Nakatulala lang si Avalon habang nakapatong sa kama niya ang mga dokumento na hawak.
Ilang araw na ang lumipas mula nang matuklasan ni Avalon na ipinagbili siya ng kanyang mga magulang at mula noon ay hindi na niya iniyakan pa ang bagay na ito.
Para saan pa ang pag-iyak ng matindi kung hindi naman na babalik pa ang nakaraan. Kahit na gaano pa karaming luha ang iluha niya ay hindi na mababalik pa ang panahon at hindi na magbabago pa ang katotohanan na ibinenta siya ng sarili niyang mga magulang.
Sa kabilang parte ng mansyon kung nasaan ang office ni Baxter ay may hawak itong imbitasyon nang tumunog ang phone nito.
Kumunot ang kanyang noo nang makatanggap ng text mula sa unregistered number na naglalaman ng message na: They're on the move.
Who the fuck owns this number?
Matagal na tinitigan ni Baxter ang numero kapagkuwan ay bumaling siya sa invitation na hawak. Mula ito sa kanyang kakilala at pinadalhan siya. Nakasaad sa imbitasyon na pwede siyang magsama ng kahit ilan.
Binalik niya ang tingin sa unknown number at tinawagan ito. Ilang ring lang at sinagot na ito kaagad ng may ari ng numero.
“Who the hell is this?” Bungad na sabi ni Baxter nang sagutin ang tawag.
“This is the traitor and I appreciate your opening sentence. You're welcome.”
Dumilim ang mukha ni Baxter. “Ano kailangan mo?”
Mahinang natawa ang nasa kabilang linya. “Hanggang ngayon ba naman ay masama pa rin ang loob mo dahil sa ginawa ko? You should be thanking me kasi dahil sakin, nagkakilala kayo ni Rachel.”
Kaagad na naglaho ang madilim na awra ng lalaki at hindi nakapagsalita. “Sabihan mo yung mga tauhan mo na papasukin ako. Malapit na ko dyan.” Napakurap si Baxter nang patayin ang tawag. Pumayag ba ako?
Kinatok ng bagong dating na lalaki ang gate at bumukas ang maliit na butas na nagsisilbing peephole ng malaking gate.
“Bawal bumalik dito ang taong umalis na.”
Pumilantik ang dila ng lalaki dahil sa narinig. “Hindi kayo nasabihan?”
Mula sa likod ng mga lalaki sa loob ng gate ay sumulpot si Baxter. “Papasukin siya.” Sumunod ang kanyang mga tauhan at hindi na nagtanong pa.
Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa opisina ni Baxter at nang mabuksan ang pintuan ay nauna pang pumasok ang lalaki sa opisina at kaagad na sumalampak sa sofa.
Napailing na lang si Baxter sa inasta ng lalaki. “Ano naman ang sadya mo dito, Karter?”
Pinag-krus ng lalaki ang kanyang mga binti. “Nasaan siya?” Kumunot ang noo ni Baxter. “Alam ko na nandito si Avalon.” Bumuntong hininga si Karter, “alam na nila na buhay si Avalon at pinaghahanap na siya. Ano ba ang meron sa kanya para habulin pa siya?”
Naupo si Baxter sa swivel chair at sumandal. “Hindi ko alam.”
Napatango-tango si Karter sa natanggap na sagot. “Matalinong babae yon, ano ang ginawa niyang hakbang sa ngayon kung mayroon?”
“Nagsisimula siya ulit sa umpisa. Inaalam niya ang lahat.” Napataas ang kilay ni Karter at napabuntong hininga naman si Baxter. “Nalaman niya nang ibinenta siya ng mga magulang niya.”
“Alam mo ba kung bakit biglang naglaho si Avalon noon at hindi siya mahanap ng kahit na sino kaya inakala nila na patay na siya?” tanong ni Karter makalipas ang ilang sandali ng katahimikan.
Umiling si Baxter dahil kahit na siya ay hindi mahagilap noon si Avalon.
Flashback.
“Magtatrabaho ako sa inyo, wala akong pakialam kahit gaano katagal basta ipangako niyo na po-protektahan niyo siya.” Nilingon ni Kayden ang babae na walang malay at nakahiga sa hospital bed.
“Gagawin namin yon. Malaking tulong ang serbisyo mo na walang kapalit bukod sa pagpapanatiling ligtas kay Avalon.” Tumayo ang lalaking kausap ni Kayden at tinabihan siya saka pinagmasdan si Avalon na wala pa ring malay. “Ang balak namin ay pagmukain na panaginip lang ang lahat ng nangyari.”
Bumaling si Kayden sa lalaki. “Kahit na ano basta ligtas siya.” Tumalim ang mga mata ni Kayden, “pero sa oras na malaman nila na buhay siya at nalagay sa alanganin ang buhay niya, aalis ako kaagad.”
Tumango ang lalaki. “Naiintindihan ko.”
End of flashback.
“Lahat ng iyon ay dahil tinulungan ko si Kayden na magawa yon.”
Pinaningkitan ni Baxter ng mata ang lalaki. “Bakit mo ba ako nagawang traydurin para lang kay Kayden?”
Sumilay ang maliit na ngiti mula sa labi ni Karter.
Flashback.
Takot. Yan ang tanging nararamdaman ni Karter ngayon matapos ang nangyaring pagpatay na nasaksihan nilang mag-ama at ngayon naman ay sila ang hinahabol para hindi makapag-sumbong.
“Takbo, Karter! Wag kang titigil!” Sigaw sa kanya ng ama niya na duguan at nahihirapan tumakbo.
Nilingon ni Karter ang ama at nakita itong napaupo sa sahig habang nanghihina at patuloy ang pag-agos ng dugo nito nang mabaril sa hita at sa balikat.
“Tay!” Handa na lumapit si Karter para tulungan ang kanyang ama pero itinaas nito ang kamay para matigil siya sa paglapit.
“Tumakbo ka na,” napaubo ang kanyang ama. “Bilisan mo!”
Umiling si Karter at napatakbo nang makita ang dalawang lalaki na tumatakbo papalapit. Umiiyak siya habang tumatakbo at nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luha na walang tigil sa pag-agos. Natigil lang siya sa pagtakbo nang makarinig ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril.
“Huwag ka nang tumakbo pa, bata.” Lumingon si Karter sa likod niya at nakita ang dalawang lalaki na may hawak na baril at nakatutok iyon sa kanya.
Hindi na sinubukan pa na tumakbo ni Karter dahil kahit na ano ang gawin niya, mapapatay at mapapatay siya ng mga ito. Akmang pauulanan na siya ng mga lalaki nang may anim na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.
Iniwas ni Karter ang paningin sa dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig at walang buhay. Nahagip ng paningin niya ang isang lalaki na kaedad niya at may hawak na baril.
Nilapitan siya nito. “Ayos ka pa?” Tumango siya ng alanganin.
End of flashback.
“Kaya mo pala ako nagawang traydurin.”
Ngumisi si Karter. “Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin.” Nahagip ng paningin niya ang invitation na nasa lamesa ni Baxter. “Invitation yan ah. Galing kanino?”
Napangiti si Baxter at napailing. “Chismoso ka pa rin. Galing ito sa tagapagmana ng Santiago Estate.”
“Santiago?” Kumunot ang noo ni Karter habang nag-iisip. “Yung pamilya na nawawalan ng anak na babae?”
Tumango si Baxter. “Gusto mo ba sumama?”
“Pass tayo diyan. May inaalagaan akong may topak na nangungulila pero ayaw naman magpakita dun sa dahilan ng pangungulila niya.”
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE
ActionOuting ended tragically. Will she be able to escape from the man who killed everyone just to have her? - This story contains violence, killing and such that is NOT suitable for some readers. Some part might trigger past traumas, phobia, anxiety, an...