Kabanata 40 : Red Alert

486 38 3
                                    


Kabanata 40 : Red Alert

Hours Later


"Hindi pa ba siya uuwi?" sabi ni Laszlo sa mga kapatid ng magtaka dahil nasa bahay pa rin nila si Peso.

Nasa balcony ng ikalawang palapag ang sixtuplets habang pinagmamasdan mula sa baba ang ina nilang si Elle kausap si Peso at quintuplets.

"Mukhang seryoso nga si Mama na ampunin si Peso." sabi ni Otto.

"Anong gagawin natin?" sabi ni Viggo.

"Hindi siya puwede dito." sabi ni Ezio.

"Iyon din ang iniisip ko, kasi hindi natin alam kung ano nga ba ang iniisip ni Mama. Paano kung nasa depression nga siya o....

.... alam niyo iyon, nilalabanan lang niya ang mga bagay na iniisip pa ng utak niya." sabi ni Rollo.

"Hayaan lang natin." sabi ni Shiloh habang kanina pa nakatitig kay Peso.

"Ano?" sabay-sabay na sabi ng limang kapatid ni Shiloh sa kanya.

"Kapag pinaalis natin siya, magiging kontrabida tayo sa kanya at mas lalo natin siyang hindi maliligawan. Mas mahirap iyon sa parte natin, dahil baka mas lalo niyang idiin na anak siya ni Papa. Mas makakasama kay Mama ang kapag nangyari ang bagay na iyon.

Kaya dapat maging mabait tayo sa batang iyan ng sa ganoon mapalapit tayo sa kanya." sabi ni Shiloh sabay ngisi nito.

".....aamuin natin siya hanggang sa bumigay siya. Kapag napalapit pa tayo sa kanya mas madali natin siya mapaamo saka natin nonobyahin." sabi ni Shiloh.

Napatingin si Shiloh sa mga kapatid saka muling nagsalita.

"Mas magandang nakikita natin siya, at ang mga galaw niya. Tandaan niyo ang taong magiging isa o mag-iisa sa buhay nagiging matapang at sa ganoong pangyayari mas may dahilan siya para mabuhay....

.... at ang mabuhay ay gumawa ng paraan para may kapitan.....

.... At ang kakapitan ng nilalang na iyon ay ang taong makakatulong sa kanya para huminga. At walang iba iyon kundi si Papa, na mas delikado tayo kung kay Papa mapalapit si Peso at hindi kay Mama." sabi ni Shiloh sabay tingin kay Peso.

"Ang galing mo talaga mag-isip. Sayang lima lang ang kasali sa player sa loob ng ring." nakangising sabi ni Otto kay Shiloh.

"Tssss! Huwag mong ipaalala. Naiinis ako." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang kapatid nito.

"Hahahahaha!" tawanan ng limang kapatid ni Shiloh na ikinangisi nito.

Dating basketball player si Shiloh kaso lagi siyang bangko. Ang lima niya kasing kapatid ang nasa loob lagi ng laro, at dahil ayaw niya ng feeling niya panabla siya kaya umalis siya sa team.

"So, ikaw bahala kay Peso bantayan mo hanggang sa school." sabi ni Ezio kay Shiloh.

"Ako ng bahala, basta kayo mag-isip kung paano pakakawalan si Maricar." sabi ni Shiloh

"Ako ng bahala sa kanya." sabi ni Laszlo na ikinangisi ni limang kapatid nito.

.....................

"Mama, uuwi na po ako." sabi ni Peso kay Elle na ikinangiti nito.

"Ihahatid ka na namin ng Papa mo." sabi ni Elle.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon