Inutusan ako ni ma'am na pumunta sa building ng STE para ihatid yung book niya para sa next subject. Isang malaking ngiti ang bumalot saakin ng malaman ko kung anong section ang pag hahatidan ko.
Section nila Dave.
Buti nalang pumayag ako na ako ang mag hahatid, tatanggi na sana ako kanina dahil tinatamad ako kaso nalaman ko yung section, eh.
Pag pasok ko sa pintuan ay napatingin saakin ang mga students sa room, karamihan ng nakatingin saakin ay lalake kaya medyo nailang ako.
Pagkalapag ko ng libro sa teachers table ay agad nahagip ng mata ko ang pwesto ni Dave pero imbis na ngiti ay parang maiiyak nalang ako sa nakita ko.
May kasama siyang babae at magkadikit ang upuan nila, magkadikit din ang balat nila habang may binabasa na kung ano sa libro. kaunti nalang ay mag didikit na ang mukha nila.
"Hey, miss!" tawag saakin ng lalake sa gilid. "What's your name?"
"Why?" tinaasan ko siya ng isang kilay. "Why do you ask?"
"Crush ka daw!" sigaw naman ng kasama niya kaya nag tawanan ang mga kalalakihan.
"I am Javier." pag papakilala niya. "And you are?"
"Feui Avril." My face doesn't have any reaction.
"Avril, what a beautiful name." he smiled sweetly
Napansin ko ang pagtingin nila ng banggitin niya ang pangalan ko, maski si Dave ay napatingin sa direction ko at tila gulat pa ng makita ako pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at seryoso lang sa kausap.
"Are you dating someone?" tanong ulit ni Javier pero umiling ako kaya lumaki ang tuwa sakanyang mukha. "Would you mind if i date you?"
"Yiee!!!" rinig kung tilian ng karamihan. "Yes na yan!"
Kahit hindi ko tignan ay alam kung pinapanood kami Dave. Muli akong lumingon sakanya at nag tama ang tingin namin, magkatabi parin sila nung babae at kitang kita ko kung paano siya kulitin 'non.
Nag seselos ako, Dave.
Binalik ko ang tingin sa lalaking kausap ko 'tsaka tumango.
"Y-yes ba yan?" natutuwa niyang tanong at muli akong tumango. "Yes!"
Tinulak pa siya ng mga kaibigan niya palapit saakin kaya yinakap niya ako. Gusto ko sanang itulak palayo pero ang higpit ng yakap niya at tila ayaw pa akong pakawalan. Pagkatapos niyang humiwalay ay kitang kita ko ang malawak niyang ngiti.
"Kita tayo mamayang lunch." he said.
Palabas palang ako ng room nila ay nakita kung tumayo si Dave, handa ng sundan ako pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy sa paglabas.
Pagkalabas ko ay tumakbo ako agad papuntang restroom. Para akong pinapatay ng nararamdaman ko at halos pumikit nalang para hindi matuloy ang pag bagsak ng luha ko.
"Kaya ba hindi ako gusto dahil may ibang gusto?"
Naghilamos ako at inayos ang mukha bago lumabas ng restroom pero nakasalubong ko si Gail. agad niya akong napansin kaya lumapit siya saakin at tinitigan ako ng matagal.
"Wag mo nga akong titigan," marahan ko siyang tinulak.
"Anong nangyare sayo? Umiyak ka?"
"Hindi ah!" umiwas ako ng tingin. Wrong timing naman kasi dumating 'tong si Gail, eh.
"Hindi ako niwala."
"Edi hindi." nag simula na akong lumakad pero hinatak niya ang kamay ko at yinakap ako. "Gail..."
YOU ARE READING
Chasing You Endlessly (pandemic series #1)
RomancePANDEMIC SERIES #1 Ang sabi ko trip-trip lang, eh bakit nahulog ako? Pandemic --- iyan ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. Iyan ang dahilan kung bakit ako palaging ngumingiti na parang tanga... at ito din pala ang magiging dahilan para mag paka...