A Cup Of Something

9 1 0
                                    

If being a coffee lover is a crime, I would have gone to jail multiple times that even the officers would get tired of seeing me.

Iyan ang tumatakbo sa isipan ng bente uno anyos na si Alondra.

Sa tuwing papayag siya sa pakikipagdate sa mga lalaking inirereto ng pinsan ay sa paborito nitong coffee shop ang laging pinupuntahan nila.

Ang barista at ibang empleyado ay kilala na siya, kaya ultimo araw ng maaring pag date-an nila ng lalaking inireto sa kanya ay alam na nila.

Every first and last Friday of the month.

Iyan ang oras na maaari lamang niyang ilaan para sa iba. Naitataon naman na ang laging gustong makausap siya ay hindi ang mga kaibigan o kamag-anak kundi ang mga lalaking sumubok na makipagkilala at manuyo sa kanya.

Hindi ako lalakero! Friendly lang talaga ang vibe ko kaya madaming may gustong i-date ako.

Mukha mang mayabang pakinggan pero iyon ang totoo. As much I wanted to explain it to others, I don't think that they won't believe it kung iba-ibang lalaki ang nakikita nilang kasama ko.

Mga malisyosa kung mag-isip ang iba, palibhasa ay hindi namulat sa katotohanan at hindi kayang tanggapin na mayroon platonic friendship na nag-eexist.

Iyon bang nakahanap ka ng pamilya, pahingahan, at kakampi hindi lang sa isang bagay katulad ng kape kundi na rin sa mga taong nakikilala mo na akala mo ay para sa iyo.

Hindi siya pinagtagpo ngunit hindi itinadhana bagkus may nakalaan lang talaga para sa iyo, na minsan parang katulad ng pag-inom ng kape, kung anu-ano na ang natikman mo pero ang sarap at amoy ng kapeng gusto mo lang ang binabalik-balikan mo.

Ang lalim 'no?  Hayst.

Isa iyon siguro sa dahilan bakit wala aking nagiging romantic partner sa lahat ng reto dahil wala naman sa kanilang coffee lover at hindi nila maiintindihan ang importansya ng kape sa akin at sa isang indibidwal.

Bakit kasi nauso ng miktea na iyan? Ayan tuloy lahat sila lulong na sa boba milktea. T_T

Isang vibrate mula sa isang pabilog na device ang naging hudyat ko na tapos ng gawin ang Irish Coffee na inorder.

Tatayo na sana ako ng ilapag ang isang tray sa aking mesa, kasama ng kape ay isang Affogato, dalawang Chocolate Muffin, at... polvoron?

Sinamaan ko ng tingin ang bwisit na may bitbit nito. Nginitian lang niya ako pabalik saka umupo sa aking harapan.

"Hindi porket ikaw ang may-ari Alonso ay pwede mo ng bastusin ang kape ko."

Kinuha ko ang muffin na para sa akin habang tinitikman na ang kape na inihanda ng lalaki para sa kanya.

"Para naman kabahan ka kakakape mo, D." Mahinang halakhak nito.

Ang inorder na kape ay inaayos na niya sa aking  harapan, humihingi pa ito ng tissue sa emplayadong dumaan sa aking likuran.

Kabahan, tsss.

"Hinding-hindi ako kakabahan sa kahit ano, ang akin lang bakit may pa polvoron ka e alam mo naman may allergy ako diyan? Right in front of my precious coffee, Zo? Really?"

Ginagawa na niya ito kolehiyo palang kami para inisin ako. 3 yrs later ay parang hindi nagbago ang panget at lumala pa nga ata dahil halos lagi ako nitong binibigyan sa tuwing naririto.

Kung hindi ko lang kaibigan ay baka nasabunutan ko na siya sa mga pang-aasar na ginawa. Pero baka kapag ginawa ko iyon ay wala na akong libreng kape sa tuwing mag-isa akong pupunta dito.

I'm not just a regular customer in this Café, but a college friend of the owner. How?

Dahil isa ako sa palagi daw nitong nakakasabay sa main gate na may hawak na kape. At gawa ng may family business na café restaurant malapit lang sa University, he created a thesis about the essential of coffee to college students.

The Beauty of NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon