CHAPTER 27

2.2K 24 3
                                    

"Mahal ka nila." Malumanay kong sabi habang hinahagod ang likod nya.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito kahina. Lagi ko kasi syang nakikitang matapang kahit umiiyak, ngayon kasi parang sobrang hina nya. Hindi ko alam kong paano ko pagagaanin ang loob nya. Naging masama ba akong kapatid para hindi malaman ang nararamdaman nya?

"Alam ko naman yon....pero tingin ko lang kasi mas mahal kanila." Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha nya.

Tinignan ko sya habang pinupunasan ang luha nya gamit ang kamay.

"Pantay ang pagmamahal ng magulang natin satin." Tumingin nalang ako sa langit para pigilan ang luhang nagbabadya sa mata ko.

"Hindi ko alam." Huminga sya ng malalim." Hayy, tama na  nga to. Nandito tayo para magsaya hindi para magdrama."

Tumingin ako sakanya at naabotan ko syang nakatingin sakin habang nakangiti, pero makikita mo sa mata nya yung lungkot. Ate, sorry wala akong alam sa nararamdaman mo?

Ate? Kailan ko ba sya tinawag na Ate? Hindi ko na matadaan.

"Ate.." nakangiti kong sabi sakanya.

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Nagulat siguro dahil kahit minsan hindi ko sya tinawag na ate, baka nong bata pero hindi kona matandaan.

"Oum?" Nakabawi na sya sa gulat at tumingala ulit sa langit.

"Mahal kita." Nakangiti kong sabi.

Humarap ulit sya sakin at nakita ko sa mata nya ang gulat. Pero kalaunan ngumiti sya. Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Mahal din kita." Nakangiti nyang sabi habang nakaakbay sakin..

Tahimik naming pinagmasdan ang langit. Ang huni ng ibon ,hampas ng hangin at ingay na nanggaling sa mga taong nasa paligid namin.

"Alam kong bakit ko ginawa yon?" Tanong nya.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko.

Inalis nya ang pagkakaakbay sakin at humarap sakin. Hinawakan nya ang balikat ko para maharap sakanya.

"Yung kay Eric..he's asshole...lagi ko syang nakikitang may kasamang iba ibang babae sa bar. Pero hindi ko masabi sayo kasi alam ko naman na hindi ka maniniwala sakin. Sino ba naman kasing maniniwala sa kapatid na alam mong gustong gusto kang maging miserable?"sarcastic nyang tawa." Kaya imbes na sabihin sayo gumawa nalang ako ng paraan para hiwalayan mo sya. Alam kong mali pero anong magagawa ko kung mahal kita? Inaamin kong gusto ko yung gagong yon, pero mas mahal kita."

Nagugulat ako sa sinasabi nya kaya hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi nya. Parang hindi pumapasok sa utak ko yung sinasabi nya.

"Kaysa mabulag ka sa pagmamahal mo sakanya gumawa nalang ako ng paraan para mapalitan ng galit ang pagmamahal na meron ka sakanya. I do the easy way para mawala sya sa buhay mo." Binitawan nya na ako .

Naramdaman nya atang wala akong masabi kaya nagyaya na syang umalis. Wala akong nagawa kong hindi tumayo at sumunod sakanya habang naglalakad. Tahimik lang akong nakasunod sakanya gulat padin sa mga sinabi nya.

Si Eric? Matagal na pala akong niloloko pero wala akong alam? Dahil lumilipad ang utak ko hindi ko nakita na huminto na pala sya kaya nabangga ako sa likod nya. Tumingin sya sakin.

"Ayos ka lang?" Nakataas kilay nyang tanong.

Bumalik na naman sya sa pagiging mataray. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Kaya pala sya huminto kasi nasa tapat na kami ng kotse ko. Umikot na sya sa frontseat at ako naman dumiretso sa driver seat. Binuksan kona ang pinto at papasok na sana ng magsalita sya.

"Mukha wala ka sa matinong pag-iisip kaya ako magdridrive." Nakahawak sya sa pinto ng frontseat habang nakatingin sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay." Marunong kang mag drive?"

"Anong tingin mo sakin, bobo? Malamang, oo."

"Malay ko ba. Okay! Gusto ko din magpahinga eh." Hinagis ko sakanya ang susi at umikot na papunta sa frontseat.

"Wag mong ibabangga." Sabi ko at tahimik ng pumikit para magpahinga.

Nag simula na syang magmaneho kaya pumikit nalang ako. Napagod ata ako kanina kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pero nagising ako sa malakas na impact, tumama ang ulo ko sa harap ng salamin. Naramdaman ko nalang na maraming dugo ang tumutulo sa ulo ko. At nakita kong nakapikit si nathalie, maraming dugo sa mukha nya. May naririnig akong mga ingay at ambulansya pero unti-unti nang dumidilim ang paningin ko kaya hindi kona alam kong ano ang mga sumunod na nangyare.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now