24

15.6K 280 83
                                    

Dalawang araw. Dalawang araw akong nasa bahay dahil sa nangyari. Hindi ako pinapasok ni Papa at lalong lalo na si Sir Zari.

He was fuming mad when he learned what happen. Noong nasa police station kami ay halos lumabas na ang litid ni Sir Zari sa galit at paulit-ulit rin itong humingi ng tawad sa'kin kahit wala naman siyang kasalanan.

Agad nakulong si Paul, Dahil na rin sa witness. Ang laki nga ng pasasalamat ko sa babae dahil siya ang nagsabi kila Lorcan kung nasaan ako.

We know that Kate is involved, hindi lang namin naipagtulakan dahil wala kaming evidence. Kate on the other hand do not care on what happened.

Sa dalawang araw na hindi ako nakapasok dahil sa matinding pagkirot ng hita ay nandito sila. Sila ang umasikaso sa'kin dahil kailangan pang magtrabaho ni Papa.

Our internship went on at sobrang saya ng makatapos na kami. Magsisimula na kami sa thesis kaya matinding pag-aaral talaga ang mangyayari.

They texted me that they will pick me up later at three. Sisimulan na namin ang chapter 1 dahil may title na rin kami.

Kumuha ako ng stock na gulay dahil magluluto ako ng tanghalian namin ni Papa. Uuwi daw siya ng tanghali at dito kakain kaya kailangan ko maghanda.

Nang maluto ay agad akong naligo. Saktong pagtapos ay dumating si Papa. I smiled when I saw his uniform.

Guard na siya sa isang grocery store. Hindi na rin siya nagtinda dahil medyo kulang na ang pera pampuhunan.

Kumain kami at nagkwentuhan. Nangingiti nga ako dahil sa puri niya sa luto ko.

"Sarap ah? Pwede ng mag-asawa.." biro nito habang natatawa.

Napailing naman ako at ngumuso. "Nag nilaga lang pwede ng mag-asawa.."

Mas lalo itong natawa kaya napangiti ako. I miss this moment, yung sabay kaming magtatanghalian tapos puro tawanan.

Nang matapos ay agad rin siyang nagpaalam upang bumalik sa trabaho. Ako naman ay inayos ang gamit na dadalhin.

Lumipas ang oras at narinig ko nalang ang busina sa labas. I checked myself on the mirror, I wore a simple white tee and maong shorts paired with my white shoes. Nang makitang ayos na ay lumabas na 'ko.

Bumungad sa'kin si Darsen. He immediately smiled and held my hand. "Ganda.." ngiti nito.

Natawa naman ako. "Saan sila?" Tanong ko.

He shook his head. "Nandoon na at hindi na sumama. Let's go?"

Tumango ako kaya agad kaming sumakay at umalis. Mahigit kalahating minuto ang byahe bago kami nakarating kila Lorcan.

Agad kaming sinalubong ng dalawa ng makarating kami. I hugged them and kissed their cheeks, syempre pati si Darsen para fair.

"Simple but hot." Lorcan said while glancing at my body. I bit my lower lip to suppress my smile.

Sa living room kami pumunta at nakaready na roon ang laptop nila. Agad akong umupo at sinundan naman nila.

I was about to open my bag when someone put his hand on my eyes. Agad ko 'tong kinapa at natatawang hinampas.

"Ano nanaman? Magsimula na tayo!" Saad ko rito.

I heard him chuckled and I recognized him, it's Deon.

"We have a surprise for you, hon.."

I heard them count, nang magtatlo ay kasabay ng pagbitaw niya sa mata ko at pagbungad nila Darsen at Lorcan na may hawak na box.

Sa hugis palang ay alam ko na kung ano 'yon.

Alanganin ko silang tinignan. "Why? May gagamitin naman tayo, hindi niyo na kailangang... Bumili para sa'kin."

I Own ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon