"Bakit ka naka simangot?" pinisil ni Gail ang dalawa kong pisnge.
Katatapos lang ng klase namin ngayon at nag aabang kami ng masasakyan na jeep. Silang dalawa ni Jasmine ang kasama kong umuwi ngayon dahil wala si Stella, hindi pa daw tapos yung meeting nila sa math club, hindi din ako sinundo ng driver ko ngayon dahil sira daw ang kotse.
"May concert yung Decemeber Avenue sa vista mall,"
"Hindi ka pinayagan?" si Jasmine.
Obviously, yes! Imbes na manood daw ako, mag aral nalang daw ako para tumaas yung grades ko. Hindi pa ba sapat yung puro line of 9 at 100?
"Gusto ko din pumunta kaso wala naman akong pera pambili ng ticket at baka hindi din ako payagan nila mama." Jasmine laughed. "Gail libre mo ako!"
"Kiss mo muna ako." He smirked.
"Dugyot mo, no thanks nalang." She even made a disgusting face when she said that.
"Wag kayo mag alala hindi lang kayo ang hindi makakpunta." tinaasan namin siya ni jasmine ng isang kilay sa pag tataka kung bakit. Hindi naman strict ang parents nito at mayaman naman din sila kaya kayang kaya niyang pumunta doon kung tutuusin pero hindi daw siya pupunta.
"Sayang yan Gail kung hindi ka pupunta." napa iling si jasmine kaya kumampi din ako sakanya, sayang naman kasi talaga! Swerte nga niya dahil makakapunta siya samantalang kami ay hindi.
"Mas sayang kung pupunta ako ng hindi kayo kasama," He smiled. "Alam niyo kung anong mas masaya?"
"What?"
"Mas masaya kapag nandyaan yung nag susungit sa concert. Mas masaya yung nandyaan yung maingay at gustong mag wala sa concert dahil sa tuwa. Mas masaya kapag nandyaan yung mabait at mahinhin mag cheer sa concert. Mas masaya kapag kasama ko kayo. Mas masaya kapag kumpleto tayo. May next time pa naman kaya next time nalang ako manonood, next time kapag kumleto na tayo."
"Gail!" agad akong yumakap sakanya na parang bata. "Shuta ka, thank you!"
Nakita kong napaiwas si Jasmine ng mukha at medyo nag blush din sa sinabe ni gail. Masaya kami dahil mayroon siya sa grupo namin. Nandyaan siya na palagi namin nasasandalan. Nandyaan siya bilang kapatid. Nandyaan siya para supportahan kami sa lahat."
"Morning!"
Bati ko sakanya. Nasa taas kami ng overpass ngayon, 14 minutes pa before mag start ang class namin. Kanina pa siya dito pero hinintay niya akong pumasok. Ganon siya araw araw, minsan ako naman, pero kapag medyo late na siya ay sinasabi niyang wag ko na siyang hintayin.
"O breakfast mo"inabot niya saakin yung tupperwear na nakalagay sa paper bag
"Hala, thank you!"yinakap ko siya bago kinuha yung pagkain, sakto hindi pa ako kumakain ng breakfast "paano mo nalaman na hindi pa ako kumakain?"
"Nag papabili ka kay Jasmine ng pagkain sa chowking kanina diba? sana sinabe mo nalang saakin"
"Eh, kasi palagi ka nalang nag dadala ng pagkain. Ayoko naman na palagi nalang umaasa sa dala mo"
"I'm doing it for you"hinawakan niya ang kamay ko at bumaba kami papunta sa table ng 7/11"eat your food"
"Ngayon na?"balak ko sana mamaya nalang kainin dahil baka ma late na ako
"Hindi kita papapasukin ng hindi pa kumakain"he strictly said
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti bago kumapit sa balikat niya
"Why are you smiling?"
"wala"natatawa kung sagot
He pouted.
YOU ARE READING
Chasing You Endlessly (pandemic series #1)
RomancePANDEMIC SERIES #1 Ang sabi ko trip-trip lang, eh bakit nahulog ako? Pandemic --- iyan ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. Iyan ang dahilan kung bakit ako palaging ngumingiti na parang tanga... at ito din pala ang magiging dahilan para mag paka...