VI- Transfer Student

2.3K 85 58
                                    

"OMG! look, si Claire Trinidad! "

Narinig ni Claire ang impit na bulong ng isang babae, malapit sa kan'yang likuran, animo'y kinikilig ito na hindi malaman.

"Where? " aniya naman ng isa pa na agad namang inihaba ang leeg para hanapin kung saan siya nakapwesto.

"Over there! Nakaupo ulit siya sa favorite spot n'ya! " sagot nung naunang nagsalita.

"Oh! Oh! S'ya nga! Should we approach her? "

No, please! Aniya sa kan'yang isipan at mas lalong iniyukyok ang ulo sa binabasa niyang libro.

Nagsisisi na siya ngayon sa pagpwesto niya sa pinaka gitnang bahagi nung library. Hindi na niya naisip na kitang-kita nga pala siya ng kahit sino roon.

Nawala na sa isip niya dahil sa pagmamadaling matapos ang gagawing assignment.

"Wait! Magme-make up lang ako! " sambit ng pangatlong babae na nakaupo rin malapit sa kan'yang likuran.

"Is she reading a book again? " tanong nung pangalawa.

"Gaga! Malamang, nasa library kasi tayo, noh. " sagot naman nung una.

"Palibhasa puro ka lang paghahanap ng gwapong papa dito sa library halip na magbasa at gumawa ng assignment. " sambit nung isa na nagsisimula nang magpahid ng lip gloss sa labi.

"Nagsalita ang panay ang ayos lang sa mukha, maski wala namang jowa! "

"Duh! Of course! Maski single ka need mo paring maging maganda, noh. Tutulad pa sa'yong wala na ngang ayos, eh mukha pang pinagsakluban ng kalawakan at inner core ng mundo. "

"Hindi ba dapat, 'langit at lupa' iyon, gaga! "

"OA din kasi ang sumpa mo sa itsura kaya OA din dapat ang description. "

"Hussh! " sabay-sabay na nagsitahimikan naman ang mga ito nang sitahin sila nung masungit na librarian na nakapwesto sa dulong bahagi nung school library.

"Ayan. Ang iingay n'yo kasi. " mahina nang sabi nung unang babae na nagsalita, ngunit sapat parin upang marinig niya.

"Saka na lang natin s'ya lapitan paglabas nitong library. Hayaan na muna natin makapag-basa ng mapayapa si Queen C. "

Queen C! The f*ck!

Napahilot siya sa kan'yang noo dahil sa itinawag nanaman sa kan'ya nung pangatlo.

Ano ako, reyna?! Naalala n'ya nanaman tuloy kung paano kumalat ang tawag na iyon sa kan'ya ng mga estudyante roon sa campus. Nagsimula ito nung maging sila nung hinayupak n'yang ex na si Dylan.

Binantagan silang "King and Queen" nitong Campus, nung magsimulang kumalat sa lahat na nililigawan na s'ya ni Dylan. Sa pagkakatanda n'ya ay si Dylan din ang may pakana na iyon ang itawag sa kanila. Nababaduyan man siya pero no choice a rin siya noon kung hindi ang hayaan ang gusto nito.

Iyon kasi yung mga panahon na in-love pa s'ya sa askal niyang ex. Na maski ang nais niyang katahimikan sa buhay ay pinayagan niyang magulo para lang dito.

Maasim na napaismid si Claire ng mukha at asar na inilipat ang kabilang pahina ng librong kan'yang binabasa.

I can't believe I let that fame whore ruined my peaceful life.

Nang dahil sa pakikipag-relasyon niya sa Dylan na iyon ay nawalan na siya ng privacy lalo sa buhay, lumala ang mga taong palaging nakamasid sa kan'ya. Mabuti nga nitong mga nakaraang linggo ay napapansin niyang wala nang gaanong sumusunod sa kan'ya pauwi sa kan'ya bahay.

Yago, The Naughty DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon