Chapter Twenty-One

1K 24 2
                                    


My mental health is deteriorating. Malaki ang naging impact ng pag-alis ni Arthur, at ang pag-layo ni Axel. Ang close friend ko sa prod. ay lumipad na papunta sa states para maranasan ang mala-fairytale na kasal. Life is unfair sometimes. Tila naging black and white ulit ang nakikita ko. Hindi ko na alam kailan ako huling ngumiti.



Tahimik kong inabot kay TL Jian ang resignation notice letter ko.



"Are you certain about this, Mikana? Sayang naman kung aalis ka sa team ko." Malungkot na saad ni TL.



Ngumiti ako ng pilit sa kan'ya. "Mag iibang bansa na po kasi ako, pasensya na po talaga." sagot ko.



Isa sa mga option ko ay sumunod kay Kuya Russel sa Canada, pero nag papa-iwan ang puso ko, parang gusto nitong hanapin si Axel.



Si Axel na minsan nagpabuhay sa patay na kaluluwa ko. The Axel who always put a smile on my face, and make me laugh over his silly jokes.



I miss his touch.



I miss his kiss.



I miss him...



Araw-araw siyang hinahanap ng mga mata ko. Before Axel walked into my life, everything was dull. Parang araw-araw na lang paulit-ulit ang ganap sa buhay ko. Hindi ko namalayan nag-iwan na pala ng marka si Axel sa puso ko, at hinap-hanap na siya nito. Halos dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita.



Huling araw ko na sa trabaho. Hindi pa naman ako nag pa-panic sa finance ko dahil may savings akong maari kong gamitin. Palagi akong nagkukulong sa kwarto at nakahiga sa kama buong araw. Paminsan-minsan dinadalaw ako ni Trina kasama ang baby niya. I tried to put an act, pinapakita ko na ayos lang ako pero deep down inside nagkakagulo na sa loob. Hindi ko alam paano ayusin nagkandabuhol-buhol na isipan ko. Hindi ma-pirmi ang utak ko kakaisip kay Axel.



Baka may iba na siyang customer na pinapaligay ngayon?  Paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang thought na iyon. Ayaw ko may ibang babae siyang kayakap, at kahalikan. Akin lang dapat siya. This is so pathetic. Hindi ba ako rin ang tumaboy sa kan'ya palayo? Ang kapal naman ng mukha ko kapag magpapakita pa ako sa kan'ya.



Damn him. Mababaliw na ako. I didn't expect him to have a great impact in my life for Pete's sake. Mababaliw na 'ata ako.



I need to find him... kahit makausap lang siya. Pero bago muna 'yon kailangan ko muna baguhin ang hitsura ko. Bumili ako ng mga trendy clothes, nagpa-salon ako. Nagpakulay ako ng buhok, at nagpa treatment. Ginaya ko ang hairstyle ng blondie na babae. Ewan ko ba, kung anong sumagi sa isip ko at ito ang pinili kong ayos ng aking buhok. Nanood rin ako sa online paano maglagay ng make up.



Sinubukan ko siya rentahan sa site pero palaging seen ang message ko. Hindi ako makapag DM sa kan'ya dahil naka block ako.


Nakipag chat ako kay Kyle. Tinanong ko kung andoon pa ba si Axel sa condominium na tinutuluyan niya, at ang reply niya andoon pa raw siya.


Pinuntahan ko siya sa condominium. Pinapasok ako ng security sa tulong ni Kyle. Halos mawasak ang rib cage ko sa sobrang lakas ng kalabog ng aking puso. Nakakababa ano ba ang dapat ko sabihin kay Axel? Should I apologize first or hug him? Oh my gosh, I want to embrace him so much.



Bumukas ang pinto ngunit hindi si Axel ang nakita ko.



"Who are you? and state your business. Make it a little faster, I'm busy." Phoenix sternly asked with stoic expression on his face, dahilan para mapakagat ibabang labi ako.



Rent For Pleasure (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon