Dentista

2.6K 87 1
                                    


"Aray ko! Ang sakit talaga ng ngipin ko, anong karapatan mo Danilo at pinakain mo sakin itong ang tigas-tigas na crackers?! makunat na tapos pinakain mo pa?! Ang sakit talaga! huhuhu" Kanina pa ngawa ng ngawa si JC dito dahil pinakain ko ng makunat na crackers, aba malay ko bang makunat pala yon hahaha.



"Aba lechugas barabas! Malay ko ba na makunat yun, kung alam kong makunat yun edi hindi ko na sana pinakain sayo aba." Angal ko sakanya tapos binatukan siya.



"Tignan mo, sinaktan mo na nga ang gums ko tapos pati ako sasaktan mo? Aba bastos kang bata ka ah. Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo?" Inisnob ko na siya at pinabayaan ko siya sa living room, bahala siya jan.



Nakita ko si Katsumi at Lester na naglalandian sa dining, umupo ako sa tabi ni Kats at pinakinggan ang pinaguusapan nila aba ang barabas nakatopless pa.



"Alam mo ba hanggang ngayon, nag-iinit parin ang dibdib ko sayo?" Malanding sabi ni Les habang kumakain ng pandesal.



"Paanong hindi iinit eh nakasawsaw yang melons mo sa kape! Shunga ka ba?" Sigaw ni Kats kay Les, napangiwi naman si Les sa init ng kape. Ay, shunga nga talaga.



Nabadtrip ako sa pinaguusapan nila at bumalik nalang ako sa living room para kausapin si JC, mas maganda pa to kausap kesa sa dalawang yun eh.



Kung itatanong niyo kung nasan si Seth, nasa taas nagaayos ng gamit. Nagpaalam samin na sasama muna sa pamilya niya para pumunta ng probinsya, mama's boy ang loko eh.



"Danilo, samahan mo ako sa dentista! Pa-check natin ngipin ko!" Pagmamaktol ni JC saakin, narinig naman nung dalawa kaya agad-agad silang tumakbo dito sa living room.



"Labas ba kamo? Game kami diyan atsaka baka makita ko ba si Dae ko!" Sigaw ni Kats sabay namula pa, aba nahawa na ata kay Les.



"Ako rin sama ako, para makita ko narin ang apple of my eyes." Sabi niya sabay nagpeace sign tapos nagpout, kasura.



Nag-ayos kami para umalis at nagpaalam narin kami kay Seth.



Paglabas namin ng bahay, pumunta kami sa kanto para mag abang ng dyip. May alam kasi si Kats na dentista eh, pero hindi niya pa daw na-tatry.



May dumaan na dyip at sumakay na kaming apat, kinuha ko yung mga barya nila at iniabot kay manong driver yung bayad.



"Saan to?" Tanong ni manong driver samin.

Danilo's Innocent MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon