Dalawang araw na simula nang umalis si Kayden. Pakiramdam ni Avalon, solo n'ya na ang bahay.
Tumunog ang cellphone sa gilid n'ya kaya sinilip n'ya ito. Isang text at ang pangalan na nakalagay, Karter Vaison.
“Sana hindi mo makalimutan na si boss lang ang may karapatan na magpatay ng tawag. Baka hindi ka na mabuhay sa susunod,” mahinang pagbabasa n'ya, nagsalubong kaagad ang kilay dahil sa nabasa.
'Prank text siguro to.' Hindi n'ya na pinansin ang nabasa at lumabas ng bahay. Sa ilalim ng malaking puno, naupo s'ya at tinanaw ang nag-iisang puno sa kabilang bakod.
May narinig syang huminto na sasakyan pero hindi n'ya na ito pinansin. Abala s'ya sa pag-alala sa nangyari dati, kung paano s'ya napunta dito, kasama ang lalaking hindi dapat pagkatiwalaan.
Gulong-gulo s'ya, na kahit ang pagtulala sa kawalan ay walang naitulong. Kahit na ilang beses isipin, hindi n'ya maintindihan ang mga nangyayari.
Nagulat s'ya ng may humawak sa braso n'ya at hinila s'ya ng malakas dahilan ng pagtama n'ya sa dibdib nito na sintigas ng bato. “Anong ginagawa mo dito?”
“Hindi mo ba nakikita kung ano ginagawa ko dito? Kayden?” Nanigas sa kinatatayuan si Kayden dahil sa hindi n'ya inaasahan na malalaman ni Avalon ang pangalan. Hindi kaagad nakapagsalita si Kayden.
“May tumawag nung umalis ka. Nakahanda na daw ang pera, yung babae na lang ang kulang. May nagtext din kanina, prank lang ata.” Dahil sa sinabi ni Avalon, natauhan si Kayden, hinawakan nito ang panga ni Avalon gamit lang ang isang kamay at piniga ito.
Hinampas-hampas ni Avalon ang braso ng lalaki pero hindi nito binitawan ang panga n'ya. Pakiramdam n'ya hihiwalay ang panga sa kanya.
Lalong hinigpitan ni Kayden ang pagkakahawak saka nagtanong, “kanino mo nalaman ang pangalan ko?” Diniinan pa nito ang pagpiga. “Sino nagsabi sayo?!”
Kahit hirap magsalita, pinilit n'ya. “Sinabi nung tumawag… kung gusto mo— tignan mo pa yung call logs.” Napahawak s'ya sa pisngi ng bitawan ito ni Kayden.
Nakaramdam s'ya ng panghihina, naglakad s'ya papunta sa bahay na tinutuluyan. Hindi pa s'ya tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ng mapasigaw s'ya sa sakit. “Ah!” humawak s'ya sa pintuan para kumuha ng lakas pero hindi yon nakatulong.
Napaupo s'ya sa sahig, napatingin sa kanya si Kayden pero hindi s'ya nito pinansin. Inipit n'ya ang puson para mabawasan ang sakit na nararamdaman pero lalo lang itong lumala.
Hindi n'ya naramdaman na tumutulo na ang mga luha sa sobrang sakit, hindi n'ya na magawang pakiramdaman ang paligid, pakiramdam n'ya ay mahihimatay s'ya sa sakit.
Nang medyo kumalma na ang sakit sa puson n'ya, lumapit s'ya sa aparador na pinaglalagyan ng mga damit at kinuha ang maliit na tela na pinag-gugupit kahapon saka pumasok sa CR.
Paglabas n'ya ay sumumpong na naman ang sakit ng puson, tiniis n'ya to saka naglakad palabas ng bahay. Dala ng pagtataka, sumilip si Kayden sa banyo, may nakita syang tela na nanunulo dahil bagong laba ito.
Nakumpirma ni Kayden ang hinala, dinampot n'ya ang susi saka nagmaneho papunta sa pinakamalapit na grocery.
“Ate ayos ka lang?” tanong ni Bea kay Avalon. Ngumiti si Avalon at tumango. Kapansin-pansin na nagkapasa na kaagad ang panga n'ya mula sa mahigit na pagkakahawak ni Kayden kanina.
Tumakbo si Bea pauwi sa kanila at pagbalik nito, may dala na itong isang pirasong tube ice na nakabalot sa towel. Idinikit n'ya ito sa pisngi ni Avalon.
“Ate kanina, parang hindi makalakad ng maayos si kuya Kayden,” sabi nito ng kuhanin ni Avalon ang towel na may yelo sa loob.
“Alam mo yung pangalan n'ya pero hindi s'ya nagalit sayo,” iiling-iling na sabi ni Avalon. “Hayaan mo s'ya kung di s'ya makalakad ng maayos. Di n'ya ikakamatay yon.”
~•~
Nagmulat ng mata si Avalon ng maramdaman na may yumuyugyog ng mahina sa balikat n'ya. Nang makitang si Kayden yon, tinalikuran n'ya to.
“Lumayo ka sakin,” sabi n'ya.
“Narinig kong tumunog yung tyan mo kanina.” Hindi pa din lumalayo si Kayden sa kanya.
“Ano sabi?” tanong n'ya.
“Ako ba pinagloloko mo? Bumangon ka na dyan at kumain. Masamang magpagutom ngayon baka mabaliw ka.” Nawala ang antok n'ya ng marinig iyon, humarap s'ya kay Kayden saka pasimpleng kinapa ang pwetan ng shorts na suot. Mabuti na lang at wala syang tagos.
Tumayo s'ya at nilagpasan si Kayden. Pagpasok sa banyo ay may nakalagay nang sanitary pads.
~•~
Pagbalik n'ya sa higaan ay narinig n'ya si Kayden na may kausap, nahiga s'ya, pipikit na sana ng biglang nagsalita si Kayden, “ilang araw tinatagal ng regla mo?” deretsang tanong nito.
Hindi s'ya nakasagot kaagad. “T-tatlo.”
“Kailan nagsimula?”
“Bakit mo ba tinatanong?!” iritadong tanong n'ya.
“Sagutin mo na lang.”
“Kahapon, masaya ka na?” Hindi ito sumagot at lumabas ulit. Nasanay na s'ya na ganito ang ugali ng lalaki dahil matagal-tagal na din naman silang magkasama.
Naupo s'ya nang naramdaman ang pananakit ng puson, namaluktot s'ya sa higaan. May brasong pumulupot sa katawan n'ya at inayos s'ya sa pagkakahiga. Inilagay ni Kayden ang hawak na pouch na may lamang mainit na tubig sa puson ni Avalon.
Napabuntong hininga na lang si Kayden nang napansin na walang pinagkainan sa lababo. Nilingon n'ya si Avalon pero hindi s'ya nakapagsalita nang makita ang panga nito na namamaga.
“Hindi ka kumain?” tanong n'ya na parang hindi nakita ang namamagang panga ng kausap.
“Di ba obvious?” Balik na tanong ni Avalon habang nakapikit.
Napailing na lang si Kayden dahil sa natanggap na sagot at nagsandok ng pagkain. “Upo,” utos n'ya. Nagdilat ng isang mata si Avalon saka pumikit ulit.
“Avalon, kailangan mo kumain.” Pakiramdam ni Avalon ay nabingi s'ya, hindi s'ya nakakilos kaya inalalayan s'ya nito na bumangon na para bang baldado s'ya.
Hinawakan ni Avalon ang pouch para hindi lumaglag. Tumitig sa kanya si Kayden saka nagpalabas ng buntong hininga. “Sabihin mo sakin kung bakit hindi ka kumain,” utos nito.
Umiwas s'ya ng tingin saka sumagot, “wala akong gana.” Napa-igtad s'ya ng hinawakan ni Kayden ang baba n'ya at pinaharap s'ya.
“Bakit parang hindi ka natatakot na sumagot ng pabalang?” pabulong na tanong sa kanya.
“Wala nang mawawala sakin, Kayden. Kung maggagago man ako, kargo ko na yung kapalit non, walang ibang madadamay—” naputol ang sasabihin n'ya ng bigla syang subuan nito ng pagkain kaya wala syang choice kundi nguyain yon kahit ayaw n'ya.
“Kailangan mo ubusin to. Nangangayayat ka na.” Pagtingin n'ya sa plato, nagulat s'ya dahil marami-rami ang laman non. “Kailangan mo ubusin ang lahat ng nasa plato na to o mapaparusahan ka.”
Nang maubos n'ya ang pagkain na sinandok ni Kayden, busog na busog s'ya. Tumayo si Kayden at niligpit ang pinagkainan ni Avalon.
“May tanong ako,” napatigil si Kayden sa pagkuha ng tubig sa narinig. “Saan ka nagpunta nung dalawang araw kang nawala?”
Humarap sa kanya si Kayden. “Bakit gusto mo malaman?” tanong nito.
“May gusto lang ako malaman. May nagsabi sakin na hindi ka daw makalakad ng maayos kanina.” Hindi nakasagot si Kayden.
“Hindi na importante yon. Aalis ako, wag mo subukang tumakas dahil hahanapin kita kahit saan ka mapunta.”
Sinalubong ni Avalon ang titig n'ya, “hindi pa tayo tapos. At sa tingin mo ba talaga tatakas ako ng lagay na to? Kung makatakas naman ako wala akong pupuntahan,” pumiyok ang boses n'ya.
At ang huling salitang binitiwan ni Avalon bago s'ya makalabas ng bahay ay tumatak sa isip n'ya.
“Wala na kong babalikan.”
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE
AcciónOuting ended tragically. Will she be able to escape from the man who killed everyone just to have her? - This story contains violence, killing and such that is NOT suitable for some readers. Some part might trigger past traumas, phobia, anxiety, an...