Chapter 2

4 0 0
                                    

Hindi lingid sa kaalaman ni Avalon na nanganganib ang kanyang buhay, alam niya rin na kapag nagtagal siya sa labas ay maaring mapahamak ang kanyang buhay.

Hindi niya alam kung bakit alam niya ang daanan papunta sa kinaroroonan niya ngayon. Malapit sa dagat ay may malaking mansyon na napaka-pamilyar sa kanya. Tinitigan niya na lang ang dagat sa kanyang harapan, mapayapa ito, tahimik, tila walang problemang kinakaharap.

Nagpakawala mg buntong hininga si Avalon kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Ngayon ay malinaw na sa kanyang pag-iisip ang nangyari. Ang mga alaala ko na yon ay hindi panaginip, totoong namatay na ang mga magulang ko at yung nakasama ko sa bahay ay hindi ko kaano-ano.

Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa pag-alam ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, hindi niya alam kung saan dapat magsimula. Tila lahat ng kagustuhan at emosyon niya ay nagsama-sama at hindi niya malaman kung alin ang unang pipiliin.

“Kita mo mga naman, hindi ko naman hinahanap pero narito sa harapan ko.” Bahagyang nanlamig ang buong katawan ng dalaga nang makilala ang boses na iyon. Bumalik din sa kanyang alaala ang mga binalak at ginawa nitong taong kaharap niya ngayon.

“Kung papatayin mo ako gawin mo na ngayon mismo.” Muli siyang tumingin sa dagat sa kanyang harapan, bahagya na rin lumalakas ang hangin at nagkakaroon na ng maliliit na alon sa dagat.

Bahagyang natawa ang lalaki at naupo ito sa gilid niya. “Kung gagawin ko yon ay dapat kanina pa na hindi mo alam.” Pinagmasdan din ng lalaki ang dagat. “Bakit ka napadpad dito?” Seryosong tanong ni Baxter.

Kaagad na pinunasan ni Avalon ang pisngi nang may makatakas na luha mula sa mata niya. “A-a lot of things happened.”

Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki habang mataman na nakikinig. “Katulad ng?”

Huminga ng malalim si Avalon, hindi niya na kaya pang pigilan ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata. Hindi na siya nag-abalang punasan ito dahil kahit na gaano karaming punas ang gawin niya, hindi nito kayang tuyuin ang kanyang mga luha.

Malinaw sa alaala niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Baxter ngunit ikinuwento niya pa din sa lalaki ang lahat ng nangyari sa kanya. Hanggang sa kung paano siya napadpad sa tabi ng dagat.

Napatango-tango naman ang katabi at nagpakawala ito ng buntong hininga. “Hindi ka na naman matatahimik niyan.”

Pagak ang tawa na pinakawalan ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya maging sa naging sagot ni Baxter.

“Babe!” sabay silang napalingon ni Baxter sa likuran nila nang may magsalita. Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Avalon na nakatingin sa babae na tumawag kay Baxter.

Napalingon sa kanya ang babae, nakakunot ang noo nito at may pagtatanong sa mga mata nang tumingin ito kay Baxter. “Chill, baby. Isa siyang kaibigan.”

Pinukol siya ng babae ng masamang tingin, bilang ganti ay tinitigan niya lang ito. Biglang nadako ang tingin ng babae sa kanyang braso na may sugat, nasugatan ito nung may nalaglag sa kanya na basag na vase. Marahil ang pagkabasag nito ay sanhi ng bala na pinaulan sa kanila.

“Oh my gosh!” Kaagad na nataranta ang babae nang makita ang malaking sugat ni Avalon. “Dyan ka lang, babalik ako.” Nagmamadaling bumalik ng bahay ang babae, nang wala na ito sa paningin ni Avalon ay hinarap niya si Baxter.

“Babae mo?”

“Noong una, oo.” Huminga ng malalim si Baxter at tumingin mula sa dagat, may sumisilay na maliit na ngiti mula sa mga labi nito.

Agad na kumunot ang noo ni Avalon nang mapansin ang maliit na ngiti ng lalaki. Nawala lang ang kunot ng kanyang noo nang muling magsalita ang lalaki.

“Ang balak ko talaga itulad siya sa mga nauna, patayin pag hindi nagustuhan o kaya naman patayin kapag nakuha ko na ang gusto ko. Tapos bigla na lang akong nagising isang araw at napansin ko na lang na nag-iba ako. Nabago niya ako ng hindi ko napapansin.” Napangiti si Avalon sa narinig at base sa mga sinabi ni Baxter, pinapahiwatig nito sa kanya na inlove ito.

Nang makabalik ang babae ay kaagad nitong nilinis ang kanyang sugat. Tiniis ni Avalon ang hapdi na nagmumula sa kanyang sugat nang buhusan ito ng disinfectant.

Nang matapos ang nag-disinfect ulit ng kamay ang babae at inilahad ang kamay kay Avalon. “Rachel,” pagpapakilala ng babae.

Tinanggap ni Avalon ang kamay ng babae. “Avalon.”

Likas kay Rachel ang pagiging observant, kaagad niyang napansin ang namamagang mata ni Avalon. “Bakit ka umiyak?”

Umurong ang dila ng dalaga at hindi nakasagot. Napabuntong hininga na lang si Baxter at ito na ang sumagot sa tanong ng kasintahan.

Nang masabi ni Baxter ang lahat ay nagpunas ng mata si Rachel at niyakap ng mahigpit si Avalon. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Avalon, wala na siyang natirang luha na iluluha.

“Naguguluhan ka ba kung bakit yon sinabi ng magulang mo?” Tanong ni Rachel.

“Sinong magulang?”

Inipit ni Rachel ang kanyang mga labi at nagmistula itong isang linya. “Y-yung kamamatay lang.”

“Hindi naman ako naguguluhan. Malinaw naman sa alaala ko yung nangyari dati sa totoo kong magulang. Yung kamamatay lang, pakiramdam ko hindi ko talaga sila magulang. Minsan ko na silang narinig tungkol sa trabaho daw nila. Dun pa lang may kakaiba na sa kanila.” Napatango-tango naman si Rachel habang si Baxter ay mataman lang na nakikinig.

“Wala kang matutuluyan. Dito ka na lang muna,” suggest ni Rachel.

Umiling naman si Avalon, “h-hindi na. Nakakahiya sa inyo.”

“Ano? Nakakahiya? No, walang nakakahiya doon. Wala kang pupuntahan, pwede ka mag-stay rito kahit kaano katagal. Kaya ka protektahan ng security rito. At isa pa…” kinagat ni Rachel ang ibaba nitong labi. “alam ko na nag-stay ka na rin dito noon. Hindi nga lang maganda ang mga nangyari.”

Sumulyap si Avalon kay Baxter. “Wala namang problema sa akin yon. Pwede ka mag-stay dito-”

“-at sabay-sabay natin alamin ang nangyayari sa buhay mo,” dugtong ni Rachel.

Napangiti si Avalon, sa panahon na pakiramdam niya ay katapusan na ng lahat, may nakilala siya na tutulong sa kanya.

Who would thought a man from my past, together with his girlfriend, will help me. Tatanggapin ko na lang ang tulong nila, kailangan ko yon sa ngayon.

HEAVEN BY YOUR SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon