Chapter 1 (The first encounter)

2.1K 82 0
                                    

Rei Pov

Isang magandang paaralan, na sana ay may matinong istudyante........ Sana lang dahil wala na akong napapasukang paaralan na matino kasi ang yayabang ng mga students lalo na yung mga principal na walang ginawa kaya naman napapaaway ako. Naagaw ng attention ko si Kuya Sev na titig na titig sa akin na parang may gagawin akong masama, hindi naman ako mag nanakaw lalo't hindi ako tatakbo dahil mas mabilis silang tumakbo sa akin.

"Kuya Sev please dont look at me like that im not gonna run away!" Malditang sabi ko pero tinawanan lang nila ako at nangingibabaw yung boses ng isa ko pang kapatid  na nakakainis.

"Nako Rei wag moko ma English English baka dumugo pa yang ilong mo pag pumalag ako, plus pa na hindi bagay sayo" Sabi ng mapang asar kong Kuya na si Aeron na lalong nag palakas ng tawa nila na ikina-inis ko.

"Sige, sana pasukin ng langaw bunganga nyo" napabulong nalang ako sa hangin dahil sa inis.

"ohh sige na at aalis na kami mahirap na baka ma late kapa alam mo namang gusto mong perfect yung attendance mo" mapang-asar na sabi ni Kuya Sevy tsaka pumasok sa kotse na nagpipigil ng tawa.

"hahahahha wag ka mag cutting ahh" Habol na asar sa akin ni Kuya Arian bago sumakay sa kotse at tsaka na sila umalis KAINIS HINDI MAN LANG AKO NAKAGANTI!

Nag lakad ako sa buong school pero wala talaga akong mahanap na section C pano ba naman kasi ang laki ng school na toh halatang malaki din yung halaga ng babayaran, pero nakahinga ako ng maluwag ng may nakita akong Mapa, so base sa Map liliko lang ako tapos didiretso, then doon na?

Wait nadaanan ko na ito ahh ito yung maingay na classroom na daig pa yung palengke o mas worse pa kaya no choice ako na bumalik nalang kahit kanina pa ako bad trip.

Kakatok na sana ako ng pinto ng may narinig akong kalabog na ikinagitla ko nung una nag taka ako pero kumatok nalang ako at binuksan yung pinto para naman makapag pahinga na ako.

Pag bukas ko ay tumambad sa akin ang isang teacher na namumula sa galit habang ang kanyang mga palad ay nakalapat sa lamesa, mukhang sya yung dahilan ng kalabog kanina. Yung iba namang tao sa loob ay nakatingin sa akin like what? ngayon lang ba sila nakakita ng maganda???

"This section is so disrespectful!" The teacher shout, seems like she didn't sense my presence wow bonga English ano pa nga ba yung expect natin sa Private school toh ehhh, kailangan ko ng sanayin sarili ko para naman hindi ako mapahiya. Siguro ay na realize ni Maam na naka tingin sa akin ang iba nyang mga istudyante kaya napatingin sya sa gawi ko, wow mukha palang alam ng mataray.

"And who are you Miss??" Tanong sa akin ng teacher habang nakataas yung kilay pero bongga naman yung kilay nya para syang isa sa cash register sa canteen tapos nilalandi yung mga students pero kahit ganyan mukha mo Maam saludo ako sayo, napasa mo kasi yung test ng pagiging teacher.

"Umm Ma'am I'm Carter po" sabi ko na may galang kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng tumawa, nagulat naman sila sa sinabi ko na ipinag taka ko. Bakit? ngayon lang ba sila nakarinig ng magandang boses?

"Kala ko ba lalaki" Ahhh now i know why they react like that, tanga nila.

"Ako rin ehh Carter ba naman"

"Sabi kase ni Liam lalaki"

"Hoy si Cameron yung nag sabi non! FAKE NEWS ANG GAGO"

At doon naging maingay ulit yung buong room at nag sisisihan kung saan galing ang information na lalaki ako, kahit ako nagtataka kung sino at ng maisigaw ko naman sa tainga nya na babae ako.

"Wait here Miss Carter, tatawagin ko lang si Sir Alex, adviser niyo" sabi ni maam bago umalis kaya naman ang lahat ng atensyon ng mga magiging kaklase ko ay nasa akin, kailangan kalmado lang, mapapatay ako ni Kuya Sev hehehe

"Hi?" Sabi ko sa mahinhin na boses tapos ngite sabay kumaway ng taimtim.

"Puta mahinhin pa" narinig kong bulong ng isa, hindi na yon bulong kung rinig ko.

"Pero paano sya napunta dito?" tanong naman ng isa habang ginagamit yung kanyang phone.

"Bawal sya dito, pano pag nalaman ni boss?" sabi ng pinakamaliit sa kanila, paano ko nalaman? Halata naman dahil ang iba sa kanila ay nakatayo at nagpadagdag pa dito ang malaking blouse na suot niya.

Ayan nanaman sila sa bulungan nila nakakainis akala mo wala dito yung taong pinaguusapan nila, pero buti nalang pumasok na si Sir Alex na nag patahimik sa kanila, alam ko na si Sir Alex ang pumasok dahil pinakilala na sa akin ni Kuya Sev, hehehe naging stalker kami kagabi sa online para mahanap lang siya.

"Okay Class meet Sandreilla Carter she will be in Section C's care and you guys new classmate" sabi ni Sir na parang hingal na hingal pa ikaw kaya akyatin yung 5ft floor ewan ko lang kung hindi ka naman hingalin kahit lalaki ka man.

"Sir hindi pwede" Bakit hindi?

"Walang ganyanan Sir" Ano nangyari?

"Bawal sya dito" WHAT DO YOU MEAN BY BAWAL-?!

"Madadamay lang sya" Madadamay?

Ayan ang mga katanungan na tinatanong ko sa isip ko habang nakikinig sa mga reklamo nila kaya bago pa man sumama yung timpla ng mukha ko ay tumingin na ako pa baba, bakit gusto ko din ba sila? Hindi nga nila ako tinanong kung gusto ko sila eh.

"That's final Section C wala ng ibang section ang tatanggap sa kanya" sabi ni Sir Alex na kalmadong nakatingin sa kanila.

"But Sir---" Hindi na pinatapos ni Sir Alex yung sasabihin nila ng tumingin sya sa akin at ngumite.

"You can introduce yourself now Miss Carter" sabi sa akin ni Sir kaya pumunta ako sa gitna para mag pakilala pero ang epal nila!! Pag salitain nyo ako please gusto ko lang naman magpakilala at makaupo na din!

"Booo hindi ka welcome dito!!" Pake ko.

"Layas!!" Bat ayaw mong gawin?

"Hindi namin ginusto malaman pangalan mo!" edi wag kayo makinig, problema ko ba yon?

"Ayaw namin sa Panget-- ay sa babae pala" Mas pangit ka!

"Tahimik!!" Sigaw ni Sir Alex at sa kabutihang palad naman ay nagsitahimik sila. Pero ang sakit naman nila mag salita!

"Umm I'm Sandreilla Carter" Sabi ko sa mahinhin na boses dahil wala lang, gusto ko kasi maganda yung pag papakilala ko at medyo nakakatawa din yung reaction nila everytime na nag sasalita ako, mukha silang tanga.

"Puta Sir and hinhin!" Sigaw ng iba sa kanila kaya sa kaloob-looban ko ay tawa ako ng tawa, see? nakakatawa yung reaction nila eh.

"Don't judge the book by its cover ayan mahirap sa inyo napaka judgemental nyo kalalaki nyong tao. oh, sige na Miss Carter find your seat" Sabi ni Sir kaya umupo ako sa gilid ng bintana dahil ayon na yung nakikita kong may matinong upuan at alam kong hindi ako makikita agad ng mga susunod na teacher, lowkey lang dapat.


//IM BACK!!!

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon