Badtrip talaga. Nag-away na naman ang mga magulang ko. Lagi na lang, wala atang araw na di sila nagaaway. Nakakasawa na.
"Oh pare, mukhang di maganda araw mo ngayon ha?" sabi ni Jake, tropa ko.
"Oo, lagi naman e. Nagaway na naman kasi sila."
"Sinong sila? Magulang mo? Tsk. Bakit na naman nagaway?" tanong nya.
"Ewan. Wala na kong balak alamin. Alis lang muna 'ko ha." paalam ko.
"Mamaya ka na umalis. Kakadating mo lang e. Bakit? Pupunta ka na naman sa Starbucks?"
"Oo. Kailangan ko, para mawala pagkabadtrip ko."
"Weh? Baka gusto mo lang makita yung manager nila? Hanggang ngayon ba di mo pa rin sya nakikita? Tsk. Ang hina mo, pre." asar nya sakin.
"Makikita ko rin naman sya, someday e. Tss. Aalis na ko." paaalam ko ulit.
"Oo na, mahal mo na ata yung manager nila kahit di mo pa nakikita e. Walang balak magpakita sayo yun. Ikaw na ang gumawa ng move, ikaw ang lalaki e." sabi nya pa.
Tss. Ang daldal nito, akala mo babae kung makadaldal. Makaalis na nga dito.
***
Habang nagdadrive ako di ko maiwasang di maisip yung sinabi ni Jake. Mahal ko na nga ba sya? Imposible. Di ko pa nga sya nakikita e. At kung mahal ko na nga sya, di naman siguro ako mahal nun. Tsk, ang complicated naman.
Pagkadating ko sa loob ng starbucks, umorder agad ako at umupo sa pinakalikuran. Dito talaga ako lagi umuupo.
Pagkabigay sakin ng inorder ko, tinignan ko kaagad kung meron bang nakadikit dito. At tama nga ako, meron ulit na sticky notes na nakadikit.
'You look sad. May problema ka na naman ba? Don't worry, God has a better plan for you. Smile na :)) '
Napangiti naman agad ako ng mabasa ko ang nakasulat. She never fail to make me smile. Kahit na di ko pa sya nakikita sa personal, I like her. Pero di ko alam kung love na ba tong nararamdaman ko.
Sino yung tinutukoy ko? Yung manager nitong starbucks na 'to. Simula kasi nung nagaway ng nagaway ang mga magulang ko, lagi na akong pumupunta dito. And one time, nagulat na lang ako na may nakadikit ng notes sa inoorder ko. Tinanong ko naman sa nagseserve kung kanino galing yung notes, at sabi nila na sa manager daw nila.
3 months na simula nung naglalagay sya ng mga notes sa mga inoorder ko. Sa starbucks kasi nila dito, sa loob ginagawa yung coffee o kung ano pa, kaya di ko nakikita kapag naglalagay sya ng notes. Di rin naman sya nagpapakita sakin, lagi na lang iba yung nagbibigay sakin ng order ko. Di ko rin naman tinatanong sa mga staff dito kung nasaan yung manager nila, pinanghihinaan rin kasi ako ng loob e.
Kelan ko kaya sya makikita?
***
Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Jake.
"Pre, di mo pa rin ba sya nakikita? Itanong mo na kasi sa mga staff nila. Mukhang wala rin naman syang balak magpakita sayo, puro notes lang e. Itanong mo na mamaya." sabi ni Jake.
"Tsk. Ayoko."
"Anong ayaw mo? Pano pag di mo na sya nakita? Itanong mo na. Ano ba yan! Mahal mo na e."
"Oo na, mahal ko na nga. Pero kasi.. pinanghihinaan talaga ako ng loob. Aish."
"Mamaya itanong mo na sa staff nila kung nasan ang manager nila para makita mo na sya at sahihin mo na mahal mo sya. Kesa naman mahuli pa ang lahat."
"Sige, mamaya. Hahanapin ko sya."
***
Nandito na ako ngayon sa may Starbucks. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako.
"A.. Ahmm. E-excuse me, itatanong ko lang sana kung nasaan yung manager nyo. Pakisabi hinahanap sya nung lagi nyang binibigyan ng notes. G-gusto ko kamo syang makita." sabi ko dun sa isang staff nila.
"Ikaw po pala yung lagi nyang binibigyan ng notes? Ahmm. Umalis na po kasi si Manager Khianna e. Pumunta na po sya sa America, nagleave na po sya sa trabaho nya."
U-umalis na sya?
"K-kelan sya babalik?" tanong ko.
"Di ko po alam e. Wala po kasi syang sinabi kung kelan sya babalik. Pero may iniwan po sya, pinapabigay po sayo." sabi nya at binigay sa akin ang isang starbucks coffee na may nakadikit na notes.
Binasa ko ang sulat na naging dahilan ng pagsikip ng dibdib ko at ng pag-agos ng mga luha ko.
'Hi, I'm Khianna. Ikaw yung lagi kong binibigyan ng notes, right? Naalala ko pa nung unang bes kang pumunta dito starbucks. Halatang halata na problemado ka, kaya naglagay ako ng notes pero di ako yung nagbigay sayo ng order mo. Nahihiya kasi ako e. Siguro ngayong nababasa mo na to. Wala na ako sa Pilipinas. Kailangan ko na kasing pumunta sa America dahil may sakit ang daddy ko, magtatagal ako dito, o kaya baka .. di na ko bumalik. Masaya ako na nakita kita. Kahit na ikaw, di mo pa ko nakikita. Ngayon, alam mo na rin ang pangalan ko. Yung pangalan mo kasi, matagal ko ng alam e. Gusto ko lang malaman mo na, I love yo, Gian.'
BINABASA MO ANG
BTS Facts
RandomSome facts may be true. Some are not; It's your choice whether to believe or not.