Buntis?!

2.2K 79 3
                                    


Papaakyat ako ng hagdanan para pumunta sa kwarto ko pero may narinig akong ingay galing sa kwarto nila JC..



"Ano ipapasok ko na ba?" Narinig ko ang boses ni Lester na parang atat na atat.



Lumapit ako sa pintuan nila at pinakinggan ko yung pinaguusapan nila, nako si Lester pa naman ang nasa loob.



"Okay sige, dahandahanin mo Les ah? Pag ikaw tinusok mo agad, sisipain talaga kita." Narinig ko yung boses ni JC sa loob, si Les at si JC magkasama sa loob? sa kwarto?! WTH.



"Ayan naipasok ko na, masarap ba? Hahahaha." Narinig ko na napahagikgik pa si Les, sabi ko na nga ba bakla itong dalawang to eh!



"Ang sarap Les! Nakikiliti ako! Ahhh!" Nanlaki ang mata ko dahil rinig na rinig ko pa ang ungol ni JC sa labas ng kwarto, pinagsisisihan ko na ata na hindi soundproof mga kwarto dito.



"Ano, iikut-ikutin ko pa ba?" Hinawakan ko yung doorknob at sakto naman na bukas yun at hindi naka lock.



"Sige pa les, ang sarap! Ah ah ah." Binuksan ko na ito ng tuluyan at nagulat ako sa nakita ko. Nakaupo sila sa couch at tinatanggalan ni Les ng tutuli sa tenga si JC.



"Anak naman ng barabas Danilo oh! Ang sarap na eh!" Gulat na tinignan ko si Les at JC.



"Akala ko kasi may ginagawa kayo atsaka bakit ba kasi si Les yung gumagawa niyang nasa tenga mo." Takang tanong ko sakanila



"Pre! Kung pipili naman ako ng bakla, pipiliin ko yung sexy pero yung ganito? Ew pwede ba atsaka hello, masakit ngipin ko. Pag hindi ko hinawakan yung pisngi ko kung saan masakit, mas lalong sasakit. Ano ba?"



"Ewan ko sainyo! Bahala na nga kayo jan! Nakakairita kayo!" Akmang isasarado ko na yung pintuan pero hinabol nanaman ako ni Les.



"Fafa Danilo! Halika dito, tatanggalan kita ng tutuli!! Dali!!"



Tumakbo ako hanggang salas at nagtago sa likod ni Katsumi na ngayo'y ka Skype si Dae, aba paano kaya nahanap ng ogag itong si Dae? lakas din talaga ng connections nito eh.



"Pare oh may baklang mahilig sa tibak ang nanghahabol sakin! Pre save mo ako!" Nagtago na ako sa baba ng lamesa, akmang baba din si Les ng lamesa ng may narinig kaming kumakatok sa pinto.



"Oy Les buksan mo yan!" Sigaw ni Kats sakanya.

Danilo's Innocent MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon