Four

3 0 0
                                    


Please do me a favor guyses! Play a song, a any sad song for this chapter. 🤧

-----+-+-----
Habang tinitingnan ko sya sinusuri ko kasi if his joking or what pero....Wow, grabe ganda naman nito. Anniversary namin tapos break up ang bati sakin? Dahil ba hindi ko tanda ang petsa nang anibersaryo namin oh hindi ko tanda na ngayon iyon? Ewan ko sa point nya nalilito ako.

"Nag jo-joke ka diba? Diba sabi mo doon ako matutulog sa apartment mo nga ako at pumayag na si mama." Pilit kung ngiti habang sinasabi ang mga iyon.

"I just think that, let us leave a space to us I mean cool off lang ganon. Tapos e figure out natin kung anong mali sa relasyon natin. If hindi ka papayag sa break up sige cool off lang muna." His decided already and I don't get it. Bakit napaka determinado nya tingnan?

"Pero bakit? Bakit biglaan? Wala mang notice? Kayaga nang meralco, kapag hindi kapa makapag bayad ay may babala na malapit kanang putulan ganoon. Pero bakit sayo ang agaran naman." Pigil kung sigaw kasi nahihiya ako nasa cafeteria kami.

Bakit dito nya naisipan sabihin sakin to para hindi ako maka-pag scandalo? Pini-presure ako nito na umoo sa gusto nyang breakup or cooloff whatever nya.

"Sawa kana ba sakin? Kaya ka nagka ganyan? Okay naman sakin kung diretsohin mo ako. Total napaka determinado muna akung hiwalayan. Ano? May bago kana ba kaya ka nag bago bigla?" Mahinahon kung sabi pinigilan kung wag ma iyak kaya nasa malayo ang tingin ko.

Ayaw kung tumingin sa kanya. Naguguluhan ako bigla sa kanya. Di ko gets ang mga pinagsasabi nya ngayon. Bakit biglang nagka ganito okay pa naman kami ah. Call-mate pa kami kagabi tapos ito? Wow napaka wow naman.

"Look Kez, wala akung bago. Napag-isip ko lang bigla ito. Naisipan ko lang na ano. Hays.. sige fine wag nalang natin gawin yung iniisip ko. Baliwalain mo--" mukha syang nahihirapan at talagang  hinahanap nya ang dapat na salita pero nang hindi nya mahanap ay hindi ko sya pinatapos.

"Sige, subukan nalang natin. Baka hindi taga tayo. Baka sa susunod na araw may bago kana at ako rin. Let's try, if nakita natin kung anong mali edi okay go with the flow tayo if kaya pang ayusin edi ayusin at kapag hindi na ma... If hindi na ma repair ang relasyon natin wag nalang natin ipilit." Napa buntung hininga ako sa aking huling sinabi.

Hindi ko talaga ma gets kung bakit naging ganito ang takbo nang love-life ko. Mahal ko sya at mahal nya ako pero bakit complekado? Hindi ako mayaman at saka hindi naman sya ganoon ka yaman kayaga sa mga nababasa ko sa Wattpad para... Okay wag na ipilit ang sarili.

Ganon naman lagi kapag ayaw edi wag. Pero baka naman pwede rin naman ipilit diba. Kahit isang bises lang susuko naman kapag hindi talaga e diba.

"Kez, alam mo naman na mahal kita diba? Ginawa ko lang ito para sa relasyon natin. Ilang taon naba tayo?" Doon ako napatingin sa kanya. Oo nga ilang taon naba? Hindi ko naman alam  na dapat pala bilangin ang mga araw at buwan na mag ka relasyon kami.

Required ba talaga ang ganon? Pero bakit may ganon pa? Hindi ba pwede na pumasok ka sa relasyon na walang hindi iniintindi kung kailan naging kayo oh every month na naging kayo hanggang sa anibersaryo ninyo? Hindi ko gets e. Eto ba ang iniisip nya? Kaya nya naisipan bigla ang maki-pag break?

"Basihan ba ang petsa kung kailangan kita sinagot? Eto ba ang dahilan mo? Kaya ka maki-pag Break bigla? Oh may iba pa?" Pilit ko pang hinanapan nang ibang dahilan.

Hindi ko kasi matanggap at hindi ko kayang tanggapin. Hindi sya kontento sa ibinibigay ko sa kanya kung ganon. Nakulangan ba sya sa pag-mamahal ko?

"Naging kontento kaba sa mga ipinapakita ko sayo? Kulang ba ang ibinibigay kong mga aksyon? Oh hindi kalang talaga kontento sakin?" Sumisikip  ang dibdib ko sa huling salita na sinabi ko.

(Ringggg..)

Iniligpit ko na agad ang mga gamit ko.  Saka ako unang tumayo sa kanya.

"Una na ako sayo. Mamaya nalang natin yan itutuloy ang usapan." Nagawa ko pang ngiti sa kanya na parang wala lang.

Hanggang sa natapos ang klase ko ngayong araw ay parang pinuproseso nang maigi ang utak ko sa mga nangyayari. Bakit biglaan naman ata?

Ilang taon naba kami? Bakit biglang naging ganito? Bakit? Bakit ba nangyari to? Nag bago naman ata sya bigla. Ano ba ang rason nya bakit nya ako pinapa-isip nang ganito?

Nakauwi na ako hindi ko sya nakita sa campus. Hindi nya man lang ako hinintay at hindi man lang nya hinintay matapos ang anniversary namin. Talagang atat sya na maki-pag break sakin.

To: Zia Tukmol ❣️

Naka uwi kana ba?

Sent!

Bago ako umuwi nang bahay kanina ay pumunta muna ako sa tindahan nila ate Daisy para maka pag load nang unli. Kasi hindi ko feel na makipag usap sa kanya nang harapan. Baka makita nya ang pag iyak ko na ayaw na ayaw kung makita nya yun.

Pag ka sent nang message ay sinubukan kung e ring ang cellphone nya.

(Ring.. Ring... Ring..) sa  ikatlong ring ay sinagot narin nya.

Napakatahimik nang sa kabilang linya. Parang tenatansya kung sino ang mauna. Ako ba o sya parang ganon.

"Hello? Kez?"  Yep, Kez. Naka ka panibago sa pandinig ko ang pangalan ko kapag sya ang tumawag. Hindi ako sanay. Natatawa ako sa sarili kung iniisip.

"Hi, Ezia. Ano? Ahemp... yung pinag-usapan natin kanina sa cafeteria?

"Sigurado kaba dyan? Kung hindi mo gusto yung naiisip ko pwede naman natin--"

"Hindi, ituloy natin. Hindi mo yun maiisip kapag wala kang nakikitang mali doon... Sa re-.. sa relasyon natin." Ayaw kung  umiyak maki-sama muna kayo luha.

"Hindi ko maiisip na maging ganito tayo bigla, Zia. Wala akung... Hindi ko ito nakikita at hindi ako nakapag handa sa ganito. Na magiging ganito tayo. Na aabot tayo sa ganito. Wala akung ka idea na may ganito pala tayong ha-hantungan."  I noticed my voice cracked while saying.

Kaya tumikhim ako para hindi nya mahalata na malapit na talaga akung maiyak. Ayaw ko munang umiyak.

"I'm sorry, sorry kung hindi ko nakaya. Hindi ko nakayanan pa. I'm sorry dahil napagod ako bigla. Baka pwede natin ito pag usap sa personal, Kez?"

Umiiling-iling ako na parang nandito lang sya sa harap ko. Hindi-Hindi ko kayang makita nya akong maging ganito.

Ayaw kung makita nya akung naging ganito. Ayaw kung makita nya akong nanghihina sa harapan nya.

Ayaw kung makita nya ako sa huling ala-ala naming magkasama. Ayaw kung masama nya ito sa huling ala-ala naming dalawa.

"Ok lang ako sa ganito, Zia. Pwede naman tayo mag usap sa ganitong paraan... Alam kung desidido kana at saka nirerespeto ko iyon."

Kahit sa totoo lang ay ayaw kung sumunod sa gusto nya ngayon. Ayaw kung sumang-ayon sa kanyang desisyon. Pero iba talaga ang lumalabas sa bibig natin e. Parang alam nya kung ano ang salitang dapat ilabas.

You're The OneWhere stories live. Discover now