"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Wag mong sabihin nasa boypren naman ikaw namamalagi? Kapag talaga ikaw ay nabuntis, anong e-papakain mo sa anak mo? Yung paghaharotan mo dyan sa boypren mo?" Salobong na sermon ni Nanay sa akin pagkatong-tong ko sa amin.
"Ma? Tanghali na tyaka wala akung pasok ngayon. Kaya doon ako nagpahinga sa apartment nya. Wala man kaming ginawang kababalaghan ma." Ang kababalaghan na tinutukoy ko ay yung pag-bubuntis.
Aba alam naman namin ang responsibilidad kapag nabuntis ako at saka hindi ako mabuntis haler. Wala akung Matres char lang.
"Siguraduhin nyo lang yang pinag-gagawa nyo ha. Wala akung pera para sa magiging apo ko. Wala pa akung makukuha na pensyon kasi hindi pa ako senyor citizen 58 yrs. Old pa ako." Ngumiwi ako sa sinabi ni mama
Pagkatapos akung talakan ni mama dumiretso na ako sa kuwarto ko upang kunin ang mga labahin ko.
Walang pasok edi laba-laba time. Kunting tiis at mamaalam kana sa kolohiyo kunting kimbot nalang nang balakang.
"Hooy, babaita? Bakit mo ako iniwan sa pinag-o'ojt-han natin? Ha? Alam mo para akung timang doon kakahanap sayo? Pitong pung puting tupa ka naman. E, wala kabang cellphone para e text man lang ako buba to!" Hays hindi na matapos-tapos na bunga-nga.
"Baka gusto mo isama kita sa mga sinasamapay? Kita mong nagsasampay ang tao dito. Tapos nga-nga ka nang nga-nga dyan? Haler! Bakit ako mag papaalam sayo bubu to. Nandon yung ex mo tumitingin sayo tapos napansin ko na nag pabebe ka. Tssk akala mo naman bergen (virgin) tabi ka nga!" Sigaw ko sa Bruhang bigla-bigla nalang sumugod sa likod nang bahay namin.
"Hooy, gaga kaya hindi ko yun pinansin andon si Calikzus eh, elems ne. Hehehehe" Kinunutan ko lang sya nang noo.
"Tssk! Nangati naman bijay(puke)mo doon? Sus, kung ikaw talaga ma buntis dyan sa kati mong yan akala mo naman mauubusan nang talong. Ewan ko sayo. Di paba nasisira bijay mo?" Taas kilay kung tanong.
"Ay grabe sya ka harsh sakin, may tinatago kabang sama nang loob dyan? Hoy, gaga bunga-nga mo wala namang preno iyan. Hays!" Kamot ulo nyang sabi.
"Oh sya sige alis na ako. Inuutosan pa pala ako ni Papa bumili nang Patis. Ako ata magigisa mamaya pag uwi ko. Inuuna ko kasi ang bla bla bla" parang baliw tung gaga nato nag papa rinig kamo pero hindi ko maintindihan ang sinasabi.
Napailing nalang ako saka ako pumasok sa bahay tapos na akung mag sampay hindi naman karami ang mga nilabhan ko.
Pagpasok ko sa kwarto humilata agad ako sa kama. Ano ba plano ko sa buhay? Ang gusto ko kasi sa ngayon ay go with the flow lang muna.
Ang plano ko kasi pagka-graduate ko ay mag-iibang bansa ako. Mag travel-travel muna bago humanap nang trabaho para ma relax naman ako kahit papano.
Pero pa ano ako mag tra-travel kung butas naman wallet ko? Tanging ina naman panira sa imagination ko ang pera hays.
(Ringtone)
(Weak song)Zia Tukmol 🖤 Calling...
Accept 📞 Cancel❌
Accept sympre si tukmol to eh. Minsan lang tumawag kapag may load.
"Yeow? Zup?" Bati ko kala mo barkada ko pero boyfriend ko to.
"San ka ngayon?"
"Nasa amin? Sa kwarto ko? Bakit?" Bakit patanong vovo naman si ako.
"Okay, nandito ako sa party nang kaibigan ko kuno. Sya na nag insist na kaibigan kami ka yeah, kaibigan na kami." Mahinang tawa nya sa kanilang linya natawa sa sarili nyang abnoyan.
"Oh? Tapos?" Hindi naman sa wala akung paki sa mga whereabouts nya pero diko talaga gets kung bakit sya nag she'share sakin nang ganyan gayung hindi naman ako nag tatanong. G mo yon?
Yung tipong gusto mo pumunta doon sa lugar tapos kailangan pa ipapa-alam kesyo baka magalit ang gf/bf? Haler! Wala ba silang tiwala sa mga nobyo nila?
Oh e, kung wala silang tiwala bakit nila sinagot? Tssk! Diko ma intindihan ang point nung iba. Pero bahala sila kung yan ang kanilang gagawin sa mga boy/girlfriend nila. Pake ko ba?
Pero para sakin hindi ko ginagawa yan sa Tukmol ko kaya mahal na mahal ko to eh kasi may privacy paren kami kahit papa'ano. Nag papaalam lang sya kung may uma-ali'aligid sa kanya--- teka!?
"Natatandaan mo paba si Mirasol? Yung babaeng may crush sakin? Yung maganda tyaka---" hindi ko na pinatapos ang sinabi nya.
Sabi na nga ba eh. Yung abubot nayon.
"Oh, bakit nandyan sya? Anong ginagawa? Hinihimas ba nya yung talong mo?" Tanong ko na nakataas ang isang kilay na akala mo na nasa harapan ang kausap.
"Bubu to! Sayo lang itong talong ko! Sinabi ko lang naman kasi ang daming mga nag pa-picture dito baka makita mo na nandon ako baka lagariin mo leeg ko." Humahalak-hak ako nang tawa sa kanyang mga sinabi.
"Okay, enjoy ka dyan. I love you" tumango- tango ako para akung sirang aso dito.
"I love you too, tulog kana para maka pahinga ka nang mabuti." Saka nya eni-end ang tawag.
Kaya ako kampanti sa mga lakad nya or mga kasama nya kasi ipinaalam nya sakin lahat-lahat kapag may umaaligid-aligid sa kanya. Kahit sinabihan ko na sya na kahit wag na kasi may tiwala ako sa kanya pero sabi nya iba rin daw kapag may alam ako.

YOU ARE READING
You're The One
RomanceSPG- SIPAG,PAGOD,GUTOM! *Taglish (pero kunti lang english ko dito bubu alert) START ; MAY 03 , 2022 END ;