READ FOOTNOTE
"Brad!" tinawag ako ni Lester, may kailangan nanaman siguro to ngayon.
"Oh bakit anong problema mo?" Sinungitan ko siya ng tingin
"Oh brad wag ganyan, laro nalang tayo bugtong-bugtong habang nasa labas sila Katsumi!" sabi niya habang pumapalakpak at tumatalon-talon pa sa couch. Seryoso na talaga to, bakla talaga tong barkada ko.
"Ge, magsalita ka lang jan."
"Pag nasagot mo ng tama, pupunta tayo kina Kath mamaya. Sasamahan kita! Ilalakad kita! Yeheyy!" Sabi niya habang sumasayaw pa ng ballet, alam na guys bakla talaga to.
"Sige lang, alang-alang kay Kath."
"Hulaan mo kung ano to. Mahaba, matigas at mapula sa dulo."
"Walang hiya ka Les, lumayas ka dito lechugas!" Tinapunan ko siya ng magazine na hawak ko, nilulumot nanaman ang utak ko.
"Uy brad! Lapis lang yun, ano ba?! Anong karapatan mong tapunan ng ganyang katigas na bagay ang beautiful face ko?!" Sabay himas pa sa mukha niya.
"Aba hayop, lumayas ka sa harapan ko. Ngayon na seryoso, Les."
"Last na talaga Fafa Danilo!" Sabi niya habang hinihimas niya braso ko
"Les, bitawan mo ako." Tinabig ko yung kamay niya
"Ang hard mo naman Fafa Danilo! Nakakasakit na you!" Sabi niya sabay lipbite
"Walang kwenta kang kausap, makaalis na nga." Pero bago pa ako lumabas, humirit nanaman siya...
"Paputukin mo pa para mas lalong masarap" Tumingin ako sakanya
"Wag kang malumot, popcorn lang yan!" sabi niya sabay pogi sign.
Binalibag ko yung pinto at lumabas at pinuntahan si Kats sa garage habang naglilinis ng kotse niya.
"Oh pare, kamusta?"
"Okay lang, nabadtrip ako kay Lester, kabaklaan niya lumalaganap."
"Hahaha, hayaan mo na brad! Lika, samahan mo naman ako sa bodega, kunin natin yung sabon. Ang bigat eh." Nauna na siyang naglakad sakin.
Sinundan ko naman siya. Pagpasok namin sa bodega nagulat ako sa sinabi niya...
"Isarado mo yung pintuan." Napatingin ako sakanya, anong problema nito?
"Huh?"
"Isarado mo yung pinutan sabi ko Danilo." Tinignan ko yung muhka niya mukha namang seryoso...
Sinerado ko naman yung pintuan,
"Patayin mo yung ilaw." Tinawag ko na lahat ng mga santo sa langit.
"Brad kung susunod ka sa yapak ni Lester, wag sakin please." Pinatay ko yung ilaw.
Lord, kayo na po ang bahala sakin, please. Pumikit ako ng sobrang diin at nagulat ako dahil kinalbit ako ni Katsumi.
"Tignan mo yung relo ko, glow in the dark! Astig pre no?"
--
#DIMLesterKatsumi
Hi DIMsters! May mga bagong handlers na po sila Danilo at yung iba pang characters heto po mga twitter accounts nila feel free to follow them and talk to them.
Danilo Bagonggahasa: @itsDaniloB
Kathryn Lantangtupa: @kathlantangtupa
Katsumi Prinitonghito: @KatsumiPH
Julia Mimisexymimi: @DIMJulia
Lester Tatlongposte: @lester3poste
JC Pasalamasmas: @JCPasalamasmas
Daezen Silangan: @silangandaezen
Aneeka Bansot: @AneekaDIM
and I'm looking for male handler for Seth Busethseth just tweet me @IYAisdaNAME
BINABASA MO ANG
Danilo's Innocent Mind
ChickLitAng istorya ng pagkainosente ng utak ni Danilo Bagonggahasa.