21

16.6K 321 70
                                    

"Calm down, baby.."


"How can I?" Asik ko rito. Sinamaan ko ng tingin si Darsen na nananahimik ngayon sa tabi. "Tuwang tuwa sa hawak 'no? Gusto mong putulin ko 'yang braso mo?"


Agad itong umiling. "Ask Lorcan! Tinaboy ko talaga siya, Babi. Kakahawak niya lang ulit noong dumating ka.."


I rolled my eyes at him. Sinubo ko ang huling kutsara sa plato bago nagpunas ng bibig.


She's really getting into my nerves. Akala ko lang pala na tahimik siya, baliktad na baliktad pala.



I shouldn't let her get near them, alam ko na hindi siya papansinin ng mga lalaking 'to pero ayoko parin na makita siyang lumilingkis sa kanila.


Hinintay kong matapos sila at sabay-sabay kaming bumalik sa floor kung saan kami naka-assign.



Tumayo lamang kami sa labas dahil may oras pa naman. Ilang minuto pa ang lumipas ng magsidatingan ang mga kasama namin. Nagpaalam na 'ko sa kanila bago bumalik sa kung nasaan ako kanina.



Actually, madali lang naman nag ginagawa ko. Checkings lang naman kaya hindi ako masyadong namomroblema.


The time goes by, Ngumiti ako sa mga kasama ko ng magpaalam na kami sa isa't isa. Ilang linggo ko rin sila makakasama kaya mas mabuting makipagkaibigan sa kanila


Paglabas ko ay saktong naglalabasan na rin ang mga kasama nila Lorcan. Sila Deon naman ay hindi pa tapos. Hinintay ko si Lorcan pero halos makalabas na lahat sa department nila pero wala parin siya.



My forehead creased, lumakad ako papasok at wala na akong nakitang tao roon.


"Looking for your friends?"



Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat pa 'ko ng sobrang lapit niya sa'kin at halos mabunggo ako sa dibdib niya.



Alanganin akong ngumiti. "Si Lorcan lang po. Nakaalis na po ba?"


He smiled. "How old are you?"


Pinigilan kong mapairap sa tinanong niya sa'kin. Ang pinag-uusapan namin ay si Lorcan, anong kinalaman ng edad ko do'n.



He's creeping me out.


"Twenty-three.. Naka alis na po ba si Lorcan?" Tanong ko.


He smiled again. "H'wag ka ng mag-po sa'kin. By the way,  I'm Paul.."



Nawala na ang ngiti ko sa labi habang inaabot ang kamay niya. Kung pwede lang ipitin 'to, ginawa ko na.


Seryoso ko siyang tinignan. "Where's Lorcan?"  


I saw him smirked for a second. "Lorcan is with his girl, Kate yata ang pangalan.. Nasa stock room sila dahil inutusan kong kumuha ng bondpapers. "


Tumango ako at akmang lalakad na dahil hindi ako mapakali ng malamang kasama niya yung linta na 'yon pero kinuha nanaman niya ang atensyon ko. I'm not dumb, he's trying to hit me.


"You didn't tell me your name, miss.."


I sarcastically smiled at him. "I'm Coleen.." bago ako lumakad muli ay nagsalita ako. "And Kate is not his girl, I am."



Agad ko siyang tinalikuran at bumaba sa ground floor. Nagtanong ako ng direksyon kung nasaan ang stock room nila kaya agad rin akong nakarating doon.



The door is half open. Agad ko 'yong binuksan. Nakita ko si Lorcan na palabas na habang hawak ang isang box. Siya naman ay nakasunod lamang.



I Own ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon