Bakit ang tagal nung tukmol nayon? Sabi nya na malapit na sya. Putating naman oh, nang e'scam naman ang damuho.Ako naman itong si tanga naniwala sa tukmol na yon! Lagot ka talaga sakin tukmol ka. Pina pasakit mo talaga binti ko ha!
"Hooy, bubu." Pangiti-ngiti kapa ha. Sige smile kalang dyan.
"Aray!! Oky, sorry na. Aray! Tama na!" Sigaw nya pagkalapit sa akin.
Ha! Asan na ngiti mo tukmol ka!
"Diba sabi ko sayo, walang gaguhan ha. Ayan napala mo tukmol ka!" Saka ko sinabunotan.
Atsaka ako unang umalis, nakasunod lang sakin yung tukmol habang hinihimas-himas ang kanyang tinga.
"Ayy grabe talaga tong Zia kahit mabog-bog ayan sila parin."
"Mabuti natiisan nya yang si K ano. Sus! Kung iba yan baka di na sila aabot nang taon."
"Swerte kamo ang si K na yan, dahil maunawain na gwapo saka talino rin ni Zia. Huh! Goodluck nalang kay Zia napunta sya sa babaeng ganyan."
Oh! Kita mo naman bungad agad sila Marites dito pinag o'ojt-han ko. Hays nakalimotan ko na nandito rin pala sila.
Hindi ko nalang sila pinansin, last day na nang Ojt ko.
"Bubu, sa office ba kayo ngayon?" Tanong nang tukmol
"Oo, last day na namin to. Oh sya mamaya nalang sige na baka ma late kapa. Bye" saka ako pumasok na sa aming pinag oo-jtihan ko na presinto.
Busy lahat nang nandito sa opisina lahat my ginagawa.
Maghapon akong nandon lang sa office. Inuutosan, kaya pagod na pagod ako pagkauwi ko sa bahay.
"Oh, san boypren? Bakit mag isa ka lang. Gabi na ah." Sabi ni mama.
"Ma, kaya ko sarili ko hindi ko kailangan nang alalay." Sagot ko habang hinihimas ang benti ko.
"Tssk, kahit na babae ka parin kahit CRIM yang course mo. Kailangan mo parin ang boypren mo." Tumabi na sya sakin.
"Ma, di kailangan lagi nandyan si Zia para sakin. May ginagawa rin sya, mas busy pa yun sakin dahil sa thesis nila. Ako nito nag hahanda na para sa thesis namin." Hindi ko kung maka ka pasa ba ako nito pero kailangan galingan.
Isang kimbot nalang kaya tiis tiis muna sa pagod.
"Oh sya sabi mo eh, kapag ikaw talaga mapahamak. Ewan ko talaga sayo bata ka. Tigas nang ulo mo." Eh, matigas naman talaga ang ulo kapag malaki na ah! Ito si mama talaga.
Ginawa ko na lahat, tapos na akung kumain at nag half bath narin para naman maaliwalas ang pag tulog ko.
Zia Tukmol Calling...
"Oh, yaman sa load ah. Tawag nang tawag." Yan agad bungad ko pagkasagot sa tawag nya
"Oh, hello.. you're so sweet talaga My Bubu. Kinikilig talaga ako. Huhuhu tssk!"
Natawa ako tukmol talaga.
"Bakit kaba napatawag hindi kaba busy?" Tanong ko.
"Bukas pa ma e-expire ang load ko kaya tatawag ako sayo lagi. Bahala ka dyan." K sabi nya e.
"Oh tapos? Paki ko?"
"Ay ganon ha? Di moko na miss? May iba kana? Di mo na ako lab? Bubu naman e wag kang ganyan. Ano pinag palit mo na ako dyan sa ka workmate mo ha! Wala akung paki if CRIM ang course nyo. Di namn yan papasa sa board exam yang pinalit mo sakin." Oa nitong tukmol nato may pa drama-drama pang nalalaman.
"Alam mo ang issue mo, gusto mo sapak? Ha? Kinalibutan ka nga sa mga pinag sasabi mo! Hirap-hirap na nga ako papasakitin ko naman ang ulo ko. Hoy wag na. Ilang singhot nang katol ba tinira mo ha?"
"Nag jojoke lang Bubu nito. Oh nga pala napatawag ako dahil bukas dito ka sa apartment ko matulog ha. Anniversary naman natin bukas diba?" Ayy ilang taon na pala kami? Tangina naka limotan ko.
"Oh, okay sige. Sasabihan ko si mama." Sabi ko nalang HEHEHE
"Okay, good night. I love you. And please wag matigas ang ulo. Pagod ka kanina kaya ipa-hinga mo na yan wag kana mag wa-wattpad dyan." Tumango-tango ako kahit na di ko naman sya susundin.
Pagkatapos nung tawag saka ko nag basa nang Wattpad story, bahala sya dyan di naman nya malalaman yon eh.
Kinabukasan para akung buhay na bangkay na nag lalakad patungo sa criminology building ang sakit nang utak ko gusto ko pa matulog.
Hindi ko ma alala kung alas 3 o alas 4 na nang madaling araw ako naka tulog. Nakalimotan ko na may klase papala ako. Buti na lang at nag pa alarm ako kagabi.
"Nyare sayo. Okay kalang?" Tanga kita naman sa anyo ko tapos tatanungin parin ako if okay ako? Nabulag naba sya sa ganda ko?
"Okay lang ba itsura ko para sayo?" Mahinahung tanong ko.
"Para sakin hindi para kang galing ospital na 50/50 tapos nag lakad patungo sa school kasi may klase?" Patanong nyang sagot sakin kaya kinunotan ko sya nang noo.
"Kabubuhan mo rin ano. Alam mo na ang sagot tapos e tatanong mo? Gaga ka! Umalis ka mainit ulo ko sayo!" Sigaw ko sa mukha nya.
Kasing tangkad lang kami ni Ancel second name nya yan. Ayaw nya sa Theresa kasi di daw bagay eh ang ganda nung pangalan kinakahiya bubu talaga.
Nagsimula na ang klase pero utak ko ay walang laman. Paano ko lalabanan antok ko e ayaw ko sa kape di ako mahilig doon. At ayaw kung laging magugulatin baka masapak ko lang kutsilyo kapag nagulat ako makulong pa ako kaya pass sa kape.
Hanggang natapos ang klase naka usad ako. Kahit may pa surprise quiz ayun may knowledge parin pala akong ambag.
"Bakit ganyan mukha mo bubu ka? Tigas kasi yan tiisin mo." Bungad na sermon nitong boyfriend ko na tukmol.
"Oh, hello. Musta. Musta ramay naka kain kaba don nang beskwet? Anong palaman?" Napairap ako saka diretso pumasok sa cafeteria.
Nagutom ako sa quiz nagamit kasi knowledge ko ron na naka stock hays.
Matapos maka order saka kami umopo ni Zia sa may bakanting lamesa na pang dalawahan.
Habang kumakain tahimik lang ang tukmol. Problema nito?
"Alam mo naman na mahal kita diba? Pero bakit pina pa feel mo sakin na ganito mo lang ako. Na parang barkada?" Kumonot ang noo ko pinag sasabi nito.
"Hoy, tukmol! Kain na gutom kalang. Nag papalipas kaba nang gutom ha? Kain na dyan." Nasabi ko nalang diko sya gets eh.
"Kung makikipag hiwalay ba ako. Iiyak kaba?" Naka tungo nyang tanong di sya tumingin sakin.
"Teka, seryoso kaba dyan sa mga pinag sasabi mo ha?" Kunot na kunot na talaga ang noo ko
"K, let's break up." Napa nga-nga nalang ako sa sinabi nya.
YOU ARE READING
You're The One
RomanceSPG- SIPAG,PAGOD,GUTOM! *Taglish (pero kunti lang english ko dito bubu alert) START ; MAY 03 , 2022 END ;