Chapter 4

95 9 0
                                    

Ayoko na! Hindi na ulit ako magpapasama sa dalawang ito. Pahamak sila eh, kapag ako napuno sasabihin ko sa harap ng mga taong ito kung sino ang crush ng mga ito.

"Ryse, huwag mong sabihin sa akin na tama ang hinala ko?" Pang ilang beses ko na ata narinig ito kay kuya. Kanina pa tanong nang tanong eh, nagsisimula na akong mairita.

"Eh di hindi tama ang hinala mo," sabi ko at binuksan ang cellphone.

"Namimilosopo ka na, Averryse. Hindi na ikaw ang pinsan ko," tamad ko naman siyang tiningnan bago sinulyapan ang kasama namin dito sa canteen nila. Yes po, dito po kami kumain.

"Ano nga ulit sinabi ko sayo? Kung ano ang pumapasok diyan sa isip mo ay sarilinin mo na lang? Tamang hinala man yan o ano," sabi ko at tumayo. "Una na ako."

"Hoy! Hindi na nakakatuwa yang ugali mo ha? Saan ka pupunta?" Kunot noo naman akong lumingon sa kanya. Yung totoo? Naka-drugs ba 'to?

"May kailangan sa akin ang napaka hard working naming president. Gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa kanya.

"Ano namang kailangan sayo ni Pres?" Takang tanong ni Mikaila.

"Namiss ata kagandahan ko, char! Una na nga ako bago pa ako masermonan. Kung makautos kasi yang president na yan kala mo secretary pa niya ako," reklamo ko. Wala akong paki kung nakatingin sila sa akin, badtrip ako sa president namin eh. Bakit ba?

Crush mo naman dati. Lol.

"I'll go with you," napatigil ako at napatingin sa lalaking kakatayo lang. Heto na naman ang puso ko.

"H-ha?"

"I'll go with you. I have to get something from my brother," sabi niya, napa-ah naman ako at tumango. May kapatid pala sya?

Napunta ang tingin ko sa mga kaibigan na may mapang-asar na ngisi at sa pinsan ko na may naniningkit na mata habang nakatingin sa akin. Inirapan ko naman siya bago tumalikod para umalis. Tamang hinala ka, kuya.



May dalawang metro sa pagitan namin habang naglalakad sa daan papunta sa campus namin. Hanggang ngayon pa rin ay patuloy ang kabog ng dibdib ko, naririnig ko na nga ang tibok ng puso ko. Mahirap 'to!

Napaka-imposible naman yatang maramdaman ko ito? I'm still sixteen and yet I already have this feeling? The f? This can't be!

Napabalik ako sa reyalidad nang sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko, napatingin rin tuloy sa akin ang kasama ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tiningnan ang chat ni pres.

Pres. Harvey: Hey! Where are you?

Pres. Harvey: Miss secretary?

Pres. Harvey: Seen this please!

Napahilot ako sa sintido habang binabasa ang message ni pres. Sumasakit ang ulo ko sa kanya, jusko! Kailan ba ito titigil kakatawag sa akin na 'Miss Secretary'?

"Are you okay?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

"Mm! Nagchat lang si pres," sabi ko.

"Is he...bothering you?"

"Slight?"

"Do you...want me to talk to him?" Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Pag sure uy!

"Bakit mo naman po gagawin yun?"

"So he wouldn't bother you anymore."

"Ah, hehe. Hindi na, okay lang naman. I can manage," nagpilit ako ng ngiti. "Sa ssg office po muna ako."

Tumalikod na ako sa kanya pero nakailang hakbang palang ako nang mapatigil dahil sa lalaking nakasalubong.

"Oh? Miss Secretary! Kanina ka pa hinahanap ni pres. Na-miss ka ata eh," pang-aasar ni Clyde na ikinaikot ng mata ko. Clyde Arvil Salvatore is my classmate.

"Isa pang Miss Secretary masasapak talaga kita," banta ko sa kanya.

"Katakot ha?" Ngumisi ito at lumampas ang tingin sa likuran ko kaya napalingon ako. Nahuli kong nakatingin si Kuya Clint sa amin. "Uy, kuya? Nandito ka pala?"

Gulat ang naramdaman ko sa sinabi ni Clyde. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa at saka ko lang na-realize na may hawig pala ang dalawa. The f? Magkapatid sila?

"Obviously. Do you know each other?" Tanong niya. Napakagat labi naman ako at napakamot sa kilay.

"Magkaklase kami kuya. Kayo? Bakit magkasama kayo?" Ani Clyde at inakbayan ako. Irita ko naman itong tinanggal. "Sungit mo ah? Inutusan ka lang ni pres kanina, iritado ka na?"

"Diyan ka na nga! Panira ka ng araw. Magsama kayo ni Pres!" Inis ko silang tinalikuran at dumeretso sa ssg office.








Nasa labas na ako ng opisina ng ssg pero hindi pa rin ako pumasok. Siguro nasa limang minuto na akong nakatayo roon, nagtataka na rin ang mga estudyanteng dumadaan.

I took a deep breath and warned myself not to raised a voice the moment I face the annoying yet nice president. Who would've thought that he became my crush when he is annoying after all?

"Hi! Mr. President ask me to come over. Is he in?" Bati ko sa kapwa niya officers pero hindi pa sila nakakasagot nang may nagsalita na sa likod ko.

"Finally, you're here! Where have you been?" Tanong nito habang papalapit sa pwesto ko.

I've been to London to look at the queen! Chos.

"College, from my cousin. What do want anyway?"

"I just want to ask you if you saw something like this on those folders," sabi niya at itinaas ang isang papel kung saan may print ng kung anong logo. Napaisip naman ako kung may nakita ba.

"Nope, I haven't. Hindi ko naman pinakialaman ang mga folders," sagot ko na may kasamang iling, tumango lang naman siya.

"Okay. Sorry for bothering you Miss Secretary. You can go back to your room," sabi niya na ikinangiwi ko. Again?

"No worries but Mr. President, could you please stop calling me Miss Secretary? You see, I'm not a secretary anymore and I am no longer part of the ssg," ngumiti ako.

"Oh? Sorry, nakasanayan lang but sure! Thank you for your time, Ryse."

Tumango lang ako sa kanya bago lumabas ng office. Isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko pagkalabas ng opisina nila.

Why naman papuntahin pa ako kung pwede naman akong tawagan? Gusto niya talagang mabawasan ang energy ko, ano? Pasalamat siya, gwapo sya tsaka mabait. Kung mabait bakit nagagawa mo pa ring magalit?

Ay shet na malagket!

"How did it goes?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla nalang may nagsalita sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa dibdib at napapikit. Akala ko kung sino eh.

"Nakakagulat ka naman po," sabi ko at umayos ng tayo. "Ayun, okay lang naman. May tinanong lang siya sa akin."

"Hm, ganoon ba?"

"Yes. Ahm, hindi ka pa aalis-- I mean, babalik sa campus niyo?"

"Pabalik na nga rin ako nang mapadaan ako dito?"

"Ha? Eh diba-"

"Pumunta pa ako sa room niyo ni Clyde."

"Ah, oo nga pala. Magkapatid pala kayo tsaka classmate kami, hihi."

"Una na ako?"

"Sige...po," ngumiti siya dahilan para matigilan ako.

Ang pagkatigil ko ay napalitan ng pagkagulat nang bigla niya na lamang guluhin ang buhok ko dahilan para bumalik ang kabog ng dibdib ko. Napakurap ako at ramdam ko rin ang pag-init ng magkabila kong pisngi kaya agad akong napatalikod at walang paalam na umalis.

Hindi na 'to nakakatuwa!








...

She, My Innocent Love (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon