Hila hila ako ni Denice palayo sa Garden Party ng Cervantes. wala akong ideya kung bakit niya ako hinala palayo doon. nahihirapan din akong mag lakad dahil malaki na ang tiyan ko at kabuwanan ko na. para bang hindi ako buntis kung makakaladgad siya sa sakin. Nang makalayo kami sa maraming tao marahas niyang binitawan ang braso ko.
"Denice! May problema ba?" Naguguluhan kong tanong.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. kaibigan ko siya pero ramdam ko ang unti unti niyang pag babago.
"Wag na tayo mag gaguhan Lex. paano mo natitiis?" Galit niyang sigaw sa akin.
Hindi ako makapaniwala na sinigawan niya ako. hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at mas lalong hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin.
"Den, may problema ba tayo?" Mahinahon kong tanong at akmang hahawakan siya nang bigla siyang lumayo sa akin.
"Hindi mo pa rin sinasabi kay Aldraide?" Nanlaki ang aking mata ng maintindihan ang kaniyang tinutukoy.
"Den, n-napagusapan na n-natin 'to d-diba?" Nauutal kong sambit.
Nginisihan niya ako at umiling. "Ayokong mag tago ng isang kriminal." Malakas na sigaw niya.
Natakot ako na baka may tao sa paligid at marinig kami.
"Den, Alam mo ang t-totoo. alam n-natin ang totoo." Mahina kong sabi.
"Bakit hindi mo magawang sabihin kay Aldraide?" May pag hahamon ang kaniyang tono.
Umiling ako, nanggigilid na din ang luha ko. "Ayoko, h-hindi na niya kailangan pa m-malaman." At tuluyan ng tumulo ang aking luha.
"Bakit? Natatakot ka bang iwan ka? Pag nalaman niya ang ginawa mo sa kapatid niya?" Matapang na sabi niya. Napatingin siya sa aking likuran at may ngising sumilay sa kaniyang labi.
"Natatakot ka bang sabihin kay Aldraide na ikaw ang pumatay sa kapatid niya!" Sigaw niya.
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. gusto ko matawa dahil alam niya ang totoo. Pero ano ang sinasabi niya ngayon? Nandon siya nung nangyari yun. saksi siya kung ano ang totoong nangyari. Tapos sasabihin niya na ako ang pumatay?
Nakalimutan naba niya na ako ang gustong patayin ni Andrea? na ako ang muntik ng itulak sa rooftop ng school pero dahil naka ilag ako, si Andrea ang nahulog.Sa sobrang takot na masisi ako. tinulungan ako ni Denice na mag tago, pero mas lalo akong natakot ng may makita kaming isa sa mga schoolmates namin na mukhang nakita ang buong pangyayari. hanggang sa mabalitaan ng buong campus na nag pakamatay si Andrea na kusang tumalon sa Rooftop.
Nakonsensiya ako at gusto kong sabihin ang totoo. Pero pinigilan ako ni Denice dahil makukulong daw ako. kaya wala akong nagawa kundi manahimik na lang at hanggang ngayon kinakain pa rin ako ng konsensiya kahit wala naman talaga akong kasalanan.
"Lexin?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pamilyar na boses. hindi ako makagalaw sa takot. narinig ba niya? sana hindi. kasi hindi pa ako handang sabihin ang lahat. baka magalit siya sa akin at iwan ako. Hindi ko kaya...
"Lex, please! Sabihin mo na ang totoo kay Aldraide. he needs to know the truth." Nag iba ang tono ni Denice na para bang nag mamakaawa siyang umamin na ako.
Pero ano ang aaminin ko? kaya ko naman sabihin kay Aldraide ang totoong nangyari. Pero hindi ko kayang sabihin na ako ang pumatay sa kapatid niya dahil hindi naman yun totoo. alam namin kung ano ang totoo. Kaya bakit kailangan gawin sa akin ito ni Denice? At ang masakit pa kaibigan ko siya.
"No!" Malakas na sigaw ko. pero agad din natauhan nang mapag tanto na mali ang naisagot ko dahil iba ang magiging pagkaintindi nila sa naging sagot ko. Para na rin inamin kong ako nga ang pumatay.
"Bakit Lex, bakit ayaw mong aminin na pinatay mo ang kapatid niya."
"Did you kill my sister?" Nakakatakot ang boses ni Aldraide kaya mas lalo akong naiyak. Hinarap ko siya, malamig ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Parang nanlambot bigla ang tuhod ko. Hindi ako sanay na tinitiningnan niya ako ng malamig at hindi nakikita ang pag mamahal niya sa akin.
"No-"
"Wag kana mag sinungaling Lex!" Sabat ni Denice
Hindi ko pinansin si Denice at sinubukan na hawakan ang kamay ni Aldraide pero agad siya umatras.
Nasaktan ako sa inasta niya.ano to? wag niyang sabihin na naniniwala siya kay Denice?
"Hindi, h-hindi ko p-pinatay si Andrea." umiiyak na sabi ko.
"Pinatay mo siya, tinulak mo siya kaya siya namatay." Si Denice na naman.
"Shut the fvck up Denice, kaibigan kita pero sinisira mo ako. " Malakas na sigaw ko kay Denice.
"You're right, she's your friend and she won't say that if it's not true."
Nakaramdam ako ng galit dahil sa sinabi ni Aldraide. ano yun? Naniniwala siya kay Denice? hindi man lang niya ako hahayaan na sabihin ang totoo?
"Hindi totoo-"
"Pinatay mo, kitang kita kong itinulak mo siya kaya siya nahulog." Pag putol sa akin ni Denice.
Kitang kita ko ang pag kuyom ng mga kamao ni Aldraide, hindi na ako nakapag salita dahil sa takot.
"Tinulak mo siya, dahil naiingit ka sa kaniya. Dahil palaging mataas ang score niya sayo. Dahil palagi siya ang pinupuri ng mga Prof. natin." Patuloy pa rin ni Denice at hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga kasinungalingan na sinasabi niya.
Ang malalamig na mata ni Aldraide ay napalitan ng galit. Nag ngangalit din ang kaniyang panga.
"Babe, please! Don't believe her." Umiiyak na pakiusap ko. At sinubukan ulit na hawakan siya pero umiling siya at umatras.
"Kanino gusto mong maniwala ako? sayo?." Galit na sigaw niya. Napaigtad ako sa gulat at napahawak sa malaki kong tiyan. parang kinurot ang puso ko dahil Ito ang unang beses na nasigawan niya ako.
"Hindi ako makapaniwalang minahal ko ang babaeng pumatay sa aking kapatid." Galit na sabi niya. nakita ko ang pag tulo ng luha niya bago ako talikuran at nag lakad paalis.
"Aldraide!" Malakas na tawag ko at kahit nahihirapan, Pinilit kong makatakbo para mahabol siya. pero hindi ko pa rin siya maabutan dahil masyadong mabilis at malalaki ang hakbang niya.
Hanggang sa makalabas kami at nakita ko siyang pasakay na sa kaniyang kotse.
"Aldraide!"
Mas binilisan ko pa. Pero mabalis na humarurot ang kotse niya paalis. hindi pa rin ako tumitigil sa kakatakbo. Sumasakit na din ang tiyan ko kaya mas lalo akong napapaiyak.
Hindi ako makapaniwalang maniniwala siya kay Denice at iiwan ako. iiwan kami ng anak niya.
Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa gitna ng kalsada kakahabol sa sasakyan ni Aldraide.Pero bago pa ako makatabi naramdaman ko ang malakas na salpok ng sasakyan sa aking likuran.
Tumilapon ako at malakas na tumama ang aking ulo sa bato hanggang sa mag dilim ang aking paningin.
YOU ARE READING
The Garden Of Pain
RandomSi Lexin Sagonoa Alcano ay secretary ng isang kilalang kumpanya sa pilipinas. Para sa kanya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo. Dahil nag kagusto sa kaniya ang lalaking palihim niyang minamahal. But everything is only temporary...