07

545 14 0
                                    

"Bye Mommy!" paalam ko habang pababa ako ng hagdan para makalabas na at makapasok na sa eskwelahan.

"Wala ka na bang nakalimutan!" rinig kong sigaw ni Mommy galing sa kusina. Dahil sa paalala ni Mommy ay agad kong tiningnan ang laman ng bag ko para sa kung ano pang nakalimutan ko. 

"Yes po, wala na po akong nakalimutan! Bye po!" sigaw ko. "Bye, Lolo!" niyakap at nagpaalam ako kay Lolo ng makasalubong ko ito sa labas na nagdidilig ng halaman.

"Ingat, apo." saad niya. I turned around and blew a kiss towards his way before entering Kali's car na saktong kararating lang ng bumaba ako galing sa kwarto.

"Hi, love!" masayang bati ko sabay halik sa pisngi niya. Nadatnan ko siyang nagcecellphone at naputol ito ng binigyan ko siya ng halik sa pisngi. He smiled at me before giving me a kiss on my cheeks as well as a sign of greeting.

"Hinatid ka naman ba ng maayos ni Uno kahapon?" tanong niya habang kinakabit ko ng maayos ang seatbelt ng sasakyan niya sa akin.

"Oo naman. Para ka namang walang tiwala kay Uno. He's my friend too." saad ko na hindi naman niya sinagot kaagad dahil nagfocus siya sa pagdadrive.

"I didn't say that I don't trust him. Tinatanong lang kita." sagot niya sa akin kalaunan. I look at him questioningly before brushing away my confusion.

Limang buwan na rin ang nakalipas simula ng araw na ipinakilala ko si Kali kay Mommy. Naging mabilis ang takbo ng panahon at hindi ko namalayan na malapit ng matapos ang semester para sa pangalawang taon ko sa kolehiyo. Sa loob ng limang buwan na yon ay masasabi kong mabait at masugid na boyfriend si Kali. 

Tuwing umaga niya ako sinusundo sa bahay dahil nagkasabay ang schedule namin ngayong semester. Wala naman akong narinig na kung ano kay Mommy tungkol dito o baka minabuti niya nalang sarilinin ang komento because so far, Kali has been great for me.

Lagi din kaming sabay kumain tuwing nagkakasabay ang lunch break namin. Hindi ko akalain na sobrang maalagain siyang tao dahil iba ang pinapakita niya sa mga nakakakilala sa kanya. Hindi rin naman siya ganon nung una ko siyang nakilala base sa mga naririnig ko. He's such a different person in the whole duration of our relationship and that made me love and appreciate him more.

Alam kong sobrang bilis ng pagdevelop ng pagmamahal ko sa kanya but I guess ganon talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao. Mabilis, hindi mo inaasahan at sobrang saya na para kang nakalutang sa alapaap.

Kalat sa buong campus ang relasyon namin dahil una, sikat siya bilang anak ni Governor Perez. Pangalawa, usap usapan na rin noon ang matagal niyang panliligaw sa akin. Maraming natuwa dahil sa naging relasyon namin at namangha sila dahil naghintay ng ganon katagal si Kali na hindi naman siya ginagawa sa mga nililigawan niya noon. Marami ring hindi nasiyahan dahil maraming may gusto kay Kali at marami ring may ayaw sa kanya dahil sa mga nakaraang relasyon niya. 

Hindi na naman naging bago sa akin ang ganitong isyu dahil simula pa lang ng naghigh school ako ay lagi akong nadadawit sa mga isyu na ang iba ay wala pa akong kaalam-alam. 

"Hindi kita masasabay ulit mamaya pauwi. May gagawin kami ng mga kagrupo ko sa isang subject." pagbibigay alam niya sa akin habang tinatahak namin ang daan patungong campus.

"Okay lang. Nag-aya sila Lynette na gumimik mamaya kasi weekend naman kaya sasama ako." sabi ko at napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi ba pwedeng hindi ka pumayag?" reklamo niya at nahihimigan ko na ang inis niyang tono. May nararamdaman akong mangyayari pero agad ko itong binalewala.

"Tinanggihan ko na kasi yung aya nila nung isang linggo. You know them, Kali. Minsan ko nalang din makasama ang mga yun dahil gagraduate na sila next semester." saad ko.

Destroyed (Montenegro Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon