CHAPTER 20

2.4K 26 1
                                    

Love

Late na ako natulog kagabi kasi late na din natapos ang sermon ni daddy at mommy kay nathalie. Bumangon na ako at kinuha ang phone sa side table. Lowbat na kaya chinarge ko mona at pumasok na cr para makaligo. Sa second subject nalang ako papasok. 9pm na at 8pm start ng first sub ko kaya ang aabot ko ay second na.

"Nathalie, saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos kausapin ka." Tuloy tuloy kasing naglakad si nathalie paakyat kaya tinawag si daddy.

Maririnig mo pa din sa boses ni daddy yung galit. Nakapamewang sya habang nakatingin kay nathalie. Ako naman ay tumabi kay mommy sa sofa nakaupo.

Huminto si nathalie at lumingon kay daddy. Basa pa din ang mukha nya sa tindi ng iyak nya.

"What is it, dad?"

"Ano yung nakita? Bakit kayo naghahalikan ng gagong yon?" Galit na sabi ni daddy habang nakaturo sa labas na akala mo andon parin si Eric.

"Boyfriend ko sya at walang masama sa ginawa namin."

Taray Boyfriend na daw nya. Baka ang ilusyon lang to. Nakaupo lang ako sa sofa na akala mo nanunuod ng teleserye. Si mommy naman tahamik lang ding nakikinig, ayaw makisali.

"Boyfriend yon ni Angela." Tumingin sakin daddy at binalik ulit kay nathalie "paanong ikaw na?"

"Correction dad, ex." Cool kung sabat kaya napatingin sila lahat sakin.

Nagkibit balikat lang ako at nanahimik na ulit.

"Ex, dad. Wala na sila. Anong masama don kung ano naman? Mali na naman ba ako kasi minahal ko ang EX NG PABORITO NYONG ANAK." may diin nyang sabi at may pa quation pa si gaga.

Nakita ko yung galit sa mata ni daddy sa sinabi nya. Wala naman kasing paborito, pantay lang ang pagmamahal ng parents namin sa amin. Hindi ko alam kong saan nya napupulot yung mga sinasabi nya. Iba talaga mag isip ang may sakit sa isip na gaya. Napapailing nalang ako sa mga lumalabas sa bibig nya.

"Ano ba yang sinasabi mo, nathalie?" Nakisali na si mommy. Tumayo sya at lumapit kay daddy."Pantay lang ang pagmamahal namin sainyo." Humawak sya sa kamay ni daddy para pakalmahin.

" Pantay? Haha" sarcastic nyang tawa. Tumingin sya sakin na may galit ang mata. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Problema mong bruha ka?

"Kita naman ng lahat na paborito nyo sya." Sabay turo sakin." Ang tingin nyo sakin ay pariwarang Anak, at sakanya naman , Anak na hindi makabasag pinggan. " Tumingin ulit sya sa mga magulang namin.

"Wag na tayong maglokohan dito. Alam ko naman na mas mahal nyo sya eh. Kaya, please lang. Hayaan nyo ko sa gusto ko." Padabog syang umakyat sa kwarto.

"Nathalie, bumalik ka dito. Hindi pa tayo tapos mag usap.  Yan ba ang natutunan mo sa pagsama sa lalaking yon?" Sigaw ni daddy pero hindi natinag si nathalie at tuloy tuloy lang umakyat sa taas." Nathalie!" Akmang susunod sya sa taas ng pigilan sya ni mommy at umiling.

"Hayaan mo mona ang anak mo. Mag palamig mona kayo."

"Hindi eh! Masyado ng matigas ang ulo ng batang yan. Wala ng galang."

Alam kong hindi mapipigilan si daddy kapag galit kaya tumayo na ako at lumapit sakanila.

"Dad, tama si mommy. Magpalamig mona kayo, pwede nyo namang ipagbukas yan. Magpahinga na po kayo alam kong pagod kayo sa party at trabaho. Hayaan nyo mona syang makapag isip isip." Nakangiti kong sabi.

Huminahon naman si daddy at sabay sabay na kaming umakyat sa taas. Pag higa ko sa kama ko nakatulog agad ako sa pagod.

Alas kwatro ata natapos kaya sobrang antok pa ako kahit katatapos ko lang maligo. Inayos ko lang gamit ko at bumaba na para makakain.

Naabotan ko si mommy at daddy na tahimik na kumakain. Wala si nathalie, baka tulog pa o ayaw lang sumabay.

Lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi.

"Good morning, mi ,de." Umupo na ako sa harap ni mommy at kumuha ng pagkain

"Mornin' princess." Nakangiti bati ni mommy

"Mornin'" bati ni daddy

"Kamusta po tulog nyo?"

"Ayos naman, ikaw ba?"

"Kulang po pero ayos na mi. Nasaan po pala si nathalie?" Tanong ko habang kumukuha ng hotdogs.

"Baka tulog pa. Pinagising ko pero wala daw sumasagot."

"Hayaan nyo mona, mi. Kakain naman yon pag nagutom"

Nang matapos kaming kumain nag kwentuhan kami saglit at nagkanya kanyang alis na. Ako school at sila naman sa kompanya.

Nasa parking lot na ako ng school ng makita ko si khalil na nakasandal sa kotse na parang may hinintay. Napalingon sya sa kotse ko at biglang ngumiti. Nag Park na ako sa tabi ng kotse ni Klare. Pinatay kona ang engine at bumaba na. Nagulat ako bukas ko ng pinto ng kotse ko nandon na sya.

Napangiti naman ako sa kamay nyang naghihintay ng yakap. Lumingon mona ako sa paligid para makita kong may tao ba, ng makita kong wala yumakap ako sakanya. Hindi maalis ang ngiti ko sa labi.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka din nagrereply sa text ko." Nagtatampong tanong nya.

Nakasiksik ako sa leeg nya habang sya naman marahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya.

"Sorry, late na ako natulog kagabi kasi may inasikaso ako then paggising ko naman Lowbat phone ko kaya chinarge ko mona. Hindi ko pa nacheck kaya hindi alam na nagtext ka pala. Kanina ka pa dito?" Tuloy tuloy sabi ko.

Bahagya nya akong tinulak at tinignan sa mata. Nasa magkabilang balikat ko ang dalawang kamay nya.

"Oo, nag aalala ako baka napano kana kasi hindi ka nakapasok sa first class then hindi ka pa sumasagot sa mga text ko." Nakapout nyang sabi.

Napapangiti ako sa asta nya. Kinalas ko ang yakap sa bewang nya at hinawakan ang mag kabilang pisngi at pinisil.

"Ang kyut mo." Natatawa kong sabi habang sya naman nakasimangot kasi napalakas ang pag pisil ko sa pisngi nya.

"Tss, I'm not kyut, I'm handsome. " nakasimangot nyang sabi habang nakahawak sa pisngi nyang namumula na ngayon.

Ang kyut nya talaga kapag ganito sya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hinawakan kona sya sa kamay at hinila para makaalis na kami don baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan sya.

"Saan tayo?" Tanong nya

Huminto ako kaya napatigil din sya. Tumingin ako sakanya.

"Canteen. Mamayang 10 pa naman pasok ko eh." Nakangiti kong sabi.

Kapag kasama ko sya parang kumpleto na ang araw ko. Kahit hindi kami ramdam kon agad ang pagmamahal nya pero hanggang kailan? Iniisip ko palang na mawawala ang pagmamahal nya sakin nasasaktan na ako pero habang mahal nya pa ako e-enjoy ko mona. Ayos lang masaktan basta sakanya.

Napansin nya siguro ang pagbabago ng mukha ko kaya tumitig sya sakin.

"What's wrong?" Nag aalala nyang tanong

Ngumiti ako" Nothin'. Let's go." Hinawakan ko ulit ang kamay nya at hinala sya.

Kahit nagtataka sumunod lang sakin sa paglalakad. Maingay nong dumating kami sa canteen pero ng makita nila kaming magkasama at magkahawak kamay parang naging ghost town ang canteen sa sobrang tahimik. Lahat sila makikita sa mga mata ang pagtataka. Kahit naman ako magtataka eh. Parang kailan lang si Eric ang kahawak kamay ko kapag pumupunta kami sa canteen pero ngayon si Khalil Blake Santos na Crush ng bayan.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now