Chapter 2

1.5K 70 2
                                    

Rei Pov

Parang pinag sisihan ko pa na dito ako umupo akala ko titigilan na nila ako pero nagkamali ako kase ang layo kay Sir at randam ko yung mga tinginan nila pero pansin ko lang bat puro lalaki? Wala man lang babae katulad ko well mahirap na kung ganon ang weird, sinong tangang teacher ang maglalagay ng babae sa section na puno ng mga lalaki?

Well sabihin na natin na yung records ko ay ganon pero that doesn't mean na ganto gagawin nila, tsk ginanon ba naman

"Okay please wait for the next teacher and don't cause too much trouble like you guys did earlier  Section C." Matigas na Sabi ni Sir Alex bago sya umalis at sa pag tapak nya sa labas ay nagsimula na ang kinakatakot ko, sabay sabay nila akong tinanong pero wala naman akong naintindihan kasi yung iba nanggugulo lang like sinasabi nila blah blah blah ano sila? alien? Pero napatigil sila sa pag sasalita ng may biglang pumasok sa room. Hayyss sa wakas nandito na si Sir--- bigla akong napatingin sa pintuan ng sinabi ng mga nilalang na toh na boss pero bakit boss? Malakas ba sya? Nakatataas?

Malamang sabi naman ng Utak ko, hindi ko naman maiwasan tumitig sa kanya pero putcha pamatay na tingin lang sinukli nya, pero pasalamat sya pogi sya, kung hindi binatuhan ko na yan ng upuan na katabi ko. 

Nagulat naman ako ng dahan dahan syang lumapit sa pwesto ko habang titig na titig sa akin, baka matunaw naman ako nyan ahh pero sinusuklian ko yung titig nya sa akin at hinintay ang kanyang gagawin.

Isang Black na wavey ang buhok, matangos na ilong, Kilay na makapal na nasa perfect shape, at yung mga labi nya na ma--- hindi bakit ko ba toh iniisip? did I just describe him in that way-?! no way, high way char.

Umiling iling nalang ako dahil sa naisip ko pero nagitla ako ng biglang may humawak sa akin at bago pa man ako maka react ay pilit na nila akong pinapalabas. Dahil nga sa inis na nararamdaman ko ay lumabas ang kademonyohan ng aking kamay, gumalaw ito ng kusa para sapakin ang isa sa humahawak sa akin.

Hindi ko naman pinansin ang mga reaction nila kasi gulat na gulat sila sa ginawa ko lalo na tong si Mr. Kilay tapos yung katabi nya, hindi ko pa kasi alam name nya eh kaya yon nalang muna.

"Kung hindi ako welcome dito........" Isa isa ko silang tiningnan bago ipag patuloy ang aking sasabihin 

"Edi dont!" Dugtong ko bago ako umalis at pumunta sa mapa para malaman ang way papuntang cafeteria, sinundan ko ang nakalagay sa mapa at nakarating ako sa gusto kong puntahan, medyo marami na ding tao kaya naman hindi na ako nakaramdam ng hiya, pag kaunti kasi eh pag may papasok titignan nila pero itong medyo marami ay may sarili silang ginagawa, yung isa nga eh nag ma-make up habang kumakain. 

Pumunta na ako sa counter at binili yung mga gusto ko pero bago pa man ako makalagpas sa counter ay may lumapit sa aking babae, maamo yung mukha nya at ang ganda nya pa, mas gumanda sya sa uniform nya pero ano kaya yung rason kung bakit nya ako nilapitan, medyo mabigat din dala ko kasi hindi pa ako kumain ng matino na umagahan, kinakabahan kasi ako sa first day tapos ganon lang gagawin nila sa akin? KAPAL!

"Ummm excuse me Miss ilang tao ang kakain nyan?" Tanong nya naman, aba ang bastos grabe nakakabastos yun sino ba naman matutuwa pag tinanong ka ng ganon! Yung ibang nakarinig sa amin ay bumungisngis at yung iba ay hindi mapigilang tumawa kaya pinilit ko yung sarili kong ngumite.

"Hehehe sa akin lang to Miss" Sabi ko sabay ngiti nanaman bago ko kinuha yung order at mag lakad pa punta sa room hindi ko naman gugustuhin na kumain doon kaya balak ko sanang bumalik sa room pero natandaan ko na hindi nga pala ako WELCOME doon kaya naman ay nag stay ako sa tapat ng room at nag hanap ng upuan pero tangina ilang sigundo lang yung pag iwas ko sa pagkain ko, nawala na agad!

Sinigurado ko pa na doon ako nag lagay ng pagkain kaya naman hindi ko mapigilan na sumilip sa Classroom baka kasi kinuha nila at hindi nga ako nag kakamali kinakain nila yung pagakain Ko!! Ang kapal ng Mukha akala mo naman pag kain nila! Wala silang ginastos dyan.

"Hoy Liam isa isa lang!!" Narinig kong sigaw ng isa grabe ang kapal talaga.

"Tingnan nyo si Jake ang dami ng nakain" Sagot naman ng Liam ba yon, yung maliit.

"Oi Ethan mag share ka naman" Sabi ng isa habang yung tinutukoy nya namang Ethan ay ngumunguya kaya hindi ito makasagot ng maayos.

"Tingnan nyo si Cyrus Hahahaha" Natatawang sabi naman ng Jake ba yon? im not sure hindi kasi worth it ang pag tatanda ko sa names nila.

Nag sigawan pa sila sa loob pero nakangite naman yung karamihan sa kanila.

Kung hindi lang nila ako ginanon ay cute sila sa paningin ko pero pag iniisip ko na sa akin pagkain kinakain nila ay umiinit yung ulo ko, AISH BAHALA NA!

"Masarap pala pag libre ang pagkain!" Sarcastic na sigaw ko pero puta tumango lang sila kaya lumabas ako at sinarado ko yung pinto. Kainis naman minsan na ngalang bumili sa Cafeteria tapos ganyan pa mang yayari? Ano next?? Pag tripan nila ako? Sana wag ayoko ng gulo, ayoko ma kick out dahil baka ipadala na ako ni Kuya kay Tita...... MAS AYOKO NON!

Umupo nalang ako sa upuan na nahanap ko at nag hintay sa next teacher bahala na sila kung anong gawin nila sa pagkain KO, pero nagulat ako ng may lumapit sa akin at mukha pa lang alam ko na kung sino, eto yung babaeng nag pahiya I mean nag tanong sa akin sa Cafeteria ahh..........

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon