“Anima nova, anima nova…” (New soul, new soul…)
I was awakened by the group of cold hands touching my skin, as if examining if my body was real. They all looked amazed.
What’s happening?
Fear started to dominate my chest when I realized that the language they’re speaking in sounded more creepy.
“Incultus,” (Uncanny.) I heard an old lady’s chilly voice.
Mabilis na tumayo ang balahibo ko sa mga malalalim na boses na pumapaligid sa akin. Mas gumapang ang kilabot sa buong dibdib ko sa hindi pamilyar at nakakatakot na salitang lumalabas sa bibig nila.
What on Earth is happening?! I can’t move a muscle!
Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Nanghihina ako at parang hindi ko maramdaman ang katawan ko, ngunit mas nangibabaw ang takot sa kung anong nangyayari ngayon. Where the hell am I?
“Dimitte eam solam.” (Leave her alone.) usal muli ng babae ngunit tila hindi siya narinig ng mga nakapalibot sa ‘kin.
Nakarinig ako ng mabagal at mabibigat na mga yabag. Bawat hakbang ay palapit nang palapit at ito lamang ang nangingibabaw na tunog sa nakabibinging paligid.
“Wala ba kayong narinig?” kalmado ngunit maawtoridad at nangingibabaw na boses ng isang lalaki ang bumalot sa magkabilang pandinig ko.
Unti-unti akong nakaaninag ng liwanag hanggang sa tuluyan kong maimulat ang mga mata ko sa loob ng ilang segundo. Namataan ko ang isang grupo ng mga nakakatakot na tao na nakasuot ng karaniwang tela bilang damit, puti lahat ng kulay ng mga suot nila, ang pinagkaiba lang ay ang ayos ng damit na pambabae sa panlalaki. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok nang maisip na para silang isang kulto. Who are these white people over here?
Extreme fear rapidly spread in my chest. They all looked creepy as hell. Nasaan ba ako?
Nakayuko sila, natatabunan ang mukha ng mga babae ng itim at mahahabang buhok nila. Unti-unti silang umaatras nang nakayuko sa lalaking nagsalita na para bang ginagalang nila siya, maliban sa matandang babae na parang nangunguna sa kanila. Could this old lady and this man be their lords?!
Gustuhin ko mang lumingon sa lalaki na mukhang iginagalang nila ay hindi ko maalis ang tingin ko sa mga nakaputi sa harapan ko.
“Quid ei fiet?” (What will happen to her?) hindi ko maintindihan na bulong ng matandang babae kanina habang diretso ang tingin sa ‘kin.
Which language are they speaking?
Nangangatal ang mga tuhod sa takot na pinasadahan ko siya ng tingin. Gaya ng iba ay nakasuot lang siya ng ordinaryo at puting damit ngunit iba ang dating niya. Kung nakakatakot ang grupo na nakakumpol ngayon sa harapan ko, mas malakas at nakakakilabot ang aura ng matandang babae na ‘to. Hindi ko alam kung kinikilabutan ako dahil sa lengguwaheng sinasalita nila o dahil mismo sa aura niya.
What’s with the color white? It looks freaking creepy.
Napatayo ako at hindi namamalayang tumabi sa lalaki dahil sa takot nang humakbang ang matandang babae palapit sa ‘kin. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ang lalaking ‘to pero siya lang ang normal sa paningin ko ngayon, siya lang ang nagsasalita ng Tagalog at siya lang ang naiintindihan ko.
“Aliter est, dominum videre debet.” (She’s different, the lord must see her.)
“I’ll bring her to Enclave,” maikling tugon ng lalaki.
Bahagyang nawala ang takot sa dibdib ko nang tuluyan silang maglaho sa paningin ko. I can’t stand this confusion anymore. Nanghihina’t kinakabahan man ay pinilit kong magtanong sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Life in the Dead
Short Story𝘁𝗵𝗲 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿𝗹𝗶𝗳𝗲 People that have lived a nonsense, meaningless life belong in neither heaven or hell; Mortus is their destination. It is the planet of the dead with souls that are, obviously, not living anymore. All they could do is to tal...