27

462 8 0
                                    

Matapos ng naging sagutan namin ni Kali ay agad akong pumara ng sasakyan para makauwi sa amin. Napansin ko naman ang sasakyan niya na nanatili kung saan niya ito pinarada habang palayo ako. Hindi ko alam kung bakit magaan ang naging pakiramdam ko sa naging paghihiwalay namin na ito.

Yung tipong para akong nakawala sa matagal na pagkakakulong na ginhawa. Ibang iba din ito sa mga naging paghihiwalay namin noon. Ngayon feeling ko permanente na ito at hindi na ulit pa babalik si Kali upang humingi ng tawad sa akin o magmakaawa na tanggapin ko siyang muli.

"Iha, ang bilis naman ata ng naging paglabas niyo." salubong ni Mommy sa akin ng makauwi ako.

"May emergency po agad si Kali kaya naging mabilis lang din." sabay ngiti ko at tumango naman siya.

"Kung ganon, pwede mong samahan ang Lolo mo ngayon sa golf course." utos niya.

"Bakit pa, Allegra? Kaya ko namang mag-isa. Hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa akin." rinig kong reklamo ni Lolo at mukhang galing siya sa kwarto niya.

"Para ito sa ikakapanatag ng loob ko Papa. Come on, hindi ka naman pakikialaman ni Carson don. Gusto ko lang na may kasama ka na maaaring magkontak sa akin agad kung sakaling may mangyari sayo na hindi natin inaasahan." paliwanag ni Mommy.

"Tinuturing mo naman akong bata kahit hindi naman ako bata." 

"Ayaw niyo po ba akong kasama Lolo?" medyo nagtatampo kong saad.

Halos matawa ako ng magulat si Lolo sa sinabi ko. He always has a soft spot for his grandchildren especially me. Laging sinasabi nila Tita Mylene na paborito ako ni Lolo dahil matagal rin niya akong hindi nakita. I denied it everytime but I know deep down that it is true.

"Hindi naman sa ganon, apo. Ang akin lang dapat hindi mo na sinasabayan ang ka-OAhan ng nanay mo. Atsaka mabuburyo ka lang don." argumento niya.

"Okay lang po, Lolo. Pwede din naman akong makipagpustahan sa mga kaibigan mo." hamon ko at natawa naman ito.

Saglit siyang nag-isip bago naghayag ng pasya niya.

"Osya, halika na at tumulak na tayo. Alam mo naman ang mga kaibigan ko at kakantiyawan na naman ako kapag nalate ako." mabilis niyang saad.

Napangiti naman ako at sumundo kay Lolo na patungo na sa nakaabang na van para maghatid sa amin sa golf course na pupuntahan niya. Pero bago ako makaalis ay hinawakan ni Mommy ang braso ko.

"Bantayan mo ang Lolo mo, Carson. Ayaw ipaalam ng Lolo mo sayo but he was brought to the hospital last week nung wala ka dito." mahinang saad ni Mommy.

"Umatake na naman po ba ang sakit niya?" tanong ko at umiling siya.

"Your Dad came here last week. Hinahanap ka. I guess, hindi mo nasabi na magbabakasyon ka kasama si Kali at Johan. Your Lolo is furious about him coming here. Lalo na't medyo napagod ito ng makihalubilo sa mga pinsan mo." kwento niya.

Pinagmasdan ko ang ekspresyon ng mukha ni Mommy. Walang bakas ng katiting na pagmamahal para kay Daddy ang sumilay sa mukha niya. Akala mo hindi sumuway sa kagustuhan ng magulang nung tamaan ng pana ni kupido. Parang naglaho ng parang bula ang pagmamahal niya kay Daddy.

I guess kapag nagsawa ka na sa pagmamahal na alam mong wala namang patutunguhan ay ganito ang mangyayari sayo. Masakit sa una pero matutunan mo ring gawing alaala na lang ang pag-ibig na kahit alam mong pinaglaban mo ay hindi talaga para sayo.

I wonder if I would ever be in the same state as her in the future. I wonder if I could ever love someone or be as content as my Mom in the future.

"Just keep a close eyes on him. Bisitahin mo din ang Daddy mo sa linggong ito bago ka pumasok sa Monday." bilin ni Mommy.

Destroyed (Montenegro Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon