya at tumingin sa akin, binigyan ko naman siya ng what-is-it-look.

"And?" Di mapakaling tanong ni Megan, woah! Chill lang Meg, baka magkaka-heart attack ka kapag nalaman mo na ang continuation ng sasabihin ni Pers.

"And, sana bigyan pa ako ng pagkakataon para makasama ko kayong lahat, yun lang." Sabi niya, a small smile appeared in my chubby face, aww!

Short na lang kasi ang time ni Pers dito sa mundo, may sakit kasi siyang Lung Cancer, na nalaman namin nung 16 pa siya, so, it's been 2 years, 2 years na siyang naka-confine dito sa hospital, pero never siyang sumuko kasi alam niya na nanjan kami palagi para sa kanya, we started being friends since we were 13, kaya naging mas komportable kami sa isa't isa.

"Aww! Naiiyak ako." Drama ni Megan, tsaka niyakap si Pers.

"I love you Pers, remember that." Aww! So sweet. Matagal na din kaming magkaibigan nina Coleen at Megan kaya ganyan siya maka-asta.

Sasabay na sana ako sa yakap nila nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko mula sa bulsa ko at tiningnan kong sino ang nag-text sa akin. Lumaki ang mga mata ko nang makitang si Pers yun. Tumingin ako kay Pers na ngayon ay nakangiti habang tumititig sa akin.

Binalik ko ang atensyon ko sa text niya,

From : Perseus

Meet me at the rooftop, 7:00pm straight... See ya'!

Nagtaka ako sa text niya, ano naman kaya ang ganap? Binulsa ko ang phone ko at nakipagkulitan sa kaibigan ko.

...

Boy Best Friend : The SeriesWhere stories live. Discover now