45

14.7K 440 551
                                    

People come and go. Literally.

It's so hard to accept it but you don't have a choice. Kase kahit anong gawin natin, mangyayari at mangyayari talaga.

Ang pinakamahirap talaga ay yung hindi natin mapilit yung sarili nating tanggapin. Na napakahirap magpatuloy dahil hindi ka sanay na wala na sila sa tabi mo.

Darsen...

When I met him, I know that he's different. The guy who can make you smile and laugh using his corny jokes, the guy who can do everything just for you, and the guy who I treasure the most.

God why? Alam mong naniniwala ako sa'yo, kahit sobrang sakit ng mga pagsubok ko, kinakaya ko pero Lord, H'wag naman sobra. Kase tao lang ako, sumusuko din ako. Sobra na kasi, hindi ko na kaya.

Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa kaniya. Bawat segundo ko iyong pinipisil at pinakikiramdaman.

"D-Darsen. . . Kayanin pa n-natin ha? H-H'wag muna hmm? Babi?" Saad ko habang nakatingin sa pikit niyang mata.

Lumingon ako ng bumukas ang pinto. Hawak ni Lorcan si Cosen. My son smiled at me and wave his hand.

He's now one year old and one month. Ang bilis niyang lumaki, kitang kita na rin ang kagwapuhan nito.

"My.." he cutely called me.


That's his first word. My, short for mommy. I remembered how I cried that time when I heard it, gano'n pala talaga kasaya sa pakiramdam kapag tinatawag ka ng anak mo.

But he can't speak other words up until now. 'My' palang talaga.

"Coleen," Lorcan gave me a peck. Hinalikan ko rin ang anak ko sa pisngi at ngumiti.

"Where's your Dada?" I asked softly. Tinuro nito ang pinto at saktong sakto dahil pumasok si Gideon. I greeted him and sit back.

Gideon sighed. "How is he? H-Hindi pa rin ba talaga bumubuti? A-Ang tagal na.."


I shook my head and gulp because of the lump in my throat. "L-Lumalala daw.." I said as I remember what the doctor said.

Habang nakatitig sa payapa niyang mukha ay nakita ko ang pagdilat niya. Bigla akong napatayo. "D-Darsen? Can you hear me?"

Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago bumaling sa'kin. Binigyan niya 'ko ng maliit na ngiti. "C-Coleen.."

"Y-Yes, I am. . Gutom ka ba? Do you want to drink?" I asked gently but he shook his head.

Ang pagod nitong mata ay bumaling at tinanaw ang anak. "Cosen anak, nakagising pa si P-Papa oh?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagugulahan ko siyang tinignan. "A-Ano bang sinasabi mo Darsen. . ."

He shifted his gaze to me. "What I am saying Coleen is that, I can't stay any longer. . ."

I stopped and stared at his face. Uminit ang sulok ng mata ko ngunit pinipilit ko iyong pigilan. "D-Don't say that,"

"Darsen, stop.." Lorcan said in his serious voice.

Bigla siyang umubo kaya agad akong kumuha ng tissue at inilapat sa bibig niya. Agad na kumalat ang dugo doon at kinailangan ko pang kumuha ulit dahil sa dami ng likidong lumalabas.


With his tired eyes, he looked at us. "H-Hindi ko na kaya. . ."

Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko. "D-Darsen p-please, laban tayo.. lumaban ka.." iyak ko rito habang hinahawakan ang payat na niyang kamay.

Si Lorcan ay buhat buhat si Cosen na inosenteng nakatingin sa'min ngayon. Si Gideon naman ay tahimik lamang na nagmamasid ngunit kitang kita sa mga mata niya, nila na may mga naka amba ng luha na malapit na ring mahulog.

He shook his head and smiled sadly at me. "I can't.. H-Hindi ko na kaya, Col.."

"Nakalaban tayo isang taon, baka k-kaya mo pa? H'wag mo naman kaming iwan.." pagmamakaawa ko.

I can't lose him. God knows how kind he is, he should give Darsen a chance to live longer.

"Mahal na mahal ko kayo ni Cosen. . . S-Salamat sa pag-sama sa laban k-ko.."

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "I want y-you to know that I'm happy meeting you in this lifetime Coleen.." nakita ko ang pag-alpas ng munting luha sa mga mata niya. "M-Maybe this is the time we should l-let go. Continue your s-story without m-me.. Without D-Darsen.."

"I-I can't continue it without the special p-piece.." I said with my trembling voice.

Iniling ko ang ulo ng paulit-ulit, hindi.. Hindi ko kaya. I shifted my eyes to my son and back to him. "Y-You want to see our son grow right? Don't l-leave please.. Kayanin mo p-pa.. pakiusap.."

"I want.. but w-we know that there's no cure for it, Coleen.. wala na 'kong pag-asa.."

Alam kong napakaselfish ko ngayon pero wala na akong pakialam. Ayoko, hindi ko kaya..

"P-Pa.."

Bigla akong napahinto ng marinig 'yon. Kita ko rin ang gulat sa nanghihinang mga mata ni Darsen. Sabay kaming napatingin kay Cosen na pilit na itinataas ang kamay at para bang inaabot si Darsen.

"Pa.." he repeated. Lalo akong napaiyak dahil doon. Kita ko na rin ang paghikbi nila Lorcan at Gideon sa gilid ko.

Darsen closed his eyes tightly, tears rolled down his cheeks. Nang magmulat ito muli ay binalingan niya ang anak. "A-anak say it again.. Cosen, s-say Papa again.." nahihirapan niyang saad.

"Papa.." my son repeated.

Rinig ko ang lalong pag-iyak ni Darsen dahil doon. My son's second word, it's Papa.

"I-I really want to stay.." hagulgol ni Darsen. "I want to stay with you all.. Gusto ko pa kayong makasama. G-Gusto ko pa gumawa ng memories k-kasama kayo. . Kaso hindi ko na talaga k-kaya.."  nanghihinang saad nito.

"B-Bro, kayanin mo p-pa. Kailangan ka namin.. Gagawa pa t-tayo ng paraan.." saad ni Gideon. Hinawi nito ang luha na umalpas sa kaniyang mga mata. Nanginginig ang labi nito. "Don't go.."

Lorcan bend his knee, pinantayan niya si Darsen na nakahiga at inilapit ang anak. "Make Papa strong, anak.." Lorcan held his little hand. Pinahawak niya ito sa kamay ni Darsen.

"C-Cosen.." Masuyong tawag nito. Nanatili ang mata ni Cosen sa kaniya habang kagat nito ang daliri. "P-Papa can't stay any longer.. Take care of your Mom hmm? Don't h-hurt her.."

"Protect your Mom at all cost. Naging m-masama na yung mundo sa kaniya. Don't let her suffer again.."

Tinakip ko ang palad sa bibig upang pigilan ang bawat pag-iyak ko. Bakit ba lagi nalang ako.. Lagi nalang ako yung nakararanas nito.

Hindi naman ako naging masamang tao 'di ba? Bakit ako binibigyan ng ganitong pagsubok? Parang gusto nalang ng mundo na sumuko ako. Ang hirap na, ang sakit-sakit na. Sobra..

"Be a good man. N-Nandyan sila Daddy at Dada mo, they will take care of you.." pinilit niyang umangat upang mahalikan sa pisngi si Cosen.

Bumaling ito sa'kin at inabot ang kamay ko. "K-Kaya mo.." he said. Hinila niya ko upang mayakap ng mahigpit. He whispered softly to my ears. "K-Kakayanin mo.."

He cupped my face and smiled. The smile he used to give me to express his unconditional love.

"I've reached my destination, thank you for being there. T-Thank you for the long ride C-Coleen.."





He removed the oxygen on his mouth and pulled me. When I felt his lips on mine, that's the exact time he closed his eyes.

I Own ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon