13

450 11 1
                                    

Nanghihinang umupo ako sa nakalagay na mga upuan sa labas ng convenience store. Kakatapos ko lang kausapin si Johan at sinabi niya sa akin na huwag daw akong aalis sa kinatatayuan ko dahil pupuntahan niya ako. Itiningala ko ang ulo ko at pinagmasdan ang medyo malakas na pagbuhos ng ulan. I can't help but to think na sumasang ayon ang nararamdaman ko sa panahon. How coincident that it is raining while I am feeling a bit down because of what happened between me and Kali?

I silently wiped the tears that is continuously falling from my eyes. I know that somethings isn't right with me anymore but I can't pinpoint what it is. All I know is that I am at fault kapag nag-aaway kami ni Kali. The relationship that we have isn't perfect and that made me stay pero bakit parang may nagsasabi sa akin na dapat matagal na akong umalis. 

Ilang oras pa ang naging paghihintay ko doon hanggang sa may humintong black na Montero Sport sa harap ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara nito kaya minabuti kong tingnan kung sino ito at nakita na si Johan ito. He is holding a bright yellow umbrella that could fit both of us. May dala din siyang cardigan na kasing kulay ng payong na alam kong sa kanya.

Nang makalapit siya ay agad niyang isinukbit sa balikat ko ang dala niyang cardigan kaya inayos ko naman ang pagkakasuot ko dito. Nararamdaman ko ang kalkuladong pagtingin niya na animoy nag-iingat siya sa mga kilos niya. I looked at him and I can't help but to feel relief and peace. Before my eyes would shed a tear, I looked away from him and sighed.

"Thanks for coming." mahinang saad ko matapos kong masuot ng maayos ang cardigan na dala niya.

"Naghintay ka ba ng matagal?" tanong niya at umiling naman ako.

"Okay lang. Alam ko namang malayo 'tong lugar na 'to." sagot ko at tumango naman siya. 

"Tara na?" aya niya at tumango naman ako bago tumabi sa kanya para makasilong sa payong na hawak niya.

I am really glad to have Johan in my life. If my younger self is watching me right now, she probably is sneering and scoffing right now. Sino ba namang mag-aakala na darating ang araw na magkakasundo kami ni Johan? Heck, he even became my go-to person. 

Pero kaakibat ng pasasalamat ko na laging nanydan sa tabi ko kapag kailangan ko siya ay ang takot ko na baka ako ang sumira sa kanya. Everyone knew how I always drag the person close to me to destruction. Alam kong hindi rin magtatagal ay masisira din siya katulad ko. As much as I want to save him from me, I also need him to be with me. Kasalanan ko bang humingi ng karamay?

"Bakit ka ba napunta dito? From the sound of your voice nung tinawagan mo ako, para kang umiiyak. I won't accept any lies, Carson. Kilala kita." saad niya habang dahan dahan na nagmamaneho.

Pilit kong kinakalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Kali kanina ngunit alam kong hindi papayag si Johan ng hindi niya nalalaman kung ano ang totoong nangyari. I am clearly at fault here. I shouldn't have said what I have said earlier. Minsan na nga lang kami magkita tapos ganon pa ang magiging trato ko sa nobyo ko. That thought repeats in my head over and over again. Parang nakaprogram at sirang plaka sa utak ko.

"I met Kali here because he needs me to get something from him." mahinang saad ko na alam kong narinig niya.

"Tapos?"

"We fought because of me being stupid. Kaya nagalit siya at iniwan ako. He wasn't supposed to be with me but yeah, he left." sabi ko at yumuko.

"How is that supposed to be your fault? Iniwan ka niya dito. Hindi ba siya nag-iisip? You could be in danger here lalo na't hindi mo kabisado ang lugar na ito." galit na saad niya.

"Hindi naman niya kasalanan kung bakit niya ako iniwan doon. I triggered him about something." rason ko at bumuntong hininga naman siya ng malakas.

"Are you sure that your relationship with Kali is fine?" 

Destroyed (Montenegro Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon