XXIV- Good Deeds

452 17 11
                                    

Claire's POV

MAY mali ngayon sa ikinikilos ni Yago, ramdam ko na para siyang balisa simula pa kaninang hapon, bago ako umalis ng bahay upang makahabol doon sa last subject na pwede ko pang attend-an.

Hanggang ngayon nga na nakauwi na'ko ay pansin kong ganoon parin ang kaniyang ikinikilos. Daig pa niya lagi ang asong hindi mapakali sa iisang pwesto. Panay ang lakad niya mula sa salas hanggang dito sa loob ng kusina kung nasaan ako.

Hindi niya alam na napapansin ko nang pabalik-balik siya sa aking likuran habang ako'y nagluluto, saglit siyang tumitigil doon na parang may kung anong sinisipat sa aking likod, pagkatapos ay muli nanaman siyang lalakad pabalik doon sa malaking bintana ng salas at animo'y kriminal na patagong sumisilip doon sa hinawing kurtina.

Like seriously.. He's suddenly acting so weird right now. I know na normal na sa kaniya ang pagiging wirdo pero iba kasi ngayon, mas malala.

"Yago. " aniko na hindi na nakatiis pa na punahin ito nang muli nanaman siyang bumalik sa aking likuran. Ramdam ko kasi na nakatanga nanaman siya roon at halatang nakatitig ulit sa aking likod. "What is it? " nilingon ko na ito.

"Hah? " namimilog ang mata nitong tugon, nagmamaang-maangan pa ito. Alam ko namang alam niya kung anong ibig sabihin ng tanong kong iyon.

"May problema ba? "

"Saan? "

"Anong problema? "

Bahagya itong umatras, saglit na lumingon ito sa likuran, halatang iyong bintana nanaman ang sinisipat nito sa may living room. Saglit n'ya uli iyong tinitigan, bago pa-inosenteng nagbaling sa akin ng tingin.

"What do you mean? " nagkibit pa ito ng balikat.

"Yago. " pinaghalukipkipan ko ito ng braso. "Kanina ka pang hapon gan'yan. Daig mo pa ang may inaabangan diyan sa labas. " itinuro ko ang pintuan palabas sa may living room. "Pabalik-balik ka dito at sa bintana. Ako ang naliliyo sa'yo. Ano bang problema? "

"Wala naman. " nag-iwas ito ng tingin. "Tinitingnan ko lang kung umuulan. "

He's lying.. Magsisinungaling na lang hindi pa ginalingan.

Tinaasan ko ito ng dalawang kilay. "At anong kinalaman ng ulan sa pagpapabalik-balik mo dito at sa bintana ng living room? "

"Luto na ba yung munggo, love? " anito na binabago pa ang topic. May pagtingkayad pa ito at umaktong sinisilip ang aking niluluto.

Ikaw kaya ang iluto ko nang magpirmi ka!

"Luto na? " pag-uulit nito sa kan'yang tanong. Ngumiti pa ito na halatang pilit at peke.

Hindi ko pinansin ang naging tanong ni Yago. Sa halip ay tinitigan ko lang siya nang may halong pagdududa. Nakatitig din naman ito sa akin, halatang hinihintay ang aking sunod na sasabihin.

"Sino bang inaabangan mo sa labas? " deretsahan ko nang tanong, kasi iyon naman talaga ang kutob ko kung bakit parang hindi ito mapakali.

"Wala, love. " tumalikod ito. "Balik na'ko. "

"Yago-- "

Yago, The Naughty DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon