LITD: 03

117 82 0
                                    

How can a dead soul mourn in this world? How do they cry while longing for the feeling of being alive?

Stepping on Mortus in this moment made me somehow realize how miserable an anima’s life can be. I can’t imagine living as a dead soul on a dead planet…

‘Living’ would actually be an overstatement, ‘cause you’ll never have a life to live here, you do nothing but rot as a dead soul in the middle of nowhere.

“Paanong humantong lahat sa ganito?” dinig kong bulong ng isang babaeng anima na nakaupo sa isang gilid. Nakatingala siya sa kalawakan at tila lunod sa dagat ng mga bituin.

“What is she talking about?” bulong ko kay Seya.

“‘Wag mong pansinin,” maikling sagot niya.

Ngunit nanatili akong nakatingin sa babae, hindi ko maalis ang atensyon ko sa kanya. Kung titingnan ay mas mukha siyang bata sa ‘kin. I bet she’s around 16 or something.

“Anong nangyari sa ‘kin?” tingala niya sa kalawakan.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya pero parang nababagabag at nasasaktan ako sa nakikita’t naririnig ko sa kanya. Lumuhod ako sa harapan niya at malungkot na ngumiti.

“Hello, I’m Thana. Are you okay? Gusto mo ba ng kausap?” malugod kong tanong sa kanya at marahang hinawakan siya sa ulo.

Taranta siyang tumayo mula sa kinauupuan at tiningnan ako na parang hindi makapaniwala. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at tumingin sa mga kamay ko. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya.

“Thana, ang sabi ko ‘wag mong pansinin,” si Seya bago ako hilahin nang may puwersa sa siko upang ilayo sa batang babae.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa amin ni Seya. “P-Paanong… Paano mo n-nagagawang makahawak ng iba?”

Here we go again. Ga’no katagal ba silang mamamangha sa kakayahan kong makahawak ng anima? I mean, Drystan already declared that I’m still not dead yet, just comatosed. And I think that alone makes sense. Hindi nga lang klaro kung bakit napunta ako rito gayong buhay pa naman pala ako.

“Ah, ‘wag kang matakot. Hindi pa kasi talaga ako patay. I’m in a state of coma, siguro mamamatay pa lang ako,” kaswal kong sagot. Tipid at malungkot nalang akong ngumiti, tanggap ko na siguro.

Napahinga siya nang malalim. “Kung gano’n, ikaw pala ‘yung pinag-uusapan ng mga anima simula nung isang araw pa.”

Tipid akong tumango.

“Nakakapagtaka nga,” bulong niya sa sarili.

Bumuntong hininga si Seya sa tabi ko. Hindi na niya ako hawak sa siko ngayon. “Kaya mo naman siguro ang sarili mo, ‘no? Hindi ka naman siguro mapapahamak sa pakikipag-usap lang sa bata?” aniya sa akin.

What am I, a kid?

“Don’t worry, the moment I stepped out of Enclave, naiintindihan ko na lahat,” I honestly replied.

May misteryosong kislap sa mga mata ni Seya bago magsalita. “Pero hindi lahat ay alam mo na.”

Tinalikuran niya kami’t iniwan ako nang may pagtataka. Ano pa bang dapat kong malaman sa mundong ‘to?

Kamay sa likod akong naglalakad kasama ang bata. Hindi siya nauubusan ng kwento tungkol sa kung gaano niya kagustong bumalik sa mundo, natutuwa naman ako dahil hindi siya gano’n ka-weird at mukha siyang normal lang gaya ni Caelum. Hindi rin siya masungit, hindi gaya ng ibang anima na nakasalamuha ko na puro blangko ang ekspresyon sa mukha.

Nakuha niya ang atensyon ko nang mapansin kong nagseryoso siya at nalungkot.

“Walang lugar ang kahit anong emosyon sa lugar na ‘to. Naniniwala ang lahat sunod sa paniniwala ni Herman na walang saysay ang makaramdam pa ng iba’t ibang emosyon kung lahat ng nandito ay patay na.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life in the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon