CHAPTER 2

0 0 0
                                    


Dala ko ang kape ng pinakamamahal kong boss.
kumatok muna ako bago pumasok, nakatungo akong nag lalakad hanggang sa mailapag sa table niya ang kaniyang kape. hindi na ako katulad dati na medyo clingy sa kanya. Dinistansiya  ko na ang sarili ko sa kaniya. simula nung nalaman kong may girlfriend na pala siya.

Kahit naman sobrang laki ng gusto ko sa kaniya hindi ko pa rin kayang manira ng relasyon ng iba. Tsaka okay na rin ito kasi mas masasaktan lang ako kung ipag papatuloy ko ang kahibangan sa kaniya.

Yumuko ako bilang pag galang bago tumalikod at nag lakad papunta sa pintuan. Pero nakaka ilang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ako.

"Lexin!" 

Napahinto ako at mabilis na kumalabog ang puso ko kaya mariin akong napapikit. tangina? Isang tawag lang niya sa akin nagwawala na agad ang puso ko. Paano ako makaka move on sa feelings ko sa kaniya kung sobrang lakas ng epekto niya sa akin?.

pigil hininga akong pumihit paharap sa kaniya at pinilit na maging normal ang sarili.  mukha kasing abnormal na ako dahil sa taksil kong puso.

"Yes sir? Do you need anything?" Nakangiting tanong ko habang deretsong nakatingin sa kaniya at buti na lang hindi ako nautal o pumiyok.

Pinagkatitigan niya ako kaya parang biglang nang hina ang tuhod ko sa nakakalusaw niyang titig. inilagay ko ang mga kamay ko sa aking likuran at doon ikinuyom ang mga kamao.

he stood up and put his hands in his pockets. napaatras ako habang dahan dahan siyang nag lalakad papalapit sa akin. Huminto siya ng ilang dipa bago mag salita.

"Are you avoiding me?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. nahalata ba niya? Pero paano? I mean sa paanong paraan?

Naiilang akong ngumiti at napakamot sa batok. hindi ko alam ang isasagot ko, Kasi totoo ang sinabi niyang iniiwasan ko nga siya pero ginagawa ko naman mabuti ang trabaho ko.

"H-hindi po s-sir." mahina kong sagot. sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa presensya niya.

"Really?" Sarkastikong tanong niya.

Humakbang ulit siya papalapit sa akin. nanginginig na ang tuhod ko pero pinilit ko pa rin umatras hanggang sa mapasandal ako sa pintuan at wala ng maatrasan. gusto ko na lumabas, hindi ko na kayang manatili dito sa loob ng office niya. Para akong nauubusan ng hininga pag nararadaman ko ang presensya niya at higit sa lahat pag malapit siya sa akin.

hindi ko na kayang labanan ang titig niya kaya nagbaba ako ng tingin sa paa ko. Nakita ko ang sapatos niya na sobrang lapit sa sandals ko kaya dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya, na sana hindi ko na ginawa dahil konting galaw na lang lalapat na ang labi namin sa isa't isa. hindi ko alam kung humihinga pa ba ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin.

Hindi ako makatingin sa kaniya kaya ipinaling ko ang ulo ko.

"Look at me Lexin." Utos niya, pero hindi ko sinunod.

"S-sir, l-lumayo po k-kayo." Nauutal kong sabi.

"Look at me." Matigas niyang ulit.


Ang lakas ng tibok ng puso ko at natatakot ako na baka marinig niya yun sa sobrang lapit niya sa akin.
Tsaka hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaasta niya, una sa lahat may girlfriend siya at pangalawa secretary niya lang ako. Kaya bakit big deal sa kaniya ang pag iwas ko? ginagawa ko naman ng mabuti ang trabaho ko.

"Ilang araw mo na akong iniiwasan. You're not like that before." Sabi pa niya.

"Sir, m-marami pa po akong g-gagawin." Sabi ko at hindi pinansin ang mga sinasabi niya.

Napaigtad ako nang malakas niyang ilagay sa mag kabilang gilid ko ang dalawa niyang kamay.
Dahil na rin siguro sa kabang nararadaman ko agad nanggilid ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"Why are you avoiding me?" Umigting ang panga niya.

"H-hindi po k-kita iniiwasan s-sir." Natatakot kong sagot. 

"Talaga?" Mapanuyang tanong niya at mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Marahan akong tumango.

Naisip ko ang girlfriend niya. Paano pag nakita niya ang posisyon namin ng boyfriend niya? Masasaktan siya at Baka ako pa ang maging dahilan ng pag aaway nila.

"S-sir, lumayo p-po kayo. B-baka makita t-tayo ng g-girlfriend mo." Nahihirapan kong sabi.

Nag salubong ang kilay niya at kitang kita ang pag tataka sa kaniyang mga mata. pero maya maya lang tumawa siya na parang isang joke ang sinabi ko. medyo lumayo siya sa akin at napahawak sa mag kabilang bewang niya. medyo nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya.

"Kaya ba iniiwasan mo ako?" Nakangisi niyang tanong na nag paawang sa bibig ko.

Paano niyang nasabi na kaya ko siya iniiwasan dahil may girlfriend siya? Alam ba niyang may gusto ako sa kanya?

"H-hindi sir, hindi kita iniiwasan." buong lakas kong sagot.

"She's not my girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit niya tinatanggi na girlfriend niya ang mistisang babae na yun? Ang ganda ganda non tapos itatanggi niya? Tsaka mismong si mistisa na ang nag sabing girlfriend siya ni sir Aldraide.

"Sir, kung maririnig ng girlfriend niyo ang sinabi mo, siguradong masasaktan siya dahil tinatanggi mong girlfriend mo siya." Medyo galit kong sabi.

Tinawanan niya na naman ako kaya mas nakaramdam ako ng inis.

"Sinong nag sabing girlfriend ko siya?"

"Edi siya." Mabilis kong sagot.

Sumeryoso ang mukha niya at napahimas sa panga.

"Hindi ko siya girlfriend. at mas lalong wala akong girlfriend." Seryosong sabi niya.


Kung ganon, ano niya yun? tsaka bakit niya sinasabi sa akin Ito? Secretary niya lang ako at labas ako sa personal life niya.

"Okay s-sir. babalik na po ako sa trabaho." Paalam ko at tumalikod. Napihit ko na ang doornob at akmang bubuksan na ang pintuan nang bigla niya kunin ang kamay kong nasa doornob at hilahin ako paharap sa kaniya.

Nanlaki ang mata ko nang mag lapat ang aming labi. Mas lalong nag wala ang puso ko at tuluyan ng nanghina ang mga tuhod. hinawakan niya ang bewang ko nang maramdaman niya ang pang hihina ng aking tuhod.

gumalaw ang labi niya pero hindi ko magawang tugunan ang halik niya dahil sa labis na pagkagulat.

Hiniwalay niya  ang kaniyang labi sa labi ko at ipinag dikit ang aming noo bago mag salita.


"Wala akong girlfriend, dahil ang gusto ko ay ang nasa harapan ko."




The Garden Of Pain Where stories live. Discover now