*****
ZOE PoV *
Hindi na naman sumama si ian sa akin papuntang canteen kaya dapat ako lang ang nandito pero sumama ang limang bugok na ito.
"Zoe! . . . .Ano yung sayo?" Tanong ni Tyler sa akin habang namimili na sila ni Axel sinabi ko na lang yung order ko sigurado akong sasama din ang mga ito sa tambayan namin ni ian.
"Dalhan na rin natin si ian. . . Puro sya diet!" Siryusong sabi ni Lincoln na sinangayunan naman ng lima, matapos mag order, sila na rin nagdala ng pagkain ko lumabas na kami sa maingay na canteen.
Pinag uusapan parin nila si ian, kung gaano daw kagaling kumanta at sumayaw ang kaibigan ko, sayang hindi nila naabutan kanina yung pagkanta ni ian pero naabutan nila ang pagsayaw nito nakunan pa nya ng video mamaya ipapakita nya kay Ian.
"Zoe! . . . .may number ka ni ian?" Nakangiting tanong ni Wyatt sa akin umiling lang ako sa kanya.
" ganun? . . . Sige sa kanya na lang ako manghihingi ng number nya!" Sabi nito at inakbayan ako tss, feeling close ang isang ito pero pinabayaan ko lang ang kamay nitong naka akbay sa akin.
"Kamay mo bro!" Si Tyler habang tinatanggal ang kamay ni Wyatt na tumatawa na naman.
" ikaw naman Ty, . . .wag kang mag selos agad! Ikaw lang ang mahal ko!" Tumatawang biro ni Wyatt kay Tyler na inakbayan nito saka akmang hahalikan ito, Nagpumiglas naman si Tyler sa pag kakahawak ni Wyatt dito. Diko maiwasang matawa sa dalawa napahinto na lang ang dalawa ng magsalita si Tyree.
" Where's ian? " Anito
Nagtataka naman kaming naglakad papunta sa tambayan namin nauna kasi sa amin yung tatlo pagtingin nga namin wala si ian, Saan naman kaya ito pupunta?.
"Naku! Nagtatago yan si ian! . . . .Yana!!. . . . Yuhooo!" Si Wyatt yan habang lumilibut sa paligid namin Maya-maya pa may isang studyanteng humahangus na dumating nagtatakang tumingin kami dito.
"Tyler!. . . . . Si ian!. . . .nakita ko hila hila nung team captain ng taekwondo team!" Habul hiningang bulalas nito na kinagulat namin, Nagmamadali akong tumakbo patungo kung nasaan si ian.
Narinig ko pang pinapabantayan ni Lincoln ang mga pagkain namin dun sa studyanteng iyun, kasunod ko yung kambal nag mamadaling humabol sila Wyatt sa amin at sabay-sabay kaming tumungo doon.
Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng taekwondo club ng bumukas ito at nabungaran si ian na may pagtataka ang mukha agad ko itong tinanong, hindi rin ito tinigilan ng lima sa katatanung kung okay lang talaga ito.
Makalipas pa ang oras katatapos lang namin kumain nang mag Salita si Wyatt. "Yanna! . . .what's your number?"
" Eleven! . . . ." Mabilis na sagot ni ian dito na kinatawa namin sumimangut naman si Wyatt dito.
"Gagawa ako ng group chat natin pito kaya wag kang ano! . . . Ikaw din Zoe yung number mo" Anito na naglabasan na sila ng cellphone kaya kinuha ko ang aking cellphone at sinabi dito ang aking number, Agad naman tumunog ang phone ko naka tanggap ako ng mensahe ng lima na may mga pangalan nila mamaya ko na lang i-save ang number nila.
"Ikaw naman Yanna!" Si Wyatt parin yan hindi talaga nito titigilan si ian kaya naman nilabas ni ian ang cellphone nito, Halos hindi kami makapaniwala sa cellphone nito.
Isang de-keypad na cellphone na halos masisira na ito nakita ko may tape na rin ito sa likod.
"Yanna! Gumagana pa ba yan?" Si Axel na sinisipat ang cellphone ni ian na parang takot galawin baka pag ginalaw nya ito ay magkalasan na ito.
"Oo naman! . . . " proud na sagot ni ian mukhang pinagmamalaki pa nito ang antique na cellphone nito.
"Eh! . . .parang kunting galaw dyan magkakalasan na yan eh! " Ani Lincoln na maingat na kinuha ang cellphone ni ian, inismiran lang ito ni ian saka binalik ang tingin sa kinakain nitong candy.
"May extra cellphone ako sa bahay gusto mo ba ibigay ko na lang sayo?" Ani Tyree na nakatingin sa cellphone na hawak ni Lincoln lahat kami sa cellphone ni ian nakatingin hindi kasi namin aakalain na may ganun pa palang cellphone wala na gumagamit na de-keypad na cellphone ngayun.
" Ayuko! . .salamat na lang. . . May ipapakiusap ako sainyung anim" Seryusong sabi ni ian kaya napatingin kami sa kanya.
"Ano yun?" Tanong ni Tyler na Seryuso din ang mukha.
"Kung gusto nyu akong maging kaibigan, hindi nyu ako bibigyan ng kung ano-anong bagay, sa pagkain ayus lang di naman ako malakas kumain katulad ni Ree!" Ani ian na hindi ko alam kung seryuso sya talaga binanatan kasi nya si Tyree na sinimangutan sya.
"Pareho lang tayo !" Sagot ni Tyree kay Ian na tinawanan lang nito, nangako naman kami na susundin yun, tinanggap ko na rin ang lima bilang kaibigan ko, iba kasi sila sa mga studyanteng kilala ko, sila hindi nila tinitingnan ang antas mo sa buhay.
Matapos ang klase sinamahan namin si ian sa office para ipasa nya confirmation form na galing sa mga club na kinabibilangan nito. Matapos yun nag paalam na kami sa isa't-isa habang sakay ako ng kotse pauwi mag kakachat kaming anim sa Facebook walang Facebook si ian kaya text kami nag focus para ma-message namin sya.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...