"Sir here's your schedule meetings for today. " sambit ko habang pinipirmahan niya ang mga dukomentong nasa table niya. "Lendora KD, 11:00 AM sa Restaurant Vientoc. ECF Company, after lunch. and dinner meeting with Mr. Feladega." Pag babasa ko. Tapos na ako pero hindi pa rin ako umaalis sa harapan niya.
Naramdaman niya ata na wala akong balak umalis kaya tumigil siya at nag angat ng tingin sa akin.
"Do you have anything more to say?" he asked
I shook my head and smiled sweetly at him. Bumaba ang tingin ko sa medyo tabingi niyang necktie.
"Yung necktie mo sir." Tinuro ko. "Nakatabingi." Dagdag ko.
Napatingin siya doon at akmang aayusin ng biglang dumukwang ako sa office table niya at ako mismos ang nag ayos. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa Ito. Pero ito ang pangarap ko simula pa noon na maranasan kong ayusin ang necktie niya.
Oh diba ang babaw ng pangarap ko?
Oo aaminin ko matagal ko na siyang gusto o sabihin na natin na matagal ko na siyang minamahal na palihim.
At habang tumatagal mas lalong lumalaim ang nararadaman ko sa kaniya.At hinihiling na sana, balang araw mahalin din niya ako.
Nang maiayos ko ang necktie niya napatingin ako sa kanya. Para akong hinihigop sa lalim ng pagkakatitig niya sa akin. Ang mga mata niyang nakatingin sa mata ko bumaba sa aking labi. napatingin din ako sa labi niya kaya bago ko pa mahalikan ang nakaka-akit niyang labi umayos na ako sa pagkatayo. Nakita ko pang kumuyom ang kaniyang panga at malakas na bumuntong hininga.
Ngumiti ulit ako sa kaniya at medyo niyuko ang ulo bago lumabas ng office niya.
Pagkalabas ko napahawak ako sa dibdib ko. sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Grabe talaga ang apekto sa akin ng boss ko. hulog na hulog na talaga ako.
Bago ako pumunta sa table ko na nasa gilid lang ng pintuan ng office niya dumeretso muna ako sa comfort room. tumingin ako sa salamin at napahawak sa mukha ko. Marahan kong hinaplos ng daliri ang aking labi. nakatingin siya sa labi ko kanina. Ayoko mag assume pero feeling ko gusto niya akong halikan.
Ackkk! Kinikilig ako.Kinabukasan may magandang mistisang babae na tumapat sa table ko. Tumayo ako at ngumiti sa kaniya.
"Yes, miss?" Nakangiting tanong ko.
"Is Aldraide here?" Mataray niyang tanong. Gusto kong umirap dahil sa mapag mataas niyang tingin.
Buti na lang talaga mabait ako.
"Yes po, nasa loob siya." Magalang kong sagot pero sa loob loob ko gusto ko ng tusukin ang mata niya dahil inirapan ba naman ako.
"do you have an appointment with him?" tanong ko na ikinataas niya ng kilay.
"Excuse me? I am his girlfriend."
Napatanga ako. Ano daw? Siya girlfriend ni sir Aldraide? Paano? Kelan? Bakit hindi ko alam? Pero teka. Anong karapatan kong malaman ang personal life niya? Secretary niya lang ako. Secretary na palihim siyang minamahal.
Hindi na ako sumagot at sinamahan ko siya papunta sa pintuan ng office ni sir Aldraide. at akmang pipihitin ang doornob nang mag salita siya.
"No need, go back to your work. I want to surprise him." Sabi niya pero mahihimigan ang kamalditahan sa pananalita niya. inalis ko na ang kamay ko sa doornob at medyo yumuko bago umalis.
Maya't maya akong sumusulyap sa pintuan ng office ni sir Aldraide. isang oras mahigit na yatang nasa loob ang babaeng yun, ano kaya ang ginagawa nila? totoo kayang girlfriend niya ang babaeng yun? pero bakit ngayon ko lang siya nakita? e, tatlong taon na akong secretary ni Sir Aldraide.
Agad akong napatingin sa pintuan nang bumukas iyon.
Napaawang ang bibig ko ng makitang sabay silang lumabas at parehas na may ngiti sa labi. parang kinurot ang puso ko ng makita ang isang kamay ni sir Aldraide na nakahawak sa bewang ng babaeng mistisa.Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nag kunwaring abala sa laptop. Lumalabo din ang aking paningin dahil sa pag babadiya ng luha.
"Lexin,cancel my meeting with mr. falcon tonight." Utos ni Sir Aldraide nang matapat sila sa lamesa ko.
"O-okay sir." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nanggilid ang luha ko at ayokong makita niya yun.
"Lexin." Tawag sa akin ni sir Aldraide. pero hindi pa rin ako nag aangat ng tingin sa kanya at patuloy pa rin sa pag tipa sa aking laptop.
"Lexin!"
"Lexin look at me." Seryosong utos niya sa akin.
Kumurap kurap ako at pilit na ngumiti nang mag angat ako ng tingin sa kanya.
"Sir?" Maang maangan kong tanong.
"Are you okay?" Tanong niya. napakagat ako sa ibabang labi at tumango.
"Opo sir."
Akmang mag sasalita pa siya nang maunahan siya ng babaeng mistisa.
"Let's go babe." Aya sa kaniya. napayuko ako at nag kunwaring nag titipa ulit sa laptop.
Ang sakit kasi. Para akong ginising ng katotohanan na isa lamang akong hamak na secretary niya at hindi nababagay ang isang katulad ko sa mataas na tulad niya.
Dahil sa palihim na pag mamahal ko sa kanya. Palihim din akong nasasaktan.
YOU ARE READING
The Garden Of Pain
RandomSi Lexin Sagonoa Alcano ay secretary ng isang kilalang kumpanya sa pilipinas. Para sa kanya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo. Dahil nag kagusto sa kaniya ang lalaking palihim niyang minamahal. But everything is only temporary...