Chapter 5

35 5 0
                                    

Nakaupo si Avalon sa higaan nila, naghihintay ng oras. Hindi na kainitan sa dahil hapon na pero wala s'ya sa mood tumambay sa labas. “Anong oras ba tayo pupunta don?” tanong ni Avalon na ang tinutukoy ay ang oras ng punta nila sa party.

Huminto si Kayden sa paglilinis ng mga baril na nasa lamesa. “Six or seven, maybe in between.” Tumunog ang phone ni Kayden kaya tinignan n'ya kaagad ito. “Wait may tumatawag.”

Lumabas si Kayden at tumayo malayo sa bahay, sinagot n'ya ang tawag. “Nasaan na yung babae?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Under recovery, hindi pwedeng ma-pwersa. Ano bang espesyal sa kanya para maglabas ka ng milyones kapalit ng babae? Ordinaryong babae lang yon. Tigang ka lang talaga.”

“Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Kayden. Yung babaeng hawak mo, hindi yan ordinaryo lang. Ako na mismo nag-alok sayo ng malaking halaga kapalit ng babae. Hindi ka na mapapahamak, madami ang naka-abang sa babaeng yan.”

“Ows? Tapos?”

Napahampas sa lamesa ang kausap. “Dalhin mo ang babae sa party mamaya. Ibibigay ko ng kumpleto ang pera at ibigay mo sakin yung babae.” Pinatay ng kausap ang tawag, napabuntong hininga na lang si Kayden at tumingin sa malayo.

'May espesyal ba sayo?'

~•~


“Magbihis ka na,” utos ni Kayden.

“Ang hilig mo mag-utos,” bulong n'ya, di n'ya alam na narinig pala ito ni Kayden.

Humarap ito sa kanya dahil nakaupo pa din s'ya. “Gusto mo ako na lang magbihis sayo?”

Napatingin s'ya dito dahil sa narinig, tinarayan n'ya ito saka nagpunta sa banyo para maligo.

Lumabas s'ya na nakatapis lang, pagpasok n'ya sa kwarto, nandon si Kayden. “Labas, magbibihis ako.” Napatingin ito sa kanya.

Napataas ang dalawang kilay nito at pumito saka lumabas. Sinara n'ya ang kurtina at nagbihis na. Nahirapan s'ya na isuot ito dahil medyo makitid ang bewang ng damit.

“Sana hindi ka masira,” mahinang bulong saka isinuot ang katawan sa mismong taas ng damit at hinila yon pataas. Nakahinga s'ya ng maluwag nang maisuot n'ya yon ng maayos. Inabot n'ya ang zipper at pinilit yon itaas pero hindi n'ya magawa.

Lumabas s'ya sa kwarto at nakitang lumabas si Kayden, nakapulupot lang ang tuwalya sa bewang nito. May tumutulo pang tubig mula sa buhok, pababasa sa katawan nito. Tumalikod s'ya, “paki-sara,” sabi n'ya. Lumapit kaagad ang lalaki at sinarado yon sabay pasok sa kwarto.

Humarap si Avalon sa salamin saka inayusan ang sarili. Naglagay s'ya ng kaunting liquid foundation. Naglagay din s'ya ng light colored eyeshadow, ginamit n'ya din ang eyebrow pencil at naglagay ng lip gloss. Itinali n'ya ng high messy bun ang mahabang buhok.

Nakita n'ya mula sa salamin na lumabas na sa kwarto si Kayden. Nakasuot ito ng black formal attire. Nilingon n'ya ito at tinitigan ng maigi ang buhok, iyon ang nakakuha ng atensyon n'ya, hindi ang suot ni Kayden.

Napansin iyon ni Kayden, “low fade haircut ang tawag dyan. Tapos ka na ba mag-ayos?” Tumango s'ya bilang sagot.

'Kailan pa s'ya nagpagupit?'

~•~


Walang masyadong bahay sa nadadaanan nila, medyo dumidilim na ang paligid at nararamdaman na din ni Avalon na nagsisimula na syang mangawit sa halos kalahating oras na pag-upo at hindi gaanong gumagalaw.

“Malayo pa ba?” tanong n'ya.

“Di na masyado.” Nanahimik na s'ya at isinandal ang ulo sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang daanan.

HEAVEN BY YOUR SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon