30

14.1K 325 178
                                    

Play the song [Kabilang Buhay] while reading this :> Enjoy!

_



I run as fast as I could. Agad akong dumiretso sa desk, hindi ko ininda ang pagod dahil sa pagtakbo.

"P-Paleo po.."


Agad akong naintindihan ng babae at may tinignan sa records niya. "Nasa ER pa siya ma'am."


Wala akong sinayang na segundo at agad na tumakbo doon. Nakikita ko ang ilang napapatingin sa'kin ngunit wala akong pakialam.


Yung Papa ko...


"Miss dito lang po kayo." Agad na pagharang sa'kin ng isang nurse. Umiling-iling ako sa kaniya. "Kailangan kong makita si P-Papa, please?"


"Ma'am hindi po talaga pwede, maghin--"


Napahinto ito ng may lumabas. Agad kong sinalubong ang doctor na nakatingin na rin sa'kin ngayon.


"Daughter of the patient?" He asked. Agad akong tumango sa kaniya.


"Kamusta po si P-Papa? Okay na po ba siya?" Sunod sunod kong tanong rito.


Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi siya magsalita. He looked at the nurse behind me. "Give her a suit, papasukin niyo siya sa loob."


Humarap muli ito sa'kin. "Bibigyan kita ng pagkakataong pumasok sa loob. Nakaya kong i-stable ang kalagayan niya pero hindi ko alam.. Hindi ko alam kung hanggang kailan. I am not scaring you hija, but his condition is hopeless. I think he's just fighting because he wants to see you for the last time. I'm sorry.."


Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa narinig. Wala akong lakas para makasagot pa sa doctor kaya ang tanging nagawa na lamang nito ay tapikin ako sa balikat bago umalis. "I'll be back.."


"Y-yung Papa ko..." Nanginginig akong nakatingin sa pintuan.


Sobrang gulo. Hindi... My father is a fighter! That doctor is just scaring me. Hindi mamamatay si Papa 'di ba? Stable na siya!


The nurse guided me. Nang makapagpalit ay mag-isa akong pumasok sa loob ng kwarto.


Unang lumapat ang mga mata ko sa taong nakahiga ngayon at puno ng kung ano-anong tubo sa katawan. Mabilis akong naglakad papunta sa tabi niya.


"P-Papa.." tawag ko rito. Hinawakan ko ang kamay niya.


I immediately hug him and cried on his chest. The person who sacrifice everything for me to have a better life is laying down here, unconscious.


"P-Papa.. gising kana p-please? Nandito na 'ko oh." Pinakinggan ko ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak ng marinig na napakahina nito.


"P-Papa, ano ba? Open your eyes! The day after tomorrow is my graduation day.. K-Kailangan kita 'do'n Pa. May award po ako, Pa.. Cum laude 'tong a-anak mo oh? Please naman Papa, gumising ka para sa'kin.."


Nanlaki ang mata ko ng maramdaman gumalaw ng kaunti ang katawan niya. Agad akong tumayo at sinipat siya at nakitang nakatingin ito sa'kin habang may ngiti sa labi.


"C-Coleen, anak.." he weakly said. I bit my lower lip to suppress my sobs.


Itinaas niya ang kamay at sinabing lumapit ako. Nang maabot niya ay dagli niya akong niyakap. "A-anak, makinig ka kay P-Papa.." nahihirapan nitong saad.


I Own ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon