CHAPTER 3

0 0 0
                                    


Imbis na makaahon ako sa pagkakahulog mas lalo akong nalunod dahil sa ginawa niyang pag amin.
Ilang araw na simula nung umamin siya sa akin.
Hindi pa rin ako makapaniwala at parang panaginip lang ang lahat. Walang mapag lagyan ng saya ang nararadaman ko. natupad na ang pangarap kong magustuhan ng lalaking pinapangarap ko.

Kaya sa bawat araw na pumapasok ako lagi akong may baon na ngiti sa labi. Minsan nga nag tataka na ang ibang empleyado dito na nakakakita sa akin dahil kahit nag lalakad nakangiti pa rin ako na parang nanalo sa lotto. Pero kung alam lang nila na higit pa do'n ang napalanunan ko baka maiingit sila.

Nawala ang ngiti ko nang may tumapat na isang babaeng mistisang assumera.

"Yes, miss?" Tanong ko na may pekeng ngiti.

"Where's Aldraide?" Mataray niyang tanong.

"Do you have an appointment with Mr. Levasco?" Tanong ko at kitang kita ko kung paano tumirik ang mata niya sa pag irap.

"have you forgotten that I'm his girlfriend?"

Napa O ang bibig ko kaya nakita kong mas lalo siyang nainis.

Kaya mas ginanahan akong inisin siya.

"Hindi kita nakalimutan." Nakangiting sabi ko. "Pero nakalimutan ko atang ikaw ang girlfriend niya. or should I say, nag papanggap na girlfriend niya." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at nag ngalit ang mga ngipin habang galit na nakatingin sa akin.

"How dare you!" Galit na sigaw niya at umangat ang kamay niya papunta sa pisngi ko. pero may kamay na humawak doon. tumingin ako sa taong pumigil sa kamay niya para sana sampalin ako. at napaawang ang bibig nang makilala, walang iba kundi ang lalaking mahal ko.

"Aldraide!" Mahinang usal ng mistisang babae.

"You have no right to hurt my woman." Matigas na sabi ni sir Aldraide habang seryosong nakatingin kay mistisang babae. 

Halatang nasaktan ang mistisang babae dahil sa sinabi ni sir Aldraide habang ako hindi makapaniwalang kaya niyang  sabihin yun sa mismong pag mumukha ng babae.

Pinilit alisin ng babae ang kamay niyang hawak hawak ni sir Aldraide nang maialis niya medyo lumayo siya at galit na tiningnan si sir Aldraide.

"She insulted me!" Sigaw niya. Alam kong napapatingin na din sa amin ang ibang empleyado. "Tapos siya pa ang kakampihan mo?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Umalis ka na." Maotoridad na utos ni sir Aldraide. Tiningnan niya ako ng masama pati si sir Aldraide bago mag martsa paalis.

Tumingin sa akin si sir Aldraide. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng office niya.
Nang makapasok kami ni-lock pa niya ang pintuan bago ako harapin.

"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Nag aalalang tanong niya habang hinahaplos ang aking pisngi. umiling ako at hindi makapag salita dahil sa lakas ng tibok ng aking puso.

Mahigpit niya akong niyakap at para na yata akong natuod. Hindi ko alam ang gagawin ko ni iangat ang kamay ko para yakapin siya pabalik hindi ko magawa.

"I'm sorry, sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit sa'yo."

Parang may mga paro parong nag liliparan sa loob ng tiyan ko. sobrang lakas ng tibok ng puso ko at ganon din ang naririnig ko sa kaniya. hanggang leeg niya lang ako at nakatapat ang tenga ko sa dibdib niya.
sobrang bango niya at nakaka adik amuyin. akmang yayakapin ko na sana sya nang humiwalay siya. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at walang pasabing inangkin ang aking labi. mabilis kong tinugon ang halik niya at walang pag aalinlangan na pinulupot ang aking braso sa kaniyang batok.


Ang kamay niyang nasa pisngi ko bumaba papunta sa bewang ko at mas dinikit ako sa katawan niya.
Nakaka adik ang halik niya kaya sa tuwing hinahalikan niya ako lagi akong nawawala sa sarili.

Nag lakad kami papunta sa sofa na hindi napuputol ang aming labi. nang makarating kami, umupo siya kaya kumandong ako sa kaniya paharap. Umangat ang fitted dress ko at buti na lang may cycling ako.

Lumipat ang halik niya sa panga ko pababa sa leeg ko.

"Ahh!" I moaned

Mas lalo ata akong nabaliw sa pag halik niya sa aking leeg lalo na pag nararadaman ko ang dili niyang humahagod sa leeg ko kaya mas napaliyad ako. .

"S-sir.... Oh!" Malakas na ungol ko nang sipsipin niya ang bandang collarbone ko, naigalaw ko ang pang upo ko dahil sa nakakakiliti niyang ginagawa pero agad din natigilan nang maramdam ang pamumukol doon.

"Fvck! Don't move Lexin." Frustrated niyang sabi at tumingala.

"S-sir." Gulantang kong tawag, kitang kita ko ang pag galaw ng kaniyang lagukan at marahas ang pag hinga niya. Tinanggal niya ang kamay sa aking bewang na ikinabahala ko.

"Leave!" Utos niya na nakatingala pa rin. Hindi ako gumalaw at nanatili pa rin sa kaniyang kandungan.

"Get out, Lexin." Malakas na utos niya.

"A-ayoko." Pag mamatigas ko.

Tumingin siya sa akin, at kitang kita ko ang mga mata niyang madilim habang nakatingin sa akin.

"Pag bilang ko ng tatlo at hindi ka pa umalis. Hinding hindi kana talaga makakalabas." May pag babanta ang boses niya.

"One."

Nag umpisa na siya mag bilang pero nanatili pa rin ako sa kandungan niya.

"Two!"

Mukhang nauubusan na siya ng pasensya dahil sa sobrang lalim ng kaniyang boses. pero hindi ako nakakaramdam ng takot. Umalis ako sa kandungan niya at tumayo sa harapan niya. Gumalaw ang panga niya at mas lalong nag dilim ang tingin sa akin.
Akala niya siguro aalis ako pero iba ang nasa isip ko.

Itinali ko ang mahaba kong buhok nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. napalunok siya habang pinapanood ako. nang matapos, ngumiti ako sa kaniya.

"Three." Ako na ang tumapos sa pag bibilang  at sinunggaban ang kaniyang labi.




The Garden Of Pain Where stories live. Discover now