34

512 9 0
                                    

Pagpasok ko ng isang bar ay agad akong sinalubong ng normal na scenery nito. Malakas na tugtog, strobing lights, maraming taong nagsasayawan at iilang mga natatapong inumin. It is my usual kind of scene but somehow there's something weird about it. Yung tipong parang hindi na ako sanay na pumunta sa ganitong lugar.

Saglit kong inisip kung kailan ang huling punta ko sa ganitong lugar pero agad itong nawala ng nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pigura pero hindi ko ito nasundan.

"Carson, doon tayo." napatingin ako sa nag-salita at nakita na si Irish ito. 

Hawak-hawak niya ang kamay ko at hinila patungo sa kung saang lugar. Luminga linga ako sa paligid na parang may hinahanap na isang bagay o tao. I was greeted by my friends at agad nila akong binigyan ng isang inumin.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin hindi ka na pupunta." saad naman ni Brielle sa akin.

"Medyo nalate lang."

Sumimsim ako sa inuming binigay nila at saglit na inikot ang mga mata ko sa paligid. Tumigil ito sa isang pamilyar na pigura na may kasayaw sa gitna ng dancefloor. They are too close for my liking and I feel like I should do something about it. Nanatili ako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko bago ko ibinaba ang inumin ko sa isang high table at nagpasyang lumapit.

Nang medyo nakalapit na ako ay bigla naman akong napatigil dahil sa gulat ng biglang halikan ng babae ang kasayaw nito. Saktong nandon ako sa kinatatayuan ko ng tumama ang ilaw sa mukha ng lalaking kahalikan ng babae. Agad kong namukhaan ang side profile nito at nakitang si Johan ito.

Tila nabasag ang puso ko kaya minabuti ko ng lapitan silang dalawa.

"You told me that you are doing something. Ito pala ang ginagawa mo?" bungad ko sa kanilang dalawa.

Napahiwalay naman sila at napakunot ang noo ko ng mag-smirk pa ang babae sa akin bago bitawan ang kapit niya kay Johan.

"You need to calm down, Carson." inilipat ko ang atensyon ko kay Johan.

"Nakita kitang may kasamang iba and you want me to calm down! Are you for real?!" malakas na saad ko.

Wala na akong pake kung ang ibang mga sumasayaw sa dancefloor ay tumitingin na sa gawi namin. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at hinila palayo at palabas ng mismong bar.

"Ano ba, Johan?! Bitawan mo ko nasasaktan ako!" saad ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

But he was so strong so kahit anong tanggal ko sa kamay niya ay lalo lang itong humihigpit. Napadaing ako ng hinigpitan niya pa ang pagkakahawak nito na halos hindi na makadaloy ng maigi ang dugo ko. Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko.

What is happening? Why is this happening?

"You are causing too much drama! You are too sensitive! Ang mga naging girlfriend ko naman ay okay na mag-bar ako!" saad niya sabay marahas na bitaw sa aking mga braso.

"Hindi naman kita pinipigilan sa kung anong ginagawa mo?" hindi siguradong argumento ko.

"You are, Carson! You are suffocating me! Atsaka bakit ka nandito? I told you I don't need you here! Masyado kang praning over nothing!" frustrated niyang saad.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa huling alala ko ay tinext niya ako para pumunta sa bar na ito. 

"But you texted me earlier." 

"I don't remember doing that! You are making up stories again! Laging ganito na lang ba tayong dalawa? Lagi kang walang tiwala sa akin kahit naman wala akong ginagawang masama!" 

Destroyed (Montenegro Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon