IV- Karma's Return

3.1K 106 80
                                    

WARNING!
SPG
READ AT YOUR OWN RISK!

SENSITIVE IMAGES WILL BE POSTED ON MY TWITTER!

VIEWER DISCRETION IS ADVISED!

===×===

"AHH-MPP!--..

"Hushh! lower down your voice, stupid! "

"A-I'm sorry.. Uhmm. "

"Spread your legs.. "

"Ouch!-- "

"Excuse me, sorry sa abala pero hindi ito motel. Library ito at hindi lugar pamparausan. " ani Claire sa walang ganang boses at binaba ng tingin ang magkasintahang magkapatong sa bakanteng lamesa ng library.

"What the f*ck! "

"Oh my gosh!-- "

Magkasabay na bulalas ng mga ito nang magulat sa kan'yang biglang pagsulpot. Halatang babago pa lang nag-iinit ang magkasintahan nang abutan niya. Sorry na lang sa mga ito dahil wala s'ya sa mood ngayon para maging mabait.

"Sa totoong motel n'yo na lang ituloy iyan. " aniya at walang pakialam na naghalukipkip ng mga braso sa harapan nung dalawa.

Wala siyang balak mahiya para sa kahalayang ginagawa ng mga ito. Para sa kan'ya ay ang mga ito ang dapat na mahiya sa kan'ya ngayon.

Sino ba kasing mga ulaga ang makakaisip na gumawa ng kabulastugan sa loob ng library.

"Babe! cover me! " maarteng utos nung babaeng, halos kita na ang kaluluwa dahil sa nakakalas nitong bra at nakababang dress.

"Shut up!.. You! " hindi naman pinansin nung lalaki ang kasintahan, bagkus ay sa kan'ya ito galit na nagbaling ng tingin at dinuro siya ng daliri.

"Can't you mind your own business?! " pabulong ngunit may gigil sa boses nitong sabi at lalo pang idinuro ang daliri sa kan'ya.

"Sir, you're doing unnecessary things inside my workplce,.. And as an emplyee, I have all the rights to stop you from doing that-- "

"I don't care kung ikaw pa ang may-ari ng library na 'to! Hindi mo ba ako nakikilala, hah?! "

Saglit s'yang hindi umimik at walang ganang sinuri ang kabuuan ng lalaking bastos.

Well.. Kahawig nito yung manyakis na karakter, na naunang mamatay sa pinanood n'yang horror movie kagabi.

In-short, wala akong paki!

"Ano! Ba't ayaw mong umimik d'yan, hah! "

Napabuntong hininga si Claire. Niyakap niya sa dibdib ang dalawang libro na hawak, bago muling binalingan ang aroganteng customer.

"Wala rin akong paki, Mister kung wala kang budget sa pang-motel n'yo ng iyong girlfriend. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ngayon, kung aangal ka parin sa pagsita ko, eh tatawag na lang ako ng pulis para-- "

"Shut up! Ang lakas ng loob mo na bastusin ako, hindi mo ba ako kilala, hah?! " muli nitong tanong at gigil na itinuro ang sarili.

De p*ta! Tinaasan n'ya ito ng isang kilay. Bakit ba ipinagpipilitan nito ang tanong na iyon, eh hindi nga n'ya ito kilala. Kaya nga hindi n'ya sinasagot ang tanong na 'yon, eh.

"Ano! " nanarak na ang mata nitong sigaw. Mabuti na lamang at wala ng ibang customer ng mga oras na iyon. Malapit na kasi silang mag-sarado, hinihintay n'ya na lang yung kan'yang superior na saglit na lumabas para bumili ng meryenda.

"Hindi kita kilala. " sagot n'ya na lang para matahimik ito.

"F*cking b*tch! You don't know me, huh! "

Yago, The Naughty DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon