Turuan Mo Naman Ako

3.5K 112 14
                                    

Nilapitan ko si Kathryn habang naglalagay siya ng gamit sa locker niya. 

"Kath!" sabi ko sabay poke sa braso niya.


"Oh Danilo, bakit?" napangiti siya sakin.

"A-ano kasi, yung sinabi mo sa facebook ba yun?"  

"Ay pasensya ka na, hinack kasi yung facebook ko nung isang araw lang. wag mo nalang intindihin ah? pasensya ka na kung na-abala ka dahil dun." 

Pagkatapos niyang sabihin yun, tumalikod na siya sakin at tumakbo. Na-hack pala yung facebook niya, SAYANG akala ko totoo na. 

Napa-iling nalang ako at dumiretso na sa cafeteria, nakasalubong ko sina Lester at JC. 

"Oh pare, kamust ka naman jan? Ang gwapo natin sa profile picture ah!" 

"Onga pare, lumelebelup ka na ah! Gaano na kahaba si junyo-- ay yung ruler niyo sa bahay?" 

Napailing nalang ako atsaka umupo sa isang table, sinundan naman nila ako.

"Pare, may bugtong ako." tanong sakin ni Lester.

"Oh ano?" Nagkatinginan sila ni JC at nagngitian.

"Kailangan dila-dilaan, para tumigas para madaling ipasok." Nanlaki ang mata ko dun!

"Ang babastos niyo talaga!" sabay tapon ko sakanila nung bag ko

"Aray naman pare! Sinulid yun ano ka  ba! Ano ba yang nasa isip mo? Ikaw ha! Talagang lumelebelup ka na ah! improving bro!" 

"Shut up pare." 

"Ako naman meron ako!!" Nagulat ako kasi tumalon si JC sa mismong table dito sa cafeteria pinagtitinginan tuloy kami.

"Painitin muna, para pumutok para masarap!" Sabi niya. 

"Ay alam ko yan pare! ICE POP YAN PARE ICE POP!" Sabi ni Lester kay JC habang winawagayway pa yung kamay niya, binatukan naman siya ni JC. 

"Tnga, hindi yan ice pop! Ano hula mo danilo?" Napatingin si JC sakin

"Uhm.. yung ano ba yan yung.." napakamot ako sa ulo ko, dahil hindi ko mabanggit yung tamang term. Nagulat ako dahil nagapir sila sa isa't-isa at sinabi ang mga katagang 

"CONFIRMED! WELCOME TO THE WORLD OF LUMOT PARE!" Sabay yakap nila sakin, mga ulul! Habang nakikipagtawanan ako sakanila, nagulat ako ng parang may bumulong sa likod ko.

"Bakit hindi ko pa kasi nasabi sayo? ako yata dapat turuan mo eh, turuan mo naman akong sabihin sayo ang nararamdaman ko." 

Napatingin ako sa gilid kung saan ko narinig yun, nagulat ako dahil nakita ko rin si Kath na tumatakbo ng mabilis palayo. Bakit kaya? 

--

Chapter dedicated to: iloveKathNielforeversiya rin po ang gumawa ng bagong book cover! Salamat ng marami :)

Danilo's Innocent MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon