4 years later
Pag katapos ng grade 8 ay lumipat si Stella sa Wilvert high school dahil doon daw siya gusto i-enroll ng parents niya. Naiwan ako mag isa sa section namin pero nag karoon din naman ng kaibigan dahil dumating si Kyla at Rein na naging close friends ko.
Katatapos lang ng class namin pero hindi pa ako nakakalabas ng classroom dahil isa ako sa mga cleaners ngayon pero pauwi na ako dahil tapos ko na rin naman yung mga dapat linisin.
"Oi Feui! Pauwi ka na?" Napatingin ako kay Kyla ng lapitan niya ako sa may pintuan. Palabas na sana. Tumango lang naman ako "Ahh." maikling sagot niya.
Aba! Wala naman pala sasabihin, eh. Gustong gusto ko na umuwi!
"Una na ako," kaway ko sakanya pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
Anak ng!-
"Teka teka," Pahabol niya.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman napangiti siya ng kaunti, yung ngiti na para bang may ipapakiusap. Pinakita niya yung librong hawak niya"Pwede ba dumaan ka sa library? Paki balik sana 'to kung pwede hehe"
"Te-teka, bakit ako!" Gulat na reaction 'ko.
"Mag tatatlong araw na kasi since kinuha ko itong book tapos hindi ko na naibalik, tapos balita ko kila Joy hinahanap daw ako nung librarian." pag papaliwanag niya.
"Edi gumawa ka ng excuse."
"Hala, sige na kasi." nilagay niya pa sa kamay ko yung libro 'tsaka nag maka awa. "Please..."
Hayts! Sino ba naman ako para tumanggi, eh kaibigan ko 'to.
"Akin na nga." hinawakan ko ng tuluyan ang libro at tinignan yun bago tumingin ulit sakanya.
"Salamat Feui!!!" ang lakas ng boses niya kaya naman napatingin saamin pati mga students na napapadaan sa labas ng classroom namin.
"Shh wag kayo maingay!" awat ni Johan na nag liligpit ng gamit sa table ng adviser namin.
"Babawi ako promise!" masiyang bulong saakin ni Kyla.
"Siguraduhin mo yan, ha." pinaningkitan ko siya ng mata bago ako umalis at nakita ko naman na natawa lang siya sa ginawa ko.
"Uwi ka na?" tanong saakin ni Jas nang makasalubong ko siya sa may gate.
"Hindi pa, epal si Kyla, eh." irita kung sagot, natawa siya bago ulit mag tanong.
"'O bakit?"
"Pinapabalik saakin sa library yung librong hineram niya mag tatalong araw na."
"Aguy! lagot kayo sa librarian!" Pananakot niya pa.
"Damay pa nga ako!"
"Uto-uto ka kase! Bakit kasi pumayag ka." pag tapik niya sa balikat ko.
"Aba! No choice din naman kasi ako, kaibigan ko rin yun eh."
"'O siya, sige, aalis na ako may gala kami ng mga kaibigan ko." kinawayan ako ni Jas bago umalis.
Dumaan ako sa gate para sabihin sa kapatid ko na mauna na siyang umuwi, iisa kami ng sundo ngayon dahil wala yung isa namin na driver.
Pag pasok ko sa library ako agad ang sumalo ng sermon na dapat para kay Kyla pagkatapos 'non ay binalik ko na yung libro sa book shelf pero hinanap ko pa kung saan nakalagay yun kaya medyo natagalan din.
"Ponyeta ka Kyla." bulong ko sa sarili ko. "Naka uwi na sana ako kung di dahil sa gagang 'to, eh."
Pag kalagay ko ng libro sa shelf ay napa buntong hininga nalang ako, padilim na sa labas at mukhang wala naraman masasakyan.
YOU ARE READING
Chasing You Endlessly (pandemic series #1)
RomancePANDEMIC SERIES #1 Ang sabi ko trip-trip lang, eh bakit nahulog ako? Pandemic --- iyan ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. Iyan ang dahilan kung bakit ako palaging ngumingiti na parang tanga... at ito din pala ang magiging dahilan para mag paka...