XVI- The Strange Lady

1K 31 24
                                    

KINABUKASAN.

Nagising si Claire na wala si Yago sa bahay nito. Naabutan n'ya lang ang sticky note na idinikit nito sa may ref, nakasulat doon na may pupuntahan lang daw ito at baka hapon na rin makabalik ng uwi, pinaalala pa nito sa sulat ang pagkaing iniwan nito sa may dining table para sa kan'ya. Pagkatapos ay-- wala na.

Iyon lang ang tanging laman ng sulat ng binata. Ni wala manlang pa "I love you" sa dulo. Kutob tuloy niya na hanggang ngayon ay may tampo parin sa kaniya si Yago. Siguro ay masama parin ang loob nito sa kan'yang nagawa kahapon.

Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula, Claire! Kung nagpakumbaba ka na ba kagabi, eh 'di sana'y payapa rin ang konsensya mo ngayon.

Napasapo siya sa kan'yang noo at pabagsak na sumandal sa pintuan nung ref. Sinulyapan niya ang natataklubang pagkain sa may lamesa at nanlulumong nappatitig doon. Kahit papano'y nag-effort parin itong ipagluto siya ng agahan, maski hindi niya iyon hilingin ay palagi nito iyong ginagawa para sa kan'ya.

Ito na yata ang magiging una nilang tampuhan.

At ang tanga lang niya dahil ngayon lang din niya nare-realized kung gaano siya talaga inaalagaan ni Yago.

Hinding-hindi niya iyon naranasan sa kan'yang naging ex na si Dylan. Ngayon lang siya nakaranas na mapagsilbihan ng isang lalaki.

At parang gusto niyang pukpukin bigla ang sarili dahil ngayon n'ya lang iyon na-a-appreciate, kung kelan mero'n silang tampuhan.

Naku naman! Wake up na, Claire! Magising ka na sa katotohanang hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ex mong bangaw!

"Tch. " napailing-iling siyang naglakad palapit sa dining table at naupo sa isa sa mga upuan doon. Binuklat niya ang may taklob na pagkain at lalo pang napangibit nang makita kung gaano kaganda ang pagkaka-plating ng kaniyang magiging agahan.

Shocks! Effort nanaman! Naipit niya ang kan'yang mga labi upang pigilan ang pagngiti. T*ngina, kinikilig nanaman yata siya.

Naghahanap pa siya kanina ng "I love you" doon sa sticky note na nakadikit sa may ref, eh nasa pagkain pala niya ang pa- "I love you" ni Yago.

Nakaguhit iyon sa scrumbled egg, gamit ang ketchup. At may smiley pa nga at heart shape sa may ibabang gilid.

Napatakip si Claire sa kan'yang bibig at saglit na napapikit ng mariin. Hindi na niya napigilan ang mapa-react. Kahit kailan talaga ay hindi nauubusan ng mga pakulo ang gwapo niyang boyfriend.

Maski nagtatampo, sweet parin! Sa'n ka pa, Claire?!

Saan. Ka. Pa?!

"Okay. " aniya na ibinaba na sa lamesa ang mga kamay at deretsong napatitig sa mga pagkaing nasa harapan. "Mamaya, magso-sorry na ako paguwi n'ya. P-promise. " aniya sa sarili bago sinimulan ang paglantak sa as usual, napakasarap nanamang luto ng napakagwapo at matampuhin niyang boyfriend.


Hmm! Heaven ang lasa! Parang yung nagluto!

Yago, The Naughty DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon